CHAPTER TWELVE

71 5 0
                                    

CHAPTER TWELVE

Clarence

“ARE you sure about this?”

Iyon ang tanong na pinukol ko kay Cal matapos niya bigyan ng mga larawan at report tungkol kay Czarina. Ayon sa nabasa ko, may malaking utang ang nanay ni Czarina sa lalaking lagi nakikita ng tao na pumupunta sa dorm niya. Si Apollo. Czarina was the payment her mother provided to erase their huge debt.

And those bruises I saw last night came from that man. He's hurting Czarina. Kumpirmado dahil hawak ko ang picture ng naturang insidente bago.

“Pinuntahan ko iyong bar na pinagta-trabaho-an nila ni Miss Daria dati. Wala roon si Apollo at ipinasasara na iyon ng city government.”

Malalim akong huminga.

Why did I let someone like Czarina be close to me? I endangered my family. Kaya pala gano'n na lamang ang pagpupumilit ni Mama na sisantehin ko na siya. Naunahan ako ng nanay ko na malaman kung sino ba talaga si Czarina at iyong mga taong nakapalibot sa kanya.

And Dean. . .

Damn it!

Sana mali ako ng iniisip ngayon. Maybe Dean was deceived by Czarina's motherly side. My son still longing for it and he sometimes think pity and love are the same.

“Clarence. . .” Tawag na pumigil sa dapat na sasabihin ko kay Cal. “Kausap ng lolo mo iyong assistant mo.”

“What?!” Tumayo ako bitbit ang dokumento saka larawan na nakuha niya at aktong lalabas na sana ngunit binalikan ko si Cal. “Ituloy mo lang ang pagkalap ng mga impormasyon. But be discreet.”

Tumango lang ito at iyon na ang hudyat para iwanan ko si Cal. I need to pick up Czarina before she tell tales to my grandfather. Kung alam ko lang na narito silang lahat, hindi ko na dapat dito inuwi si Czarina.

Hindi ko siya hinatid sa kanyang dorm dahil unang-una, hassle iyon sa para sa 'kin. I only have Cal that night who drove us to here. And as usual, I picked up after Czarina who loves to litter anywhere. Bukod iyon sa inborn na siyang maingay saka makulit.

“You did a good job, hija,” sambit na narinig ko nang makarating sa sala. Papunta pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang tawa ng lolo ko. He rarely done that. Not after my grandmother died. “Ano sa tingin mo? Kaya mo ba ang hamon ko sa 'yo?”

“What are you two talking about?” tanong ko nang hindi na makatiis na nakamansid lang ako sa kanila. I know my grandfather well. What curse did Czarina casted on him?

Unang lumingon sa akin si Czarina at unti-unti nawala ang ngiti niya. Maybe she remembered what happened last night. It was the most chaotic night I ever had. Dapat hindi na lang ako lumabas para 'di ko siya nakita. Paulit-ulit ang kwento niya tungkol sa mga pangyayari sa kanyang buhay noon hanggang ngayon. But she made sure not to spill anything deeper about her life.

“Nakakagulat ka naman,” bulalas ni Lolo.

“Puwede ko pong subukan. Wala namang mawawala,” ani Czarina na lubos kong pinagtakhan.

“I'll give you whatever you want if you fulfill the task I am asking you to do.”

“Talaga po? Kahit materyal na bagay? O bahay at lupa?”

“Okay, that's enough,” sabat ko saka lumapit na kay Czarina at hinila siya patayo. “We'll go ahead now, Lolo. Kailangan na kami sa opisina.”

“Okay. Pero bumalik ka dito lagi, Czarina. I want to hear more of your jokes and stories.” Iyon ang sabi ni Lolo na hindi ko na hinayaan sagutin pa ni Czarina. Mabilis ko siya hinila paalis sa sala at walang lingon-likod kaming lumabas dalawa.

A Rebel Match For The SenatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon