CHAPTER THREE

58 7 0
                                    

CHAPTER THREE

Czarina

Present time. . .

MAAGA akong gumising kinabukasan para mamili ng mga gamit sa bahay. Hindi naman din ako nakatulog ng maayos noong umalis si Clarence. Kaya naglinis na lang ako ng banyo at naglaba ng mga inuwi ko na marumi.

Ngayon ito namang pag-go-grocery ang inatupag at bilang wala akong cat sitter, kasama ko sila Ballpen at Milo ngayon. I put them in a bag which they can breath and move properly.

"Dad went out last night. I saw him living without his bodyguards." Kumunot ang noo ko ng marinig ang salita na iyon mula sa kabilang lane. I am in the lane where breads and spreads are located. "I know he's seeing someone we don't know and probably Lola won't approve."

"Hayaan na lang natin si Dad na gawin ang gusto niya. Hindi naman siya bumalik na lasing. May dala pa ngang pagkain galing sa labas."

The voices are familliar. Parang narinig ko na kung saan at hindi ako puwedeng magkamali kaya naman tinulak ko ang cart ko papunta sa kabilang lane.

"Dean, Ellary. . ." Tawag ko sa mga anak ni Clarence. That alert the bodyguards they have nearby which is understandable. Baka hindi na ako kilala ng mga ito dahil matagal ako nawala sa sistema ng mga bata.

"Tita Cha!" Ellary shouted upon recognizing who I am. Tumakbo ito at lumapit sa akin saka yumakap. "Na-miss po kita," aniya pa habang nakayakap sa akin.

Ngumiti ako at pinanood si Dean na lumakad palapit sa amin. Dean was blessed with Clarence good looks and his late mother's blue eyes.

"Na-miss din kita and look at my back," sabi ko na sinunod naman ni Ellary. Natuwa ako ng marinig na tuwang-tuwa siya makita sina Ballpen at Milo. "How are you Mr. Elusive?" Baling ko kay Dean.

"Masungit pa rin siya, Tita Cha. Lagi may sumpong lalo kapag picture taking." Natawa ako ng pisilin ni Dean ang pisngi ni Ellary na inawat ko naman bandang huli. "Let's have lunch together, Tita Cha!"

"Baka busy siya Ellary," sabat ni Dean.

"No, I'm not busy. Tara babayaran ko na ito para makakain na tayong tatlo." Akto akong lalakad pero huminto ng mapansin ko na 'di sila nakasunod dalawa. Muli ako lumapit sa kanilang dalawa. "Bakit? Change of plans?"

"Kasama si Dad. He's on his way here," ani Dean na nagpa-awang sa labi ko. "Tita, will it be okay? If not, we can re-schedule our lunch -"

"It's fine. Let's go?"

Hindi ko na kasi alam kung kailan ko sila uli makikita kaya pagbibigyan ko na ang tadhana. Limang araw lang bakasyon ko at huling araw taon ay sa ere ko na gugulin. Pati iyong bagong taon ay doon ko na rin sasalubungin na naging tradisyon ko na yata simula ng maging isa akong flight attendant.

Malalim akong huminga saka pinasa-Diyos ang lahat.

Sa isang semi fine dining restaurant kami pumuntang tatlo. Sa pinto pa lang ay asikasong-asikaso na kami. Kinuha ng mga staff ang alaga ko at nilagay sa pet day care pansamantala. Kinuhaan na rin kami ng order kaya ng dumating si Clarence ay sine-serve na ang pagkain.

"Warren, please make sure that everything's ready for the gift giving later. Doon kami didiretso ng mga bata pagkatapos kumain." May gift giving pala sila kaya rin bihis na bihis itong dalawang bata. "Czarina. . ." ani Clarence pagkakita sa akin.

"Hi!" Bati ko saka tumingin sa dalawang bata na kasama namin. "I saw them at the grocery. Inaya ako nitong dalawa mag lunch kaya ito, I'm here. I hope you don't think this is some kind of an intrusion."

"Of course not. I'm glad you accepted their offer," he said, making me smile. Pagtingin ko sa dalawang bata ay nakita ko na para silang nag-uusap gamit ang mga mata nila. Hindi ko maintindihan kung ano ba pinag-uusapan nila. "Let's eat now then," sabi pa ni Clarence na kumuha sa atensyon ko uli.

A Rebel Match For The SenatorWhere stories live. Discover now