XXIII

11 1 0
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang bangungot na pangyayaring ‘yon. Monday na naman ngayon at narito na ako sa school naglalakad papasok ng classroom. As usual, walang pinagbago sa school, ganoon pa rin ang ugali ng mga tao sa paligid at pakikitungo nila sa akin, pero mas lalong tumatagal ay wala na talaga akong pake sa kanila. Sarili ko lang din naman ang kawawa kapag nagpaapekto ako sa kanila at sa mga sinasabi nila na wala namang kabuluhan.

Nang makapasok ako sa room ay bumungad agad sa akin ang matatamis na ngiti ni Dark. Iniwas ko ang tingin sa kaniya dahil naiilang pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon kahit na siya lang naman ang kaibigan ko sa school na ito. Nagtungo na lamang ako sa upuan ko. Ngunit sa ‘di inaasahang pagkakataon ay sumalubong sa akin ang isang pulang rosas at chocolates sa upuan ko.

Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Kanino naman kaya ito galing? Don’t tell me it was from Grae?

Napabuntong hininga na lamang ako nang ma-realize ko na simula na pala ito ng pinagkasunduan namin. I have no choice but to fulfill what I agreed on. At isa pa, kung ‘di rin naman dahil kay Grae e’ baka napahamak na ako nang tuluyan.

I know it was him who saved me that night. I might not vision him fully but I am so sure that it was him.

Kukunin ko na sana ito sa upuan para isantabi ngunit may nauna nang dumampot nito sa upuan ko.

“Who the h*ll gave this guy permission to give you cheesy stuff?” Nang tignan ko ito ay nagsusumalpok pa ang kilay nito habang nagsasalita. Pero teka? Hindi galing sa kaniya? Kanino naman kaya galing ‘to? Wala nga akong kaibigan dito sa school, manliligaw pa kaya? Nahihibang na siguro ‘to o kaya nagkamali lang.

“H-hindi ba galing sa’yo ‘yan?” tanong ko para siguraduhin na hindi nga galing sa kaniya ang mga ‘yan.

“Of course not, I will not do such thing!” usal nito kaya ang atensyon ng lahat ay nabaling sa amin, including the attention of Ivory and her friends. “And besides, you were not that special,” he whispered in my ears and smirk. Naramdaman ko ang init ng sensasyon sa buga ng bibig nito sa tenga ko. Hindi ko alam kung bakit pero naaamoy ko rin ang hininga nito, mabango siya—amoy strawberry na may pagka-mint. Ewan, ang weird ko sa bagay na ‘yon.

Seryoso lang akong nakatayo rito ngunit hindi ko tinitignan ang kaniyang mga mata. Dahil baka mainis lang ako lalo sa pagmumukha niya. Maybe he saved my life but I still wouldn’t forget that I hated this man.

Itinapon niya ang rosas at chocolate kay Bleau at agad-agad naman itong nakuha ni Bleau, nag-agawan pa silang dalawa ni Cyan na parang mga bata sa chocolates.

Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay hinawakan ako ni Grae sa kamay; holding hands, sobrang higpit na kahit hindi kinukuha ko ay ‘di niya binibitawan. Dinala niya ako sa unahan.

“Grae, ano ba!” Usal ko rito ng pabulong.

“Attention everyone! I want you to know that no one is allowed to gave Sienna gifts especially anyone of you has no authority to court her—“ Naputol ang sasabihin ni Grae nang biglang may magsalita.

“Why?” It was Dark, at seryoso itong nakatitig sa amin ngunit parang may kakaiba sa mukha niya ngayon, kanina ang aliwalas ng mukha niya at nakangiti pa siya akin, ngayon parang binagsakan ito ng langit.

Natahimik ang lahat sa sandaling ‘yon. Naramdaman ko ang paghigpit lalo ng hawak ni Grae sa kamay ko, bigla rin itong nanginginig kaya tinignan ko si Grae dahil sa pagtataka. Ano’ng nangyayari sa kaniya? He looks tense now.

“Because Sienna Lavarias is now my...” Napahinto ito at napansin kong nagnakaw ito ng tingin sa direksyon kung saan nakaupo si Ivory habang ngumunguya ng chewing gum at naka-poker face na nakatitig lang sa amin.

Sobrang awkward din ng paligid kasi sobrang tahimik, naka-focus talaga ang atensyon ng lahat sa amin. Para na akong nilalamon ng hiya pero ‘di ako makagalaw ngayon sa kinatatayuan ko.

Muling nagsalita si Grae na dahilan ng muling pag-iingay ng klase. “She’s my girlfriend,” wika nito. Everyone started to murmur. Pati ang mga kaibigan ni Grae ay nakatulala ngayon dahil hindi makapaniwala. Muntik pang mabilaokan si Cyan ng chocolate na kinakain niya.

“Tubig gag*!” Nauubong wika nito sabay kuha ng tubig ng kaklase naming babae. Tinignan na lang ito ng matalas ng babae.

“Ang sarap naman ng tubig mo, ano’ng brand niyan?” tanong nito sa nerd naming kaklase.

“It’s rain water I will use for experiment later,” walang emosyong saad ng babae.

Nang marinig ‘yon ay agad namang dumuwal-duwal si Cyan kaya nabalot ng konting tawanan ang silid.

Napansin naman ng mata ko si Dark, nakatitig lang ito sa akin at sobrang seryoso ng mukha niya. Ang weird niya ngayon, ano kayang problema niya?

Nabasag ang atensyon naming lahat ng isang malakas na palakpak. Napatingin kami sa direksyon kung saan ‘yon galing. No other than, Ivory.

Tumayo ito habang mabagal pumapalakpak papunta sa amin ni Grae. Mas lalo pang nahigit ang kamay ko ni Grae kaya naramdaman ko na ang medyo pagsakit nito. Napansin naman niya agad kaya niluwagan niya ito ng kaunti.

“Looks like our Sire has found his new royalty,” pasimulang wika ni Ivory at tinignan ako simula ulo hanggang paa. Umikot rin siya sa amin ni Grae. She flirtatiously touching Grae on his chest to the shoulder. I observed Grae’s holding back his temptation.

“Congratulations!” I heard her whisper to him. Nang makarating sa likod ko ay may binulong din ito sa akin.

“Well-played girl,” bulong nito.

Nagkasalubong ang mga mata namin ng magkaharap na kami. I smirked at her, so that she knows that she can’t play with me. I might play dumb but I play hard. I hope she knows that.

At bago pa man tumaas ang tensyon dito sa loob ay nagsalita na muli si Grae.

“Again, anyone has no authority to court Sienna or even hurt her. That’s an order from the high authority of this Academy, your Campus Sire,” he announced.

The ring bells and everyone go back to their seats as our Professor is approaching.

“You’re doing a great job,” Grae whispered to me and let go of my hand.

Unang araw pa lang ng pagpapakilala niya sa akin bilang girlfriend niya ay ramdam ko na agad ang pressure. I don’t even know how to be in a relationship.

Tainted Hues Where stories live. Discover now