X

34 7 0
                                    

Halos dalawang buwan na rin nang mangyari ang insendente na 'yon. Sa ngayon masasabi kong maayos naman ang naging kalagayan ko sa bagong school ko. Magagaling ang mga Professor at masaya ang mag-aral; nakakainganyo. Kahit na wala pa rin akong nagiging kaibigan ay masaya pa rin naman ako. Mayroon nga pala, si Dark. Hindi nga lang gano'n kaclose kasi naiilang pa rin kami sa isa't isa, basta kapag nagkasalubong kami at nginingitian niya ako ay binabalik ko rin ang mga ngiting 'yon.

Sa kabutihang palad wala namang eskandalong lumabas matapos ang pangyayaring 'yon noong first day of school. Ayoko na sana balikan ang pinakanakakahiyang nangyari sa buhay ko na 'yon. Ngunit 'di maiwasan ng utak ko na alalahanin ang bawat detalye ng mangyari 'yon. Never ko rin pinansin si Grae kahit na magkaklase pa kami. Naalala ko rin kung gaano kasama ang ugali niya noong pagkakataon na 'yon. Biglang sumagi sa isip ko ang scenario na 'yon noong First Day.

"Huwag mong ilalabas ang video na 'to at lalong huwag na huwag niyong sasabihin kay Ivory ang nakita niyo rito. Hinding hindi niyo gugustuhin na magalit ako!" pagbabanta nito sa tatlo. Narito ako ngayon nakaupo sa kubeta at nakatulala pa rin, pero naririnig ko ang galit na galit na boses ng lalaking 'to.

"D-don't worry, Grae. We won't," nanginginig na boses ng babae. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbasag ng cellphone at ang sigaw ng babae.

"Don't test me! Leave!" sigaw pa nitong lalaki sa kanila. Narinig ko ang malakas na pagsara ng pintuan at takbuhan ng mga babae.

Maya't maya pa ay may kumatok sa pinto ng cubicle.

"They're gone. Don't worry I'll make sure that video won't come out," sabi nito sa'kin. "Besides it was my reputation who's at stake after all," bulong nito, ngunit klaro sa aking pandinig ang mga katagang 'yon. What a selfish brat! Anong akala niya? Siya lang ang mapapahiya rito?

Mabilis kong isinuot ang mga damit na binigay niya. Isa itong jersey at kapares ang short. Ayoko man sanang isuot ngunit wala na akong ibang choice.

Lumabas ako agad at nasa gilid siya ng pintuan ngayon nakasandal habang ang mga kamay ay nakacross. Messy rin ang hair niya kasi basang basa pa ito sa pagkakaligo.

Tinignan ko siya ng masama ng ilang segundo at naglakad sa harap niya para lumabas sa banyo na ito.

"Ganyan ka ba kabastos para hindi ako pasalamatan sa ginawa ko sa'yo? Ang kapal naman ng mukha mo para talikuran ako. Nang dahil sayo mukhang masisira pa ang pangalan ko," sarkastikong sabi nito.

Napahinto ako at hinarap siya.

"Hindi sapat na rason ang tulong na ginawa mo sa akin para pasalamatan kita, mas napahiya ako sa ginawa mo..." Napaiwas ako ng tingin dahil nararamdaman ko ang namumuong luha sa mata ko.

"And now it was my fault? If I didn't help you, hindi sana mangyayari 'to!" giit nito.

"Kung hindi ka pumasok hindi sana mangyayari 'to!" sigaw ko sa kanya. "And, did I ask you to help me?"

"Yes! You even begged!"

"Then that was the biggest mistake I did!" Ngumisi ito.

"Kung hindi ka ba naman tatanga-tanga!" Mas lalo pang namuo ang galit ko sa kanya.

"Bastos ka na nga, bastos pa 'yang bunganga mo," mariin ngunit mahinahon kong sabi, pilit kong pinipigilan ang galit ko sa lalaking 'to.

"Bastos?" Ngumisi ito at tumawa. Tinignan niya rin ako mula paa hanggang ulo. "Don't worry, what I did to you was just an accident. You're not even my type. Maganda ka lang pero wala kang ka taste-taste. Kaya pala bayaran ka." Hindi na ako nakapagpigil sa galit at tinadyakan ko ang ari niya. Hindi ko hahayaang tapakan niya ang pagkatao ko. I won't let him throw shits and disrespect me anymore.

My dignity and worth does not depend on my physical attributes. I am more than my face!

"Putangina mo!" sigaw nito habang hawak-hawak ang ari niya. Nilapitan ko siya.

"Sabihin mo 'yan sa sarili mo," saad ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kong bakit ka iniwan ng babaeng mahal mo," dagdag ko pa at napansin kong namumula ito sa galit.

Naglakad ako papunta sa pintuan at bago lumabas ay may sinabi pa ako sa kanya.

"Pero sa totoo lang, bagay kayong dalawa. Kasi pareho kayo ng ugali," wika ko. Nilingon ko siya. "Ibabalik ko itong damit mo, huwag kang mag alala lilinisan ko ng mabuti," saad ko pa at saka umalis na.

Simula nang araw na 'yon ay pagkamuhi ang bati namin sa isa't isa ni Grae sa tuwing magkakasalubong kami. Hindi niya na rin tinanggap ang jersey na ibinalik ko sa kanya kahit anong pilit ko. Napakaarte niya akala mo pinanganak ng walang bahid ng germs. Itinago ko na lang 'yon baka sakaling bawiin niya sa akin.

Naglalakad ako ngayon dito sa hallway, napatingin ako sa relo ko para icheck ang oras at nanlaki ang mata ko ng makita ko na ilang minuto na lang ay start of class na namin. Binilisan ko pa ang paglakad. Ang daming tao sa hallway at nakakapanibago dahil lahat ng atensyon nila ay nasa akin. Tinitigan nila ako mula ulo hanggang paa at may dinadaanan pa akong iba't ibang grupo ng mga lalaki na nag ka-catcall. Ang mga matatalim na titig nila ay mapanghusga.

Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit ganoon ang mga titig nila sa akin. Binilisan ko pa ang paglakad at nag walang kibo na lamang.

Naramdaman ko ang sakit ng bewang ko ng matumba ako nang tumama sa isang tao. Narinig ko ang tawanan ng mga estudyante. Tinignan ko siya.

"D-dark?" sambit ko. "Bakit hindi ka nag-iing--" Naputol ang sasabihin ko nang walang pakundangang hilahin niya ako patayo at tumakbo kami papalayo sa hallway.

"Sandali, ano ba ang nangyayari?" tanong ko sa kanya.

"I'll explain later. Kailangan mo muna sumama sa akin," napakamisteryosong wika nito kaya nabalot ako ng pagtataka.

Nakarating kami sa likuran ng school, may malaking puno rito at nasa ilalim kami nito ngayon.

"Nasaan tayo?" tanong ko.

"We're at my safest place," sabi nito habang naghahabol ng hininga.

"Ano? Sandali, bakit mo ba ako dinala rito? At anong nangyayari?" nagtatakang tanong ko.

"I want you to get out of the spotlight and I guess this is the safest place for you to stay for awhile," saad nito.

"Ha? Hindi kita maintindihan. Ano ba ang nangyayari?" nakakunot noo na tanong ko kasi sobrang naguguluhan na ako.

Nagbitaw ito ng malalim na hininga bago magsalita. "It got leaked."

"Leaked? Ang alin?" walang ideyang tanong ko.

Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at may pinakita ito sa akin.

Agad ko naman kinuha ang cellphone at tinignan kong ano ito.

"The video. The scandal," sambit pa niya. Tumigil ang mundo ko ng mapanuod ko ang video na kumakalat ngayon sa social media. Para akong binagsakan ng langit at sinaksak ng kutsilyo.

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha galing sa mga mata ko.

Para akong isang kulay na nabahiran ng dumi. It stain my whole being.

Tainted Hues Where stories live. Discover now