IX

32 7 0
                                    

"What are you doing?" tanong nito. Nakasuot ito ng black victorian dress, at nakalugay ang hanggang balikat na straight hair.

"Sorry po," We all said in unison.

"Mr. Algarve, you are the new Campus Sire, you should not tolerate this kind of behavior and please have some decency," saad pa nito. "You are not in high school anymore. Grow up!"

"We know. What do you want?" All our attention shifted on Red when he spoke.

Red's mood changed when she saw her. The reason behind his attitude towards her is because the woman standing in front of us is Red's step mother. I mean it was his Dad's mistress. And yes, this Academy was owned by his family.

We all know he shouldn't treat her like that but we can't blame him if he had grudge towards this woman. She ruined Red's family.

Umiwas muna ito ng tingin saka nagsalita.

"Your father wants to see you. He'll be home tonight. You should talk to him," she said.

"Don't worry, I'll come. Anything else?" supladong tanong pa nito. We are not used to Red with that attitude. He has high respect when it comes to woman, it's really unbelievable when he's like this.

"Nothing. Anyway, you should fix yourselves. There are visitors in school, I don't want them to see all of you like that. Especially, you Mr. Algarve." Tumango lang kami at lumabas na siya.

Nilapitan ni Cyan si Red at hinawakan sa balikat, to calm him. Tumingin siya sa amin at tumango lang kami sa kanya as a sign na ikalma ang sarili.

"Guys, let's go and fix ourselves. Tama na ang harutan," saad ni Dark.

"Ikaw kasi e'! Kasalanan talaga 'yan ng t*te mo!" nagtatawang paninisi ni Cyan Kay Bleau habang itinatabi sa gilid ang gawa niya.

Nang lumabas kami ay patuloy pa rin ang dalawa sa asaran.

SIENNA'S POV

First day of school at ang tanging ginawa ko lang ay nag-ikot sa school at pinagmasdan ang masasayang estudyante. Inisketch ko rin ang mga nadadaanan ko sa isang maliit na notebook ko.

May nakita akong indoor pool kaya napagdesisyonan kong puntahan ito. Papasok na ako ng biglang may nagtapon sa akin ng pintura. Tumingin ako sa 2nd floor ng kabilang building at doon nanggaling ang pagbato ng isang lobo na may pintura sa loob. Ngayon naligo na ako sa pintura pati ang palda ko ay nadungisan din.

"HAPPY FIRST DAY OF SCHOOL!" sigaw ng mga lalaki at saka nagsitakbuhan papalayo.

Tanginang buhay 'to!

Agad-agad akong pumasok sa loob ng indoor pool para maghanap ng CR.
Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang pagkalawak-lawak na pool. Mabuti na lamang at walang tao. May nakita akong lumabas sa isang pintuan, malamang naroon ang CR. Tumakbo agad ako papunta roon. May hagdanan ito pababa. At lahat ng nadaanan ko ay tinawanan ako.

Nang makapasok sa CR ay may tatlong babaeng nasa loob, bumungad agad sa akin ang mapanghusga nilang mga titig at pandidiri.

Hindi ko na sila pinansin at pumunta ako sa shower area at hinubad ang damit ko. Noong una ay nahiya pa ako, ngunit wala namang nakakakita sa akin at mga babae naman ang narito kaya hinayaan ko na lang at kinain ang hiya ko. Mas nakakahiyang lumabas at umuwi ng naligo sa pintura.

Sinabit ko ang palda at damit ko sa wall ng cubicle at saka binasa ang buhok ko, iniiwasan kong mabasa ang bra at panty ko. Wala akong pamalit at ayoko rin naman magsuot ng basa. Ang uncomfortable no'n. Isusunod ko na lang na kusotan ang damit ko, may hand dryer naman dito, 'yon na lang ang gagawin kong pampatuyo. Available rin naman ang shampoo rito kaya gumaan ang loob ko kasi ayokong medyo malagkit ang buhok ko.

Tainted Hues Where stories live. Discover now