IV

42 7 0
                                    

Naglalakad na rin ako pauwi at sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nabangga akong tao.

"Sorry po!" paumanhin ko rito. Tumigil ang mundo at bigla akong napatulala sa aking nakita. Napakagandang lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Hindi ako makapaniwala dahil hindi naman ako nagkakaganito sa mga lalaki, sa katunayan ay may bahid ng pagkamuhi ang kalooban ko sa kanila.

Mahaba ang buhok nito at nakabraid. Nakasuot ito ng black polo long sleeves at nakatanggal ang butones sa collar banda habang nakatuck in ang kalahating tila nito at nakatrousers ito at leather boots. Nakashades siya kaya hindi ko makita ang kagandahan ng mata niya, makakapal din ang kilay nito at perfect ang hugis ng mukha. Mukhang may lahi kung titignan. Hawak-hawak niya ang dalang dalawang coffee.

Bumalik ang animo ko ng sigawan niya ako.

"What the f*ck did you do to me!? Are you blind!?" singhal nito sa akin.

"S-sorry hindi ko sinasadya." Akmang pupunasan ko na ito ng bigla niyang tinabig ang kamay ko at nagbitiw ulit siya ng mga salita.

"Don't touch me!" bulyaw ulit nito. "Wait, are you a Prostitute?" Nagpantig ang taenga ko sa aking narinig.

"PROSTITUTE!?" Napaka-anghel ng mukha ng lalaking ito ngunit dinaig pa si Satanas sa kasamaan ng ugali.

"Aren't you?" Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa na para bang ako'y hinahatulan ng malaking parusa.

Hindi na ako nakapagpigil at lumapat sa makinis niyang pisngi ang kamay ko.

"Bastos!" bulyaw ko.

"What in the hell is your damn problem!?" sigaw nito sa akin.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" sagot ko sa kanya. "Hindi ko alam kung bakit ka isinilang sa mundong ito, e' ang panget ng ugali mo!" dagdag ko pa.

Napangisi ito.

"How dare you? You're the one who ruined my day! Look what you've done to my shirt. Pathetic, whor--" Hindi na ako nakapagtiis sa mga sinasabi niya, namuo ang mga luha sa mata ko. Hinawakan ko ang ang braso niyang hawak-hawak ang isang cup of coffee. Itinapon ko ito sa akin.

"Okay na ba!?" mangiyak-ngiyak na tanong ko sa kanya. Ang buong akala ko ay malakas na ako, na kaya ko na ipagtanggol ang sarili ko ngunit hindi pa rin pala, ang lahat ng 'yon ay nananatiling buong akala. Sa tuwing nakakarinig ako ng panghuhusga hindi ko mapigilan manghina.

"Sapat na ba 'to para tumigil ka na?" dagdag ko pa. Napansin ko ang paglunok niya dahil halata ito sa Adam's apple niya. Nabaling ang tingin niya sa tinapon kong kape na ngayon ay hawak-hawak pa rin niya ang natira nito.

"No," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya ng may halong pagkagulat. "You just make it worse!" bulyaw nito. "Thank you for ruining my day!" dagdag pa nito at saka umalis sa harap.

Napakawalang hiya talaga ng ibang lalaki.

Namuo sa mga labi ko ang mapait na ngiti. Akala ko ay kahit papaano ay magiging maganda ang araw ko ngayon dahil sa lalaking nagligtas sa akin sa kapahamakan tapos mangyayari pa pala itong makakasalamuha ako ng isang alagad ng demonyo.

Paalis na sana ako ng may mapansin akong kulay black na panyo. Panigurado ay panyo ito ng lalaking 'yon. Yumuko ako at kinuha ito sa daan. Tinitigan ko ito at may napansin akong nakaburda rito na salitang 'Koloris'

Ang weird naman no'n. Kung ito man ang pangalan niya walang duda kasing panget ng ugali niya.

Umuwi na ako sa bahay at saka naligo at nag-ayos ng sarili para matulog.

Habang nakahiga ay iniisip ko pa rin ang ginawa sa'kin no'ng lalaki sa club. Ang pagkakatanda ko Dark ang pangalan niya. Napakadilim na pangalan sa napakabusilak na puso. Naalala ko rin ang binulong niya. Iris? Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako.

Nagising ako bigla nang makaramdam akong may umaalog sa akin.

"Gising!" Pagmulat ng mga mata ko nakita ko si Auntie Rose sa harap ko.

"P-po? B-bakit po Auntie?" nauutal na tanong ko.

"Mabuti naman at nadala ka na. Aayaw-ayaw ka pa kasi," sabi nito sa'kin nang may galak sa mukha.

"A-auntie bakit niyo po ba ginagawa sa'kin 'to?" bigla kong natanong.

"Dahil sa Nanay mo!" usal nito.

"Ano po ba ang kasalanan ni Inay at pati ako'y dinadamay niyo?" tanong ko ulit. Sana ay hindi mapunta kung saan itong tanong ko.

"Malaki. Malaking-malaki!" bulyaw nito. Alam ko na kung saan papunta ito, ngunit gusto kong malaman ang puno't dulo ng kanyang galit.

"Kaya po ba ako ang pinagbabalingan niyo dahil wala na po ang Inay?"

"Oo!" sigaw nito habang nakapamewang na.

"Pero Auntie, matagal na po siyang patay bakit galit pa rin po kayo sa kanya?" nagtatakang tanong ko. Lumabas sa kwarto si Auntie at Hindi ako sinagot. Iniwan niya ako ng puno ng katanungan sa isipan. Hindi ako mapakali kaya sinundan ko siya sa labas. Nasa kwarto niya ito at naghuhubad para magbihis.

"Auntie, bakit po?" tanong ko rito. Tumigil siya at hawak-hawak ang damit, nakabra na lang ito ngayon. Sumandal siya sa dingding habang nginunguya ang chewing gum.

"Ang kulit mo rin, ano? Galit ako sa kanya!" bulyaw nito.

"Bakit po? Gusto ko po malaman ang dahilan. Hindi naman po pwede na galit lang kayo sa kanya ng walang dahilan," sabi ko kaya namuo pa ang galit nito. Tinalikuran niya ako.

"Matulog ka na. Pagod ka lang kanina," mahinahong wika nito.

"Auntie, wala naman pong nangyari sa'min e'," saad ko.

"Ano!?" sigaw nito sabay harap sa akin. Nagulat ako ng itapon niya ang damit niya sa pagmumukha ko. "Nakakahiya ka! Paano kung hindi na bumalik 'yon!?" Naramdaman ko ang hapdi at sakit sa bigat ng kamay na tumama sa pisngi ko. Pinagsasampal ako nito.

"Auntie, tama na po," pagmamakaawa ko sa kanya. Habang pinoprotektahan ng mga braso ko ang mukha ko sa mga sampal niya. Sinabunutan niya rin ako. Kinaladkad niya ako at pinaharap sa salamin. Hawak-hawak niya ang buhok ko.

"Kahit kailan, wala kang kwenta!" Nakikita ko ngayon ang nakakaawang mukha ko sa salamin.

"Ito ang tatandaan mo. Ang pagmumukhang 'yan ay salot! Kahit anong ganda pa ng mukha mo, isa ka pa ring sumpa!" Mga masasakit na salita galing kay Auntie.

Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin, naisip ko, baka nga tama siya.

Ang mukhang ito ay sumpa. Ang buhay na ito ay sumpa.

Tainted Hues Where stories live. Discover now