III

37 7 0
                                    

"Miss, are you okay?" tanong nito at akmang lalapitan ako.

"Huwag kang lalapit!" sigaw ko. Humakbang naman ito agad papalayo. Tanging mga paa lang niya ang nakikita ko sa ngayon. Nakasuot ito ng Sneakers na puno ng graffiti ng mga sikat na banda gaya ng My Chemical Romance, Coldplay, Boys like Girls at marami pa. Naka trousers din ito.

"Don't worry, wala akong masamang balak," sabi niya. Sa totoo lang ang ganda ng boses niya, malalim ito at maypagkahusky. Nagpatuloy ito sa pagsasalita, "Actually, dinala lang ako rito ng pinsan ko, to celebrate my birthday raw. This is his gift daw. Hindi ko naman alam na rito pala kami pupunta. Huwag ka nang matakot sa akin. Promise, I won't touch you." Hindi ako sumagot sa kanya. Pumunta ako sa gilid at niyakap ang tuhod ko sa takot. Hindi ko alam kung anong mukha niya. Nakatingin lang ako sa sahig habang tumutulo ang mga luha ko.

"Pinilit ka lang ba ng babaeng 'yon?" tanong niya. Hindi pa rin ako kumibo.

"P-paano ba 'to?" Napansin kong mukhang tense ito, palakad-lakad siya.  "Are you studying?" tanong ulit nito. Kahit ano pa ang sasabihin niya, hinding hindi ko siya sasagutin.

"Ilang taon ka na? You look young."

"Where's your parents?"

"Kapatid? May kapatid ka ba?"

Mga tanong nito, hindi ko alam kung bakit trying hard pa rin siya na kausapin ako kahit alam naman niya na hindi ko siya sasagutin.

Umupo ito sa kama.

"Actually, I'm not really used to talking to a girl, that's why I really suck at keeping a conversation. I'm really sorry and I sincerely apologize for asking too much...I just want you to be comfortable with me to at least lessen your fear towards me." Nang sabihin niya 'yon doon lang ako naglakas loob na tignan siya.

Totoo nga na magandang lalaki siya. Maputi siya, straight black with highlights of grey ang buhok niya at nakahati sa gitna. Makakapal din ang kilay, hindi ko masyadong makita ang kulay ng mata niya kasi medyo madilim dito, matangos ang ilong niya at saktong sakto ang liit ng labi at pulang-pula. Nakasuot ito ng sweat shirt. Tinignan ko ang kamay niya at kitang kita ang ugat niya.

Nagkasalubong ang mga mata namin kaya umiwas agad ako ng tingin.

Humiga ito sa kama at ngayon ay nakatingin sa kisame.

Lumipas ang ilang minuto at tahimik lang kami sa loob. Hindi kami kumibo sa isa't isa. Baka nakatulog na siya. Titignan ko na sana siya nang bigla itong nagsalita.

"Did you know that there's an angel who fell in love with a human..." Tumingin ako sa kanya at nakinig sa sasabihin niya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

"He did everything to protect the girl. He was ready to sacrife everything for the human girl. Everything, even his own wings. He sacrifice his wings to be a human, just to be with the girl. He found the way to be a human to be with her, but the moment he became one the girl died because of an accident."

Nagulat ako sa kwento niya. Nakaramdam din ako ng lungkot dito.

"He was tormented when he lost the girl he love. He even asked God why did it happened to him. But, God didn't answer him. He pleased God to bring back his wings and made him an angel again, for he has no reason to live as a human. But, God refuse to give what he wanted, he cannot bring him back. He thought God abandoned and punished him. He thought of killing his self because there's no reason for him to be alive in this haven where his love isn't home. That day a beautiful hues of colors in the sky appeared. He saw the girl he love above...happy. God sent him a rainbow; a way for him to meet the girl he love above. He realized, God, didn't abandoned him. Starting that day that beautiful hues of colors is their way of love." He stopped talking and smiled. His perfect white teeth show off with that smile and his dimple formed.

"What a beautiful tragedy," he added. His story made me realize something. Hindi sa lahat ng oras ibibigay sa atin ng Panginoon ang gusto natin at hindi ibig sabihin no'n ay inabandona niya tayo.
God may not seem to give us what we want but, he gave us what we need...and that's more than an answered prayers.

"Did you like the story?" tanong nito sa akin ngunit wala pa rin akong sagot.

"I bet not. Nobody ever told me that they like the story," dagdag pa nito. Kaya medyo nakonsensya ako. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko ka gusto ang kwento niya ngunit 'di ko magawa.

Bumangon ito sa pagkakahiga at tinignan ang relo niya. Naghubad ito ng sweat shirt niya. Mabuti at nakasando ito sa loob. Umiwas ulit ako ng tingin. Anong balak gawin ng lalaking 'to.

"Let's pretend na may nangyari sa atin." Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya napatingin ako sa kanya. "Paglabas natin ng pinto babayaran kita para kapani-paniwala na may nangyari para hindi ka na niya saktan. Just please, stop crying." Napaiwas ulit ako ng tingin sa sinabi niya, napansin niya siguro ang mga luha sa mata ko.

"No offense and I hope you don't get me wrong but...I really find you attractive." Bumalik ulit ang tingin ko sa kanya.

"I met a lot of girls and no lie, you're the most attractive I've ever cross. So, please take care of yourself. Boys may take advantage of you," sabi pa nito.

Tumayo siya. "Anyway, magready ka na tapos na ang oras. Kahit guluhin mo na lang 'yang buhok mo o ilugay mo na lang," wika nito. Inabot din niya sa'kin ang sweat shirt niya. "Cover yourself," sabi nito.  Tinignan ko ito ng bahagya.

Nagulat ako ng biglang may kumatok. Tumingin siya sa pintuan. Nagsignal din siya na kunin ang damit niya at yung sa buhok ko. Hinawakan ko naman ito at tinanggal ang pagkakatali, ngayon nakalugay na ako.

Inalok niya ang kamay niya para patayuin ako pero hindi ko ito pinansin. Tumayo ako nang mag isa.

"Pwede ba kitang akbayan?" tanong nito kaya napahakbang ako palayo. "Gaya nga ng sinabi ko sa'yo, wala akong balak na masama. Let's just pretend. Is that okay?"

Biglang bumukas ang pinto kaya dahil sa gulat ay agad-agad niya akong inakbayan. Hindi nakahawak ang kamay niya sa balikat ko kaya doon ko napagtanto na hindi siya bastos at mabuting tao siya.

"Sir, pasensya na kung naistorbo kayo. Time na po kasi," mala-anghel na pagkakasabi ni Auntie.

"It's okay, we're done anyway," sagot nito at kitang kita sa dulo ng mata ko pagtitig niya sa akin. Nakayuko lang ako.

"Kumusta, Sir? Did you enjoy?"  tanong ni Auntie.

"H-ha? O-oo naman. Enjoy na enjoy. Anyway, ito nga pala ang bayad." Kinuha niya ang pitaka niya at nakita ko ang perang binigay niya.

"Sige, I have to go," sabi pa nito. Paalis na sana siya ngunit may ibinulong ito sa'kin.

"I'm Dark Chartreuse Laroza, nice to meet you, Iris," he whispered, kaya nagtaka ako. Iris? Anong ibig niyang sabihin.

Umalis na ito.

"Mabuti naman at natuto ka na. Gwapo lang naman pala ang katapat mo. Sige na, umuwi ka na," sabi ni Auntie habang nagbibilang ng pera.

Umalis na ako kaagad baka kung ano pa ang isipan niyang ipagawa sa akin.

Naglalakad na ako ngayon pauwi at sumagi sa isip ko ang ginawa ng lalaking 'yon sa akin. Siya lang ang natatanging lalaki na nakasalamuha ko hindi ako binastos. Naalala ko rin ang kwento niya at may narealize ako kaya may namuong ngiti sa mga labi ko.

That guy has no wings but he's an angel for saving me tonight.

Tainted Hues Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon