CHAPTER FIVE

52 4 0
                                    

CHAPTER FIVE

Czarina

Present time. . .

SEEING Clarence like this in front of his two children is a dream come true for me. Kasi nasaksihan ko ang ill-fated relationship ng lalaking ito sa dalawang bata. With Dean, most of the time. Si Ellary naman kasi ay marunong magpa-ubaya kapag wala sa mood si Clarence.

But Dean is a different story. De Luna siya at kanino pa ba magmamana ang bata kung 'di kay Clarence rin.

I smiled.

“Do you want to join us later, Tita Cha? Maraming kids ang pupunta sa villa para kumuha ng regalo.” Pukaw na salita ni Ellary sa akin.

Right! They're talking about the gift giving later. Nawala ako sandali sa kasalukuyan dahil inalala ko iyong mga panahon na kakakilala ko pa lang kay Clarence. Hinawi ko ang hibla ng buhok na humarang sa aking mga mata at nakita ko na nakatingin silang tatlo sa 'kin.

“It's a family thing Ellary,” I said.

“You're a family kaya. 'Di ba po, Daddy?” tanong ni Ellary kay Clarence na nagpatikom sa bibig ko. Pilit akong ngumiti kay Clarence.

“Yes, she's a family but maybe Czarina needs to be with somebody else for Christmas Eve.”

Huminga ako ng malalim matapos marinig ang sagot ni Clarence.

I'm not with somebody else tonight. Pero kasama ko sina Milo at Ballpen mamaya na mag-Pasko at ilang taon na rin na sila ang ka-date ko. Hindi naman kasi uuwi si Jeni at Ford ngayon kaya mag-isa lang talaga ako mag-ce-celebrate ng Pasko.

“Tita Cha can crash in after twelve midnight. Lolo and Lola are sleeping by then,” suhestyon ni Dean.

Nagkatinginan kami ni Clarence. Mali yata na sumama ako sa lunch date na 'to. Parang umasa lang lalo ang mga bata na magiging maayos kami ni Clarence pero hindi na yata kami pupunta doon. Ang hirap lang kasi tanggihan nina Ellary at Dean. And I've been absent since their father and I separated.

“Kids, let's not pressure, Czarina,” ani Clarence.

“Puwede naman na mag-late Christmas dinner tayo bago ako bumalik sa trabaho,” suhestyon ko na naglagay ng liwanag sa mga mata ni Clarence pati na sa mga bata. “Only if you all don't have prior engagements to attend. Sa 29 ang balik ko sa trabaho.”

Hindi ko alam kailan ulit ako makapapagpahinga pagkatapos ng mahabang flight schedule.

“That's a good idea. What do you think, Dad? Can you clear your schedule that day? Naka-break ka naman po 'di ba?” Excited na excited si Ellary at bakas sa mga mata niya ang antisipasyon.

“I'll talk to Warren later,” tugon ni Clarence na dahilan para mapa-yes si Ellary. Ginulo naman ni Dean ang buhok ng kapatid na naglagay ng ngiti sa mga labi ko. “Hindi ka uuwi sa Isabela?” Baling ni Clarence sa akin na sinagot ko naman ng iling.

“Pahinga muna ako sa pagbiyahe.” Tumango-tango siya at hindi na nagtanong ulit. “Gift giving lang schedule mo ngayon?”

“Yes and I have papers to read after the Christmas eve celebrations.”

“He loves working even on a holiday.” Sabay na komento nina Dean at Ellary na nagpayuko kay Clarence saka kumamot sa batok.

“Ayos lang iyon. He's a public servant and you two should be proud of him.” Kasi ako proud na proud ako kay Clarence. Gusto ko sabihin sa kanya iyon kaso hindi ko alam paano sasabihin. Ni-umpisahan ay hindi ko rin alam paano. Inalis ko ang ideya sa isip at pansamantalang winaksi iyon. “Kain na tayo bago pa lumamig ang mga ito.” Pag-aya niya sa tatlo na sumunod naman agad.

A Rebel Match For The SenatorWhere stories live. Discover now