CHAPTER FOURTEEN

57 4 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Clarence

"BAKIT narito na naman tayo?" tanong ni Czarina sa 'kin matapos namin marating iyong shooting area ko sa malaking bahay ng aking mga magulang.

Madalas ako sa lugar na ito at nakahiligan ko na rin gawin ito bilang parte ng pag-aayos ng aking isip. My grandfather taught me how to shoot and this has become one of my hobby now.

"I told you, I'll help you pulling off the trigger," tugon ko.

"Literal pala iyon?" Quick-witted si Czarina at mabuti na lang ay gano'n siya dahil ayokong mahirapan na mag-esplika sa kanya. "Marami pa akong kailangan gawin ngayon, Clarence. Saka hindi pa naman ako napayag ss gusto mo mangyari."

"You need this to be able to help yourself incase I'm not around."

"Gumamit ng baril talaga? Hindi ba puwedeng ibang self defense na lang? What if I shoot the wrong guy? Eh 'di kulong ako agad noon."

I chuckled. She's funny and I have to admit that, giving Czarina a credit for making me laugh and smile. "Marami pa ako ituturo sa 'yo pero ito muna tayo. Malapit itong gawain sa puso ko na gusto ko ipakita sa 'yo."

"Bakit?"

"Just because."

"Gusto mo ba ako, Clarence?" Natigilan ako matapos ko maranig ang tanong ni Czarina. Saan naman niya napulot ang tanong na 'yon? Pero gusto ko rin malaman ang sagot na imposible namang mahahanap ko agad. "Panganib ako sa buhay mo kaya hayaan mo na lang ako at huwag na tayo magkita uli."

Nilapitan ko siya at hindi hinayaan na makaalis. I placed a headset on her hed, covering her ears to protect it from eardrum wrecking noise. Nagsuot din ako ng headset para protektahan naman ang tainga ko. Sunod ko pinahawak sa kanya ang baril na alam kong kayang-kaya niya dalhin kahit saan magpunta.

I guided her hand up, aiming at our target. I placed my other hand on her waist, pulling her closer.

Isa sa mga natutunan ko kay Lolo ay kapag tinutok mo na ang baril, huwag na magdalawang isip pa na iputok iyon. Because he said, the more I hesitated, the more I let my opponent think of an strategy to kill me first.

Tumingin ako kay Czarina at nakita ko na gano'n din siya sa akin kaya minuwestra ko na target siya tumingin, hindi sa mukha ko. Tumingin muna ako sa aming kaliwa't-kanan bago tinulungan siyang iputok ang baril na hawak.

Inalis ko ang headset sa aking tainga at inaninag iyong target namin. Gano'n ang ginawa ni Czarina pero siya lang lumapit sa kinaroroonan ng target. I hesitated to follow her there since I knew that we shot it in the head.

Inisip ko rin ang sinabi ni Czarina bago siya tinuruan kung paano bumaril. Sinabi niya na panganib siya sa buhay ko pero heto ako't pinatutuloy pa rin ang isang tulad niya.

Malalim akong huminga at hinanda ang baril na ibibigay kay Czarina. I assembled a handy one, loading it with bullets before placing it in a leather case.

"Here, use this when you need it. Rehistrado iyan sa pangalan ko at valid pa hanggang sa susunod na dalawang taon."

"Bakit mo ba ito ginagawa?"

Tumingin ako sa kanya. "I already told you that I want to protect you. So, lean on me, Czarina." That's the truth, and there's another - she is the danger I will embrace in this life.

~•~•~

KAMI lang ni Dean ang magkasama ngayon sa bahay, tahimik na kumakain. Wala si Ellary na sumama sa kapatid kong si Maddie. Naitanong ko na rin ang gusto ko malaman kay Dean na may kinalaman sa school, pag-aaral niya at mga kaibigan.

A Rebel Match For The SenatorWhere stories live. Discover now