CHAPTER ONE

114 8 0
                                    

CHAPTER ONE

Czarina

Several years later. . .

ANG GANDA naman dito sa workplace ni Jeni. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko na gamit lalong-lalo na nakakasulubong ko na mga empleyado. They're all dressed according to what the company asked them to wear. Iyong business attire ba kung tawagin ng mga nakakarami.

Medyo hindi akma ang suot ko pero sino ba ang may pakialam? Hanggang tingin lang naman sila sa akin at irap kaya bakit pa ako mag-a-adjust? Isa pa, kaya lang naman ako narito ay dahil kay Jeni.

Dala ko ang mga gamit na iniwan niya sa club na ang hirap ilabas. Kinailangan ko pa pagbigyan iyong kapatid ng boss namin na gwardya doon. Quikie lang gano'n. Pero naglinis naman ako ng aking sarili bago pumunta dito. Sabihin na nating ako na iyong malinis na babae na may maruming trabaho.

But again, who cares?

Ito na lang ang madaling trabaho na kaya ko pasukin. Nakatapos naman ako hanggang high school. Iyong sa college kasi hindi ko na natuloy dahil na rin sa trabaho ko. Ang dami kasing judgemental na tao ngayon at sila pa iyong walang ambag sa buhay ko.

"Wait!" sigaw ko nang muntik ko na 'di maabutan iyong elevator dahil sa malalim na pag-iisip. Mabuti at narinig ako nang kung sinuman iyong pumigil sa pagsasara ng pinto ng elevator. Huminga ako nang makapasok na sa loob noon saka inayos ang aking sarili. "Thank you!" Masigla ko na sambit saka tinitigan iyong lalaki sa tabi ko.

My jaw literally dropped upon seeing the guy beside me. Literal na para siyang anghel na binagsak ng Diyos sa lupa para sa akin. Siya na ba, Lord? Bakit naman ganito ang itsura ko ngayon? Kung alam ko lang na maraming gwapo sa lugar na ito, kabilang na itong katabi ko nag-ayos na sana ako.

"What floor?" tanong na pumukaw sa akin.

"Huh?" tugon niya.

"To what floor, miss?" Ulit niya sa tanong sa akin na naintindihan ko na sa wakas. "Saan ka baba?"

Tinagalog pa. "T-third floor. Yes, third floor ako baba. Iyon nga ang sabi ni Jeni sa akin." Hindi kumibo iyong lalaking kausap ko pero nahalata ko na kumunot ang noo niya. "Abogado ka?" tanong ko sa kanya. Law firm ito malamang abogado ang isang ito at obvious naman sa ayos niya na iyong ang trabaho niya rito.

Nanatiling tahimik iyong lalaki kaya napalunok ako hanggang sa tumunog ang cell phone niya. Narinig ko na tinawag siyang Clarence nang kausap niya sa kabilang linya.

So, Clarence ang name niya? Pati pangalan ang gwapo at ang bango.

"Hello, I'm inside the elevator. I'll be there in five minutes." Nag-iba ako ng tingin nang balingan niya ako bigla. Kainis, caught in the act of illegal staring. Grabe naman kasi ang gwapo niya. Iyon boses pa niya kahit malalim ay gustong-gusto ko pa rin pakinggan. "Yes, I have it with me. . ." Tumingin siya ulit sa akin at nahuli na naman niya ako na inaamoy siya at nakikinig sa kanilang usapan.

"Ay. . . sorry. . ."

"Let's talk up there instead, Atty. Dominguez."

Sa wakas pinindot na niya iyong 3rd floor button kaya umandar na rin ang elevator na sinasakyan namin. Pagkatapos ay lumayo pa siya sa akin na para bang may malala akong sakit. Ang judgemental ng tingin. Pero dahil gwapo siya, palalampasin ko lahat ngayon.

"Ang lamig naman dito," sabi ko pero parang nagsalita ako sa hangin. Dumaan sa isang tainga niya tapos lumabas sa kabila. Gano'n lang kaya nasisiguro ko na hindi siya interesado sa kung ano naman ang sinasabi ko. Hindi na ako nagsalita hanggang sa huminto sa second floor iyong elevator at bumukas ang pinto. Doon siya bumaba at wala 'man lang lingon-likod na tinapon sa akin. "Gwapo pero ang cold. Siya yata ang power source ng mga aircon dito."

A Rebel Match For The SenatorWhere stories live. Discover now