XIII

34 7 0
                                    

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Auntie, habang nakapamewang at nakataas ang kaliwang kilay. Nakasuot ito ng maikling short at nakasleeveless lang at halos kita na rin ang kaluluwa niya.

"Nakalimutan ko pong magdala ng payong," pagsisinungaling ko.

"Ang tanga mo talaga. Pumasok ka na, at lalarga na ako." Kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo sa bulsa niya at saka nagsindi bago umalis.

Pumasok na ako sa bahay. Laking pasasalamat ko na lang at hindi niya ako sinaktan.

GRAE'S POV

I am now at my car and still dumbfounded staring at the picture of Ivory with me. Happy. That was our emotions in this picture. I was just staring at the photo without emotion. I admit I cried earlier while the rain is falling. I just kept it silent, so that Lavarias girl won't notice. Honestly, I cried because of what I did to her not because of Ivory. I know what attitude I have towards her is not an excuse to insult her but lately I just feel that I'm already changing into something I am not. Respect was no longer visible in me. I tend to spill harsh words to someone. Namamalayan kong unti-unti akong naging gago. Is this what pain had caused me? If this is. I hate myself even more.

The tone of my phone ring. I saw it was Red, I didn't hesitate to answer the phone.

"Grae, where are you?" I heard his concern voice on the line.

"I'm fine, don't worry about me," I answered lifeless.

"You need to go home now. We're at your house. We already took down the video and we already know who did this." I felt like my soul has been awaken with that news.

Umayos ako ng upo sa kotse.

"Who!? It's Dana right?" I asked. Hinding hindi ako pwedeng magkamali, siya ang kumuha ng video na 'yon at siya lang ang pwedeng magpakalat ng video na 'yon.

"Just go home first," pag-iiba ni Red ng usapan.

"Red, tell me who is it?" pagpupumilit ko.

"It wasn't Dana." I was a little bit surprised that it wasn't her.

"What? Then who?" I asked curiously.

"Ivory." Para akong binagsakan ng langit nang marinig ko ang pangalang 'yon. "Gra--" Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Red at agad-agad ko na pinutol ang linya.

I started the engine at pinaharurot ko ang sasakyan. I am heading to Ivory's house. I wanted to confront her, on why she did this? How can she do this to me? Is it because she's still angry with me because I still pursue her?

I immediately step out of the car and quickly go on the gate and get inside. May mga guard na nakaabang sa gate ngunit hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin.

"Sir, Grae. Ano pong pakay niyo rito?" pagharang sa akin ng isang guard. Kilala na rin naman nila ako rito kasi parati naman akong bumibisita rito noong mga panahong may relasyon pa kami ni Ivory. Sa ngayon siguro ay binilin na nila sa mga guwardya na huwag akong pahintulutan na pumasok.

"I need to talk to Ivory," saad ko.

"Sir pasensya na po, pinagbabawal po ni Madam ang presensya niyo rito," wika naman nito. Hindi ko ito pinansin at nagpumilit pa rin ako na pumasok. Dalawang guard na ang pumigil sa akin pero hindi pa rin ako nagpatinag.

"Ivory!" I shouted and it's obviously heard on the mansion. Ilang beses kong sinigaw ang pangalan niya. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ito kasama ang Mommy niya.

As far as I observed she was tense because on what's happening. Ivory isn't that type of girl who wants drama especially when her parents are around.

Napansin ko rin ang mapagmataas na titig ni tita Priscilla sa kanya. Ivory and her Mom is somewhat okay with each other but knowing Tita Priscilla who's so socialite, she also hate being in a situation of shame.

"Grae! What are you doing in here!?" Ivory approached me while she was astounded by seeing me in wet clothes. Nakasuot na ito ng pampatulog na mga damit. Hindi ako makapaniwala na matutulog siya ng matiwasay habang may isang babaeng umiiyak ngayon sa higaan dahil sa sakit na nararamdaman dulot ng panghuhusga. I just can't stand her being like this. How can she slept at night knowing that she ruined someone's dignity and reputation.

I love her but I won't tolerate what she have done.

"Why did you do this?" mariing tanong ko sa kanya habang hinahawakan pa rin ako ng mga guard.

"What are you talking?" Ewan ko ba kung wala talaga siyang ideya sa mga pinagsasabi ko o nagpapanggap lang siya na hindi niya alam ang nangyayari. "Guards let him go..." utos nito kaya hinayaan na ako ng mga gwardya. "Grae, fix your attitude! My parents are here! Huwag kang mag-eskandalo rito!" usal nito habang palingon-lingon sa Mommy niya.

"Eskandalo!? Did you heard what you're saying? You started this scandal!" mariing usal ko sa kanya. I don't know if her Mom can hear what we are talking.

"What are you talking, Grae!?" pagmamaang-mangan nito.

"The video, Ivory! I know it was you!" The moment she heard that she pushed me to go out.

"Stop it, Grae! I don't know what you're talking!" giit nito. Pinipigilan ko ang pagtulak niya sa akin.

"Why did you do that!?" Until now it's still a mystery to me on why she did that? This is the first time she did this. Ang manira ng isang tao.

"I want you to stop!" Unti-unti kong napansin ang namumuong luha nito.

"Answer me, Ivory! Why did you do that? Sa akin ka nagagalit dahil sa pangungulit ko sayo hindi ba? Bakit mo pa kailangan mangdamay ng ibang tao?" I asked. Tears started to fall in my eyes. "Do you want to ruin me?" I looked at her eyes. "You already did, since you broke up with me."

"Stop it, Grae! I want you to leave now!" she shouted and pushed me. She then go inside of their mansion. Before she could fade in my vision, I shouted, "Ivory, I want you to know that she's a woman too. Her dignity is as important as yours. She wanted to be respected just like you. I hope you consider that before you did it!" Hindi niya ako pinansin at pumasok lang siya sa loob ngunit nakasisiguro akong narinig niya ang bawat salitang binigkas ko.

SIENNA'S POV

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad akong pumasok sa kwarto at doon ko pinagpatuloy ang pag-iyak. Nararamdaman ko na rin ang namumugto kong mga mata.

Ngayon ay punong-puno pa rin ng katanungan ang sarili ko kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin.

Bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito? Bakit parang ang unfair, hindi naman ganito kabigat ang pinagdadaanan ng iba? Alam kong hindi tama ang pagkompara sa mga pinagdadaanan natin sa buhay ngunit ngayon hindi ko na maiwasang kwestyunin ang buhay. Bakit kailangan sa akin mangyari ang lahat ng ito? Bakit ako?

Patuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko. Halos basa na rin ang damit ko dahil sa mga butil ng luha na pumapatak dito.

Siguro sa ngayon ay nagkalat na talaga ang video na 'yon. At sa malamang at sa malamang ay pinagpyestahan na rin nila ako ng panghuhusga.

Ilang oras din akong nagmukmok sa kakaiyak sa kwarto ko bago ko maisipang itulog na lamang ang bigat at sakit na nararamdaman ko. Humiga ako at ipinikit ang pagod na mga mata ko.

"Ito na ang huling araw na iiyak ako," pabulong na bigkas ko sa sarili ko habang dumaloy ang huling patak ng luha ko.

Tainted Hues Where stories live. Discover now