CHAPTER ELEVEN

63 6 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

Clarence

MEETING Czarina wasn't planned. She just came into my life, catching all my attention and now pestering my day as my assistant. Hindi ko sukat akalain na iyong babaeng nakasabay ko sa elevator at iyong babae na regalo sa 'kin ay iisa. That's her secret life which I think she's already burrying in the past.

Wala akong ideya kung ano ba ang dahilan bakit siya nag-apply bilang assistant ko. At bilang wala akong ibang mapagpipilian, tinanggap ko siya na madalas ko pagsisihan.

Pinagbibigyan ko lang lalo't bago siya sa mundo na ginagalawan ko. However, Czarina possesed a skill that's beneficial to me. Iyong pagiging organized niya ang hinangaan ko at aamin ako na hindi ko rin inasahan.

Maybe because I judged her too early?

Or maybe not.

I don't know. But one thing I am sure. Our lives are bounded and she's going to be wherever I am.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa langit.

Maganda ang langit na ngayon ko nagawa na matitigan. Sobrang abala ko sa lahat ng bagay ngayon na may kinalaman sa panibagong daan na tatahakin ko sa buhay. Ito ang unang beses na nakahinga ako pero alam ko na panadalian lamang ito.

“Dad!” Lumingon ako at walang tingin na pinatay ang aking cell phone. Gaya ng sabu ko sandali lang ang pagmumuni-muni ko. “I'm going to open the gifts now. Lola is asking you to join us.” Iyon ang mahabang sabi ni Ellary sa 'kin.

“All right. Let's go,” sabi ko.

“You said, you don't have work today. . .”

“I don't have, sweetie, but I have to check my phone.” Ellary pouted her lips, making me smile. Naalala ko si Meryl kapag naglalambing sa 'kin noon gaya ng ginawa ni Ellary ngayon. My daughter reminds me of my late wife most the time. Pareho sila ni Dean. “I'm sorry. I'll be more attentive to you now.”

Ngumiti si Ellary nang tumingin siya sa 'kin uli. “I like Czarina, by the way.” That stopped me, but I showed no reaction. “She's nice and cooked my lunch always. She gave this clip to me through Mang Rudy.”

Kanina ko pa napapansin iyong ipit sa buhok ni Ellary at akala ko'y galing kay Mama pero kay Czarina pala. Si Ellary ang laging malapit sa mga empleyado namin. Wala akong ideya kung bakit pero iyon na ang bunso kong simula pa noong lumaki ito.

“Nandyan lang pala kayong dalawa,” bungad sa amin ni Mama saka inaya na kami na pumasok sa loob.

Simpleng birthday celebration lang ginawa para sa kanila ni Ellary. My sister Maddie planned everything. Ang presensya ko, mga regalo at budget lamang ang ambag ko sa selebrasyon na 'to. Hiling ni Ellary na makasama kami ng kapatid niyang si Dean pero hindi gano'n kaganda ang relasyon ko sa 'king panganay.

Bigla ko naalala iyong pag-uusap naming dalawa. . .

“I don't know what's your problem, Dean. Hindi ka naman dating ganito. May kulang ba sa binibigay ko sa 'yo? Tell me what's your problem, anak.”

“Lagi ka kasing wala kaya hindi mo napapansin ang mga pagbabago.”

“I'm working hard for your own sake.”

“Really? For our sake? I doubt that, Dad. You're the most selfish man I know my entire life. You never been there for me, for Ellary. Tapos lagi ko makikita sa news na kaliwa't-kanan ang dine-date mo. Sa dalawang bagay lang naman naikot ang mundo mo, Dad - trabaho at babae!”

Being a widower is hard. Lalo't dalawang beses pa nangyari ang halos parehong scenario sa buhay ko. It's like a curse. Walang gamot para sa sumpang yumakap sa 'kin noon hanggang ngayon.

A Rebel Match For The SenatorWhere stories live. Discover now