Chapter 3

86 24 1
                                    

Sobrang alanganin talaga ng punta ko rito dahil bukas na kaagad ang pasukan, kakagising kolang at sobrang napagod ako sa byahe. Kamusta na kaya sina tatay siguro'y sinesermonan na nila ako ng ganitong oras dahil tanghali na ako nagising.

Tinawagan ko muna sina nanay para kamustahin sila at tamang tama ang nasa isip ko na tumambad saakin.

[ Alas diez na, Flor, bakit ngayon kalang nagising? naghagisan na ng pera tulog ka pa rin!] sermon ni nanay, parang hindi naman ako na miss nito miss niya lang ata ako sermonan.

"Nakakapagod kasi ang byahe kagabi, 'Nay, anong oras na ako nakarating." ani ko rito.

[ Oh, sya, mag-almusal kana riyan. Kamusta ang boarding house mo? nakatulog ka naman ng maayos?] sunod-sunod na tanong nito.

Nasa bahay si nanay at diko narinig ang boses ni tatay siguro'y nasa bukid na ito, maaga talaga pumupunta sa bukid yun.

"Sobrang komportable 'Nay, at tsaka alarm clock po ang gumising saakin, hindi ang sermon-"

Sinamaan lang ako ni nanay ng tingin ni nanay kaya napangisi nalang ako.

"Oh, siya, 'Nay. . . tawagan ko nalang ho kayo mamaya, babye loveyou!"

Agaran kong pinatay ang tawag para lumabas ng kwarto at makita ang mga kaboardsmate ko.

Mahigit pitong kwarto ang narito at sobrang laki, bawat kwarto ay may sariling cr, lutuan at kainan pero kapag lumabas ka ng kwarto mo ay mayroon ding malaking lamesa kung gusto niyong magsama-samang kumain.

Paglabas ko ay wala pang gaanong tao, may dalawang babae akong nakita. na kumakain sa lamesa, mukhang kakagising palang nito dahil may kumot pa na nakabalot sakaniya habang nakaupo at nag cecellphone.

Lumapit ako sakanila at umupo sa tapat nila, napalunok ako ng tignan nila ako ng masama.

"M-magandang umaga. . ." bati ko, "Pwede makahingi?" hindi pa sila pumapayag ay kumuha na ako ng tinapay.

"Bago ka?" tanong ng isang babaeng may makapal na kilay

Tumango ako habang nagpapalaman ng tinapay.

"Ako si Lisa." sabi nito saakin, napangiti naman ako dahil biglang nagbago ang boses niya na kanina lang ay ang sama ng tingin saakin.

"Ikaw po sino ka?" tanong ko sa katabi nito na may mahabang eye liner, "Si kuto?" malakas akong tumawa at sunod-sunod na umubo.

"Huy!" tawa ni ate Lisa. "I like her vibes." pahabol niya pa at nakipag apir.

"Diyos ko naman Lord! kontento na kami kay Lisa dinagdagan mo pa ng isa pa." bulong ng babae, "I'm Brianna." pagpapakilala niya.

"Anya, Anya is my name." tuloy-tuloy pa rin ako sa pagnguya, "Ay puro babae lang po ba tayong lahat dito?" natanong ko dahil napansin kong may boxer sa bandang kusina

"Hindi, ikaw ang pangatlo sa mga babae at may dalawang lalaki. Lalaki sila nung pumunta rito hindi lang namin alam kung lalaki pa rin sila." pabiro ni ate Lisa na gawa nang tawanan namin.

"Lisa, Bria!"

Sabay-sabay kaming napatingin sa tumawag na lalaki, nakahubad ito ng pang-itaas at pawis na pawis, napako ang tingin ko sa basa nitong pangangatawan.

"Nicholas, galing ka nanamang gym 'no?" ani ni ate Brianna.

"Bago?" tumuro saakin ang lalaki, pinangsingkitan kolang ito ng mata.

Sinabi rin nila ate Brianna na bago lang ako nakisabay narin siya sa pag-aalmusal namin. Nakwento ni Nicholas na isa siyang 1st year college and currently taking a criminology. Naalala ko rin tuloy dito si Wrelan kung gaano niyaa kagusto ang pagiging pulis.

I hate Autumn, My Rose. (Highschool Series #4)Where stories live. Discover now