CHAPTER TEN

52 10 0
                                    

CHAPTER TEN

Czarina

PARA SA PROTEKSYON, iyon ang paulit-ulit ko na sinasabi habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Clarence. Kabado ako ngayon kasi may mali ako nagawa kanina pero buti at naisalba ako ni Jeni at Jovelle bago pa mahuli.  Maling case file na binigay ko kanina dahil na rin kalutangan ko. Kinulang ako sa tulog kaya daig ko pa talaga ang totoong naka-droga ngayon.

Iyon ay dahil kay Apollo na ginulo ako kagabi kaya heto at may pasa na naman akong pinakatatago-tago ngayon. Naiisip ko na na lumipat kung saan hindi na ako mahahanap pa ni Apollo kaso sino ba ang niloko ko? Kahit yata saang lupalop ako magtago ay makikita at makikita pa rin niya ako.

It was my fault in the first place.

Naiinis si Apollo na hindi niya ako malapitan dahil sa kapal ng bodyguards na meron si Clarence. At kapag kasama ako ng boss ko, kasama ako sa binabantayan nila pero obligasyon ko rin tingnan si Clarence.

Ramdam na ramdam ko ang inis ni Apollo hanggang ngayon na para bang nakakabit na ang kamay niya sa aking braso. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiwi sa sakit kapag nababangga ang aking braso o 'di kaya'y nauunat.

“Aray. . .” daing ko nang unatin ko aking braso saka mas binilisan pa ang lakad.

“Czarina, come to my office now.” Ma-awtoridad na tinig iyon na kilala ko naman kung kanino galing pero hindi ako sumunod agad. Napatulala lamang ako at kumilos lang nang magsalita si Clarence uli. “Czarina Guevarra.”

“Sir!” Gulat na gulat kong bulalas pagkarinig uli sa boses.

“In my office now,” he said calmly but I know it's just a bait. Alam ko na pagpasok ko sa opisina niya'y ibang Clarence na ang makikita ko. Kaya naman napadasal ako kahit hindi ako relihiyosang tao.

“May kailangan ka ba?” tanong ko agad nang makapasok sa opisina ni Clarence.

“I need you to do two things for me.” Lumunok muna ako bago kinuha ang aking notebook. “Clear my afternoon schedule today and call this flower shop for me. Kunin mo iyong in-order ko na roses bouquet pati na iyong cake sa katabing pastry shop niyan.”

Kinuha ko ang inabot niyang calling card sa akin at tiningnan iyon harap-likod. Iyong shop ay dalawang kanto ang layo mula dito at nadadaanan ko iyon sa tuwing papasok. “Ano'ng okasyon?”

“It's my mom's birthday and Ellary's” Napatango ako matapos marinig ang kanyang sagot. “What's wrong with your arm?”

Napatingin ako sa braso ko. Nagpanggap na maayos iyon pero napangiwi agad din namang napangiwi dahil sa sakit na dagli ko naramdaman.

“W-wala. Nag lift ako ng weights kagabi at napa-sobra yata kaya hindi ko na maiunat ng maayos.” Hindi na kumibo si Clarence at hudyat na iyon para sa 'kin na lumabas pero nagtanong pa muna ako sa kanya. “Wala ka na ba kailangan? Lalabas kasi ako para mag-break.”

“Just do what I asked you to do and bring me those things I needed.”

“Copy.” Mabilis ako kumilos at ginawa ang mga sinabi ni Clarence. Akala ko talaga bubugahan niya ako ng apoy. Mabuti na lang at hindi nangyari pero ang weird lang dahil tinanong pa niya kung ano'ng mali sa 'kin.

Concern ba siya?

Hmm, probably not. Mabuti pa na huwag umasa kaysa masaktan sa bandang huli. . .

~•~•~

“ARAY. . .” daing ko uli nang hubarin ko ang suot na cardigan. Natatakpan ng telang suot ko kanina ang malaking pasa sa aking braso na may sugat. Mabuti na lang at hindi dumugo kung 'di mahahalata talaga itong injury ko.

A Rebel Match For The SenatorWhere stories live. Discover now