Chapter 1

191 31 2
                                    

"Anya, Florencio, halina kayo rito at sobrang init na nakahanda na ang tanghalian natin." Naririnig kong tawag saamin ni nanay.

Nandito kami ngayon nila tatay sa aming hacienda, tanghaling tapat ngunit ito ang oras na gustong-gusto kong tignan ang mga tanim ko.

Halos kalahati nito ay taniman ng mga bulaklak, at sa taniman naman ng mga bulaklak ay karamihan mga rosas. Ang kalahating parte ng Hacienda ay para naman sa pang kabuhayan namin na may iba't ibang klaseng tanim.

"Halikana, Flor, Tawag na tayo ng nanay mo, nakalam narin ang sikmura ko."Humawak pa si tatay sa kanyang tiyan at ngumiti.

"Mauna napo kayo, tay, kakausapin ko po muna ang mga anak ko." Pabiro kong sabi, tinapik lang ako ni tatay at pumunta na sa kubo.

Isa ang hacienda namin sa pinakamalaking lupang taniman sa. buong bayan, marami ring iba't ibang manufacturer ang pumupunta rito, aminado akong malaki ang kita namin kada buwan lalo na kapag tagbunga ng mga tanim. Maliit lang ito nung una dahil ipinamana lang ito ni lola na mama ni tatay, at pinalaki ito sa pamamagitan ng pagsisikap nila nanay at tatay.

"Hello, mga rosas ko." Hinawakan ko ang isa sa petals nito.

Para bang nakikipag-usap din sila saakin dahil sa sigla nang paggalaw nila.

"Hindi ko na kayo makakasama ng madalas." Lumungkot ang boses ko.

"Y'all mommy really need to go on..
on school, hehe. Wag na nga mag english." Kahit ako ay natawa ako sa pinagsasabi ko.

"Babantayan kayo nila nanay at tatay, pangako!" Hinalikan ko ang rosas na hawak ko ngayon.

Tumayo na ako dahil narinig ko nanaman ang tawag saakin nila nanay.

"Napakatagal mo naman, Anya." Si nanay

"Highblood ka nanaman, 'Nay. May ginawa lang po ako." Ani ko habang naghuhugas ng kamay sa may lababo.

Hindi ito isang ordinaryong kubo lang, meron na rin ditong lutuan, cr,  pahingan at kainan. Malapit lang din dito ang mismong bahay namin, pagsapit naman ng hapon ay umuuwi rin kami.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain, tahimik lang ako at nakatulala sa lawak ng lupang ito. Ang gaganda tignan ng mga tanim na nakahanay, parehas ba namang farmers sila nanay at tatay, eh.

"Sus, aminin mo man o sa hindi nabihag talaga kita dahil sa angking kagwapuhan ko."

Napabalik nalang ako sa diwa ko nang marinig ko nanaman ang asaran nila nanay at tatay, isa sa mamimiss ko kung sakaling mag bubukas na ulit ang klase dahil malayo na ang school na papasukan ko.

"Magtigil ka nga, Florencio, oh ito kape para magising ka naman sa pagpapantasya mo." Ganti naman ni nanay.

Parehas silang mapang-asar kaya ano paba ang aasahan niyo saakin?

"Hay naku, 'nay, 'tay bakit ba ayaw ninyo magpatalo. Eh, parehas naman kayong maganda at gwapo hindi ba obvious sa naging bunga ninyo?"Pagbibiro ko, inilagay ko pa ang likod ng palad ko sa ilalim ng baba ko at nag beautiful eyes.

"Ayan ang resulta ng pagiging hambog mo, Florencio! ayan pa ang namana ng anak mo." Si nanay, bigla tuloy akong napadilat nang tuluyan

"Gandang ganda ka kasi sa sarili mo, Amy, ayan tuloy naging katulad mo itong anak mo!" Si tatay naman

Nagkunwari akong umubo at nagtaas baba ang adams apple, "Ahm.. excuse me po, mom, dad. I'm the most beautiful girl here in our universe so don't me ikahiya because that's totoo."Inulit ko pa ang pagpapa cute ko

Napasapo nalang tuloy sila pareho sa noo.

Maya-maya ay natapos narin kami sa pagkain, nagpapapak nalang ako ng pinya habang nag totoothpick si tatay at inaayos na ni nanay ang pinagkainan.

I hate Autumn, My Rose. (Highschool Series #4)Where stories live. Discover now