CHAPTER NINE

53 8 0
                                    

CHAPTER NINE

Czarina

“YOU DIDN'T cook for us?” tanong Ellary sa akin.

Bakas na bakas ang lungkot sa mukha niya habang nagsasalita. Hindi ko naman sukat akalain na lutong-bahay lang pala ang makakapagpasaya sa batang ito. Pero paano? Ayaw ni Clarence na gawin ko iyong ginawa ko kahapon. Not because it's not part of my job. Basta sinabi lang niya na huwag na ako maging concern sa kanya.

Alangan ako tumingin kay Ellary. Paano ko ba sasagutin ang batang ito?

Nag-order lang ako ng pagkain nila sa restaurant sa isa sa mga hotel na pag-aari rin ng mga De Luna. Sinabihan kasi ako ni Jovelle kahapon na doon binibili ng dating assistant ni Clarence ang almusal pati na lunch ng mga bata. Nang tingnan ko naman iyong mga in-order, kaya ko rin lutuin naman lahat.

Pero sabi ni Clarence huwag na ako maging pakialamera at sinunod ko naman iyon.

“Bakit hindi ka pa nakain? You'll be late for school, Ellary,” ani Clarence na lumabas na sa kanyang kwarto.

Natigilan ako nang makita siya. He's wearing a three-piece gray suit, making him more immaculately handsome. Iyong buhok niya ay maayos at malinis din tingnan. Bumagay pa sa kanya ang salamin sa mata na nakadagdag sa kanyang kagwapohan.

Lintek, kahit yata ano'ng suotin nitong lalaki na 'to gwapo pa rin. Even if he's not wearing anything, Clarence will remain handsome and a total sin. Kaso kailangan ko na panindigan na hindi ko na siya crush. Kailangan pigilan ko ang sarili ko na amuyin siya'y titigan.

“Dad, where is Kuya?” tanong ni Ellary kay Clarence saka naupo na sa puwesto nito. Nakita ko na tumingin sa akin si Clarence kaya mabilis ako nag-iba ng tingin kung saan napabaling iyon company issued na tablet.

Mabilis ko iyong kinuha pati na ang papel sa ilalim na 'yon saka lumapit kay Clarence.

“He's with your Uncle Thirdy.” Simpleng tugon ni Clarence sa tanong ni Ellary. “Thank you,” he said after I handed him the printed shortlist.

“Welcome.” Bumalik ako sa kinatatayuan ko at inabangan kung may sasabihin pa siya. Nang wala na siya naging reaksyon ay nagsimula na ako tapusin iyong paghahanda sa lunch ni Ellary.

“Dad, what will you go home?” Pinilit ko na huwag sila pakinggan dalawa. “Can you help me with my project later? Also, can you cook for us?”

“I'll call your Tita Maddie to help you. I have a lot of office meetings today. I'm sorry.”

“Okay. . .” Nakaka-awa naman itong si Ellary. Hindi ako puwedeng makialam kasi assistant lang naman ang aking trabaho. Pero na-te-tempt ako na magbida-bida at tulungan iyong bata sa project niya. “Is that my lunch?” tanong na pumukaw sa akin. Hindi ko maiwasang impit na mapatili dahil biglang sumulpot sa gilid ko si Ellary.

“Ah. . . oo. Teka, balutin ko lang,” tugon ko saka mas binilisan pa ang kilos.

“I still like your cooking, Czarina. Sana bukas ikaw na ang magluto ng breakfast namin.” Iyon lang at umalis na si Ellary.

Nakita ko na humalik ito sa pisngi ni Clarence bago lumabas. They're ideal by just looking at them. Pero iba kapag naririnig na iyong usapan nila lalo na iyong kagabi. Galit ako sa mga magulang ko pero hindi ko yata kaya iyong ginawa ni Dean. I cannot tell my mother those hurtful words.

Kaya naman napagtanto ko na mabait pa rin pa talaga ako.

“Hindi niya tinapos ang almusal niya,” bulong ko nang makita iyong plato ni Ellary.

“Ako na magliligpit niyan. Mauna ka na sa baba at doon niyo na lang ako hintayin,” Clarence told me and he continued eating.

Hindi na ako kumontra at sinunod ko na lang siya bilang ayoko na masira ang araw naming dalawa. Pagbaba ko ay masaya akong sinalubong ni Mang Rudy at pinagbukas pa niya ako ng pinto.

A Rebel Match For The SenatorWhere stories live. Discover now