XIX

5 1 0
                                    

TW: Harassment

Isang oras bago ako makarating sa kanto ng lugar namin. Naagaw agad ng atensyon ko ang isang magarbong sasakyan na nakaparada. Dumiretso na ako sa paglakad patungo sa bahay. Nang makarating ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto baka sa kaling narito pa si Auntie at mahuli niya ako.

Nang makapasok ako sa loob ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng biglang may dumaang bagay sa harapan ko. Tumama ito sa pader kaya sinundan ko ito ng tingin.

“Putang*nang bata ka! Kanina pa kita hinihintay!” Lumapit ito sa akin, sinabunutan niya ako.

“Auntie, sorry po!” pagmamakaawa ko sa kaniya. Hindi ito nakinig at kinaladkad pa ako papunta sa kwarto ko.

“Bakit ngayon ka lang!?” sigaw nito sabay tulak sa akin sa higaan. Akmang sasagot na sana ako ngunit naagaw ng atensyon ko na may mga pulang likido ito sa damit niya at napansin ko rin ang ‘di mapakali niyang mukha.

Ano’ng nangyari kay Auntie.

“A-auntie, ano po ang nangyari sa inyo?” nag-aalalang tanong ko.

“Magbihis ka!” Kumuha ito ng mga damit ko. Alam ko na naman kung ano’ng gagawin niya sa akin. Dadalhin na naman niya ako sa pinagtatrabahuhan niya. Ngunit bigla akong nagtaka kung bakit niya nilalagay sa bag ang mga damit ko.

“A-auntie ano po’ng ginagawa niyo?” tanong ko sa kaniya. Papalayasin ba ako ni Auntie.

“Magbihis ka na!” bulyaw nito at saka tinapon sa mukha ko ang isang sleeveless at short. “May naghihintay sa’yo sa labas,” dagdag pa nito kaya nang marinig ko ‘yon ay nanlaki ang mga mata ko at doon na ako kinabahan ng husto.

Tumayo ako. “Ano po’ng ibig niyong sabihin?” Nagtatakang tanong ko at maluluha na ang mata.

“Kailangan mong sumama kay Mr. Fuego.” Nang banggitin pa lang ni Auntie ‘yon ay nakaramdam na ako ng takot.

“P-po? Sino po siya? Bakit po?” Mga tanong ko kay Auntie. Halatang naiinis si Auntie sa mga tinatanong ko.

“Ang dami mong tanong! Magbihis ka na!” Hinawakan niya ako sa braso ngunit tinabig ko ito kaya nanlaki ang mga mata nito sa gulat.

“Ayoko!” bulyaw ko kaya biglang lumapat sa akin ang mabigat na kamay ni Auntie!

“Sumasagot ka pa!”

“Bakit po kailangan kong sumama!? Hindi ko siya kilala!” giit ko.

“May utang ako sa kaniy—“

“Kaya ako po ang ibabayad niyo!?” bulyaw ko. Hindi ko na napigilan ang sama ng loob ko kaya nanlaban na ako kay Auntie.

“Oo!” sigaw nito. Kaya nanlumo na ako. Hindi ko akalain na hahantong sa ganito ang gagawin sa akin ni Auntie. Ang ipangbayad ako. “Wala ka namang kwentang bata e’!” dagdag pa nito.

“Ayoko!” tugon ko at akmang aalis ngunit hinawakan niya ako sa bewang at niyakap sabay nagmakaawa.

“Papatayin niya ako, Sienna!” mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa nito. Kaya pala may dugo ito sa damit niya, baka sinaktan na siya nito.

“Auntie, hindi ko po kaya,” sabi ko habang ang mga luha’y bumubuhos na rin.

“Parang awa mo na, Sienna. Wala na akong ibang paraan kung paano mababayaran ang utang ko sa kaniya. Naibigay ko na ang sarili ko sa kaniya ngunit hindi pa rin iyon sapat. Gusto niya kasama ka.” Para akong mawawala sa sarili ng marinig ‘yon kay Auntie.

May hinanaing ako kay Auntie dahil sa maltrato niya sa akin ngunit hindi ko rin maatim na binebenta niya ang sarili niya para lang mabuhay sa mundong ito. Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging kapalaran namin.

“Magkano po ba ang utang niyo?”

“Sampung libo!” sigaw nito, “Ang lakas ng loob mong magtanong, eh hindi ka nga makapagbigay sa akin ng pera!” sumbat ni Auntie kaya ngayon ay nakaramdam ako ng konsensiya. Ngunit hindi ko matanggap na sa halagang sampung libo ay kaya akong ibenta ni Auntie sa kaniya. Sa iba maaring maliit na halaga lang iyon ngunit sa amin na hikahos sa buhay ay napakalaking halaga na ng perang ‘yon at sobrang hirap na kitain ‘yon.

“Gagawan ko po ng paraan pero hinding hindi ako sasama sa kaniya!” sigaw ko habang nanginginig ang buong katawan sa galit at halo-halong emosyon na nadarama ko na hindi ko maipaliwanag.

Tumakbo ako papalabas. Narinig ko rin ang sigaw ni Auntie sa pangalan ko habang papalayo ako. Huminto ako sa harapan ng sasakyan na nakaparada sa kanto.

Ngayon habang ramdam ko ang kaba ay ramdam ko rin ang naninigas kong katawan at para akong estatwa na hindi makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Aaminin ko sobrang takot ang nararamdaman ko ngayon.

Dahan-dahan akong lumapit Sa windshield at sabay rin nito ang pagbukas. Agad bumungad sa akin ang driver ng sasakyan at napansin din agad ng atensyon ko ang isang lalaki na nakaupo sa likod. Nagpapa-usok ito ng kanyang tabacco at kitang-kita ang kumikinang na mga alahas niya na nakasabit sa kamay at ang singsing na may disenyo ng agila. Hindi ko alam pero parang ang lalim ng pakiramdam ko sa taong ito. Marahil ay sa takot ito na nararamdaman ko.

“Come inside,” wika nito, malalim ang boses nito na kung pagbabasehan sa edad ay mga 50 years old pataas na rin.

“H-hindi po ako sasama,” nanginginig na wika ko. “N-narito po ako para humingi ng pabor... bigyan niyo po ako ng isang linggo at babayaran ko po ang utang ng Auntie ko sa inyo.” Narinig ko ang mahinang pagtawa nito.

“Ija, matagal na panahon ko nang pinagbigyan ang Auntie mo. Hindi na uobra sa akin ‘yan. Kailangan ko ang bayad.” Tinanaw niya ako sa windshield kaya nagkasalubong ang mga mata namin. Ngayon ay mas lalo pa akong kinabahan.

Lumabas ang driver nito at agad na lumapit sa akin. Akmang tatakbo na ako ngunit nahawakan niya agad ako. Hindi na ako nakasigaw dahil agad-agad niyang tinakpan ang bibig ko. Nagpupumiglas ako ngunit masyado siyang malakas kaya hindi ako makawala. Agad naman niya akong pinasok sa loob ng sasakyan at sinarado ang pinto at saka niya hinarangan para hindi ako makalabas.

“Huwag ka nang manlaban!” Sinakal ako ni Mr. Fuego kaya bigla akong nawalan ng lakas.

“Hindi ko na kailangan ang pera. Mas nagugustuhan ko na ang pambayad,” wika nito, doon pa lang ay alam ko na ang ibig niyang sabihin. Ang bayad na gusto niya ay ang katawan ni Auntie at ang katawan ko.

Hinawakan niya ako sa hita, at dahan-dahan itong umaakyat. Pilit ko itong kinukuha. Pumatak nang muli ang luha ko dahil sa takot na nararamdaman ko sa ginagawa niya.

“Parang awa niyo na po! Huwag niyong gawin sa akin ‘to, pangako babayaran ko po kayo!” pagmamaka-awa ko sa kaniya.

Inilapit nito ang mukha niya sa pisngi ko. Ngayon ay ramdam ko na ang hininga niya sa balat ko. Hinigpitan niya ang pagsakal sa akin at ramdam ko na ang sakit ng mga daliri niya na nanunuot sa leeg ko.

“Bukas. Hanggang bukas na lang ang palugit mo. Kung hindi ka sumunod sa usapan. Ikaw ay pagmamay-ari ko na ayon sa pinagkasunduan namin ng tiyahin mo.” Humagolgol na ako sa pag-iyak ng marinig ko ‘yon. At ang susunod na pangyayari ay ang siyang kinakatakutan ko sa buong buhay ko. Pinasok niya ang kamay niya sa maselang parte ng katawan ko.

“AHHHH!” pasigaw na hagolgol ko at saka ko siya kinalmot sa mukha. Lumapat naman sa pisngi ko ang mabigat na kamay niya kaya naramdaman ko ang pagmamanhid ng pisngi ko.

Bumukas ang pinto ng sasakyan at saka niya ako tinadyakan papalabas ng kotse at sabay pinaharurot ang sasakyan papaalis. Mabuti na lang at hindi ako nakaladkad nito.

Ngayon ay nakahiga ako sa gilid ng daan habang patuloy na bumubuhos ang ulan. Humagolgol ako sa iyak dahil sa ginawa niya sa akin.

I was used to sexual harassment ever since and now I was sexually molested and I don’t want to end up being a victim of every one’s nightmare... being rape.

Hindi ko maintindihan at hindi ko matanggap kung bakit kailangan kong maranasan ang mga kawalanghiyaang ito sa mundo.

What did I do to deserve a life like this!?

Tainted Hues Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon