XXVII

8 0 0
                                    

Sienna’s POV

Ilang minuto na rin at nakaalis na sila Ivory at yung mayabang na lalaking kasama niya.
Narito kami ngayon sa loob ng sasakyan ni Grae at wala akong choice kun’di gamutin siya. Habang binibigyan ko siya ng cold compress sa pasa niya ay ‘di ko maiwasang maisip na hindi ko inaasahan na dadating talaga ako sa punto na tutulungan ko ‘tong lalaking ‘to. Ang lakas ng loob makipag-away, lampa naman pala.

Diniin ko ang hawak-hawak kong cold compress kaya napa-kunot noo ito sa sakit.

“Ouch, that hurts!” mariing usal niya sabay tingin ng masama sa akin. “May galit ka ba sa akin?” tanong pa nito.

“Ang salitang galit ay hindi kayang pantayan ang anumang nararamdaman ko sa’yo,” walang ka emo-emosyong sabi ko.

“That’s probably love then,” pang-aasar nito kaya biglang uminit ang ulo ko sa kaniya. Binuksan ko ang pintuan ng kotse niya para sana mag-walk out pero pinigilan niya ito ng katawan niya.

“I really love pissing you off, Sienna!” pang-aasar pa nito na siyang lalo kong kinainis.

“Pwes ako hindi natutuwa sa ginagawa mo!” bulyaw ko sa kaniya.

Nakakunot noo ko siyang tinititigan ng masama. Titig na titig lang ito sa akin. Ngayon halos magkapalit na kami ng mukha, ramdam ko na ang hininga niya na dumadampi sa balat ng mukha ko. Napansin ko rin ang paglunok niya, hindi ko alam kung anong ginagawa ng lalaking ‘to pero sa puntong ‘to sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib ko, at nararamdaman ko ang pag-init ng paligid, pati ang buong katawan ko ay nakaramdam ng mainit na klima sa pagitan naming dalawa. Marahil ay kinakabahan lang ako.

Ilang sandali pa ay bumalik na ito sa pwesto niya at napasandal sa upuan ng kotse at saka humingi ng malalim. Napansin ko rin na napapikit ito, siguro ay nagpapakalma.

Katahimikan na ang bumalot sa aming dalawa ngayon. Ang awkward sa totoo lang. Nais na umalis ng katawan ko pero may kung anong pumipigil sa akin at hindi ko magawang iwanan siya rito. Ewan ko ba.

Bago pa man ang lahat ay binasag ko na ang katahimikan.

“Gusto ko lang sabihin na...” Huminga muna ako ng malalim para ikalma ang sarili ko, at saka ako nagpatuloy sa pagsasalita, “kung ano man ang napag-usapan natin sa atin na lang dalawa. Let’s not brought up people in here. Kaya please, huwag niyo na idamay si Violet.” Napatingin ito sa akin, ngunit diretso lang ang titig ko sa labas, ‘di ko na siya nilingon, at baka magkaroon na naman kami ng awkward stage.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita. “At siya palang ang naging kaibigan ko rito sa kabila ng lahat ng nangy—“ Naputol ang sasabihin ko nang bigla naman itong magsalita.

“You have me.” Bulong nito pero dahil malakas ang pandinig ko, syempre narinig ko. Pinasadahan ko siya ng patanong na titig. “I mean your boyfriend, I can be your best friend too. Name it, whatev—“ Sa puntong ‘yon, doon ko lang siya hinarap.

“Your not my boyfriend, Grae.” Putol ko sa kaniya. I don’t know alam kong fake lang ‘to lahat pero the way siya magsalita it feels sincere and it feels weird cause I feel like he’s crossing the line. Alam ko namang aware siya kaya’t never talaga ako mauuto sa salita ng lalaking ‘to.

“Whatever you call it,” dugtong nito at biglang lumamya ang mukha niya. At sa ‘di inaasahang pagkakataon ay bigla niyang pinaandar ang kotse.

“Grae, put*ngina!” Napamura pa ako, kasi nabigla ako sa ginawa niya.

“Put on your seatbelt. I’m taking you home,” giit nito.

“Ano!? Ibaba mo na lang ako! Kaya kong umuwi mag-isa!” bulyaw ko sa kaniya.

Tinignan niya lang ako ng nakakaloko at nag-smirk pa at saka binilisan ang takbo ng kotse niya.

“Grae!” sigaw ko habang natataranta kung saan hahawak. Tinawanan lang ako nito.

Ilang saglit pa ay nadaanan namin ang Bar kung saan nagtatrabaho si Auntie. Lugar na kinamumuhian ko. Maya’t maya ay napansin ko ang papalabas na mga tao, at doon nasilayan ng mata ko si Auntie na sobrang lasing, at wala na sa sarili, akay- akay ito ng dalawang lalaking lasing na rin at may balak ata silang dalhin kung saan ng tiyahin ko.

“Dito na lang ako,” mahinahong sabi ko kay Grae, ngunit halata na ang pagkataranta sa akin.

“What? No, I’m taking you hom—”

“Sabing dito na lang ako!” Bulyaw ko sa kaniya kasi sobrang nag-aalala at natataranta na rin ako. Kaya napahinto na rin ito sa pagmamaneho at saka mabilis na rin akong bumaba. Tinatawag ako ni Grae pero ‘di ko na ito pinansin.

“Auntie!” sigaw ko kaya naagaw ang atensyon ng dalawang lalaki. Pagharap pa lang nila alam mong high na high na sa kalasingan.

“Saan niyo siya dadalhin?” sagot ng isang kalbong lalaki at maskulado ang katawan.

“Bayad na ‘to,” giit nito at saka sila nagsitawanan sabay halik pa sa katawan ni Auntie. Napakunot noo ako sa pandidiri sa ginagawa nila kaya nilapitan ko sila at pilit na kinuha si Auntie.

“Auntie tara na po, umuwi na tayo,” sabi ko at napansin kong wala na talaga ito sa sarili niya dahil halos pabagsak na rin. Humahalakhak pa ito ng wala sa katinuan.

“Umuwi ka na, walang kwentang bata ka,” sabi nito sa lasing na boses.

“Gusto mo bang sumama?” Hinawakan ako ng kalbong lalaki sa balikat ay inamoy naman ako ng isa niyang kasama. Napaka walanghiyang mga manyakis ‘to.

Tinulak ko silang dalawa kaya natumba ito sa kalasingan pati si Auntie nasama. Pinatayo ko si Auntie at kinuha sa kanilang dalawa. Inalalayan ko ito para makaalis na ng bigla akong hatakin ng isang lalaki kaya nabitawan ko si Auntie at akmang susunggaban ako ng halik kaya tinadyakan ko agad ang ari nito. Napansin ko ang papaambag sampal ng lalaking kalbo ngunit laking gulat ko sa malakas na tunog na dahilan ng pagtama ng isang bote sa ulo niya. Natumba ito at tuluyang natulog dahil sa pagkahimatay.

“Sienna! Are you okay!?” narinig kong tawag ng papalapit na si Grae. Tulala lang akong nakatitig sa kaniya dahil sa mabilis na nangyari. Since wala masyadong tao sa labas at wala rin naman pakialam ang mga bumabyahe kaya kami lang ang narito.

Iniangat niya si Auntie na halos wala ng malay sa kalasingan at inalalayan.

“Sienna, let’s go,” seryoso nitong sabi kaya napukaw naman ang animo ko. Tinulungan ko siya at inalalayan na rin si Aunite. Papaalis na kami ng biglang napahinto si Grae sa paglalakad. Napatingin ito ng malalim sa akin at ang susunod na pangyayari ay nakakikilabot.

Bumagsak ito sa kalsada at biglang bumagal ang oras sa paligid ko kahit sobrang bilis ng mga pangyayari.

His clothes is now tainted with blood. Sinaksak pala ito ng basag na bote sa tagiliran niya.

Nanigas ang buong katawan ko habang pinagmamasdan siyang nakahiga sa kalsada hawak-hawak ang tagiliran niyang dumadaloy ang dugo.

Napasigaw na lamang ako dahil sa takot na baka mabawian ito ng buhay.

“Grae!”

Tainted Hues Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu