XII

34 7 0
                                    

Naglalakad ako ngayon pauwi sa gilid ng kalsada, kung saan umaalingawngaw ang ingay ng siyudad. Hindi na ako tumuloy na pumasok sa klase. Wala rin naman akong mukhang maihaharap sa kanila. Pandidirihan lang din nila ako. Habang naglalakad ako sa makulimlim na gabi, hindi ko na alintana ang oras basta ang alam ko lang madilim na, parang ang buhay ko ngayon, sobrang dilim at ang liwanag ay unti-unting naglalaho hanggang sa hindi ko na ito makita. Hindi na rin ako natatakot na umuwi ng malalim ang gabi kasi gano'n pa rin naman ang mangyayari, sasaktan rin naman ako ni Auntie. Hindi ko na alam kong saan ako pupunta. Kahit saan naman siguro ako pupunta ay parang wala paring mangyayaring maganda sa akin. Para akong nakakulong sa empyernong ito.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng kulob, nagbabadya ang pag-ulan. Ilang sandali pa ay may butil ng tubig na pumatak sa balat ko. Napatingin ako sa ulap at habang pinagmamasdan ko ang pagpatak ng ulan ay naramdaman ko rin ang namumuong luha ko. Pagod na akong umiyak pero bakit hindi ko mapigilan?

"Lord, bakit po nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Wala naman po akong nagawang mabigat na kasalanan?" tanong ko sa isipan. "Kasalanan po ba ang mabuhay ako? Kung oo, pwede po bang bawiin niyo na lang ako? Pagod na po akong mabuhay," dagdag ko pa saka napaupo sa gilid ng kalsada. Kasabay nang pagbuhos ng malakas na ulan ay siya rin pagbuhos ng mga luha ko. Humagolgol ako sa iyak, habang nakayakap sa tuhod ko. Wala na rin akong pakialam sa mga taong dumadaan. Wala na rin akong pake kung anong tingin nila sa akin. Kung sasabihan nila akong pansin at humihingi ng atensyon.

Mabigat na emosyon ang dinadala ko ngayon at hindi sa lahat ng oras ang emosyon ay kaya nating pigilan. Just like a rain it comes unexpectedly.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagpatong ng isang jacket sa likuran ko.

"Hoy, anong ginagawa mo!? Tumayo ka riyan!" pasigaw na sabi nito kasi hindi na rin halos marinig dahil sa malakas na ulan. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pag-iyak rito. Hinawakan niya ako para patayuin, pero pinipigilan ko siya at doon ko na nalaman kung sino ito. Naliligo na rin ito sa ulan.

"Anong ginagawa mo rito!? Umalis ka na!" sigaw ko sa kanya.

The man who's in front of me and is already bathing in rain is no other than Grae.

"You're insane! Magkakasakit ka!" sabi pa nito.

Hindi ako makapaniwala na naririnig ko ang mga katagang 'yon galing sa kanya. Ang pagkakaalam ko wala naman 'tong pakialam sa akin. Ano ba ang pake niya kung magkakasakit ako? Lahat nga ng masasakit na salita binigay niya sa akin.

"Ano bang pake mo!? Walang-wala naman 'yon sa mga masasakit na salita na binitawan mo sa akin!" sigaw ko sa kanya.

Natulala ito ng bahagya matapos marinig ang sinabi ko.

"Umalis ka na! Hindi ko kailangan ng tulong mo!" bulyaw ko sa kanya. Binitawan niya ako at umayos ng tindig.

Bumalik ako sa pagyakap sa tuhod ko. Hindi ko na alintana ang lamig, namanhid na siguro ako, wala na akong maramdaman.

Maya't maya ay naramdaman kong may tumabi sa akin. Tinignan ko ito.

"Ano bang gusto mo!?" bulyaw ko ulit sa kanya.

"I won't leave you here..." saad nito, hindi ito nakatingin sa akin, nasa harap lang ang titig nito. "Let me join you in the rain... besides I'm one of the reason why you're here," dagdag pa nito.

"Ayaw kitang kasama," sambit ko. Napatingin ito sa akin. Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako o sadyang tubig ulan lang talaga ang nakikita ko. Is he crying?

"But I want. Whether you want it or not. I'm staying, I'm not leaving you here," sagot nito. "Just think that I'm not here," dagdag pa niya.

Tinalikuran ko siya at hindi na lang pinansin. Gusto kong ibuhos ang bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Halos mag-iisang oras na kami ngayon sa gilid ng kalsada, nakaupo na parang mga tanga habang basang basa sa ulan.

Hindi niya talaga ako iniwan dito mag-isa. Ewan ko ba kung anong trip nitong lalaki na ito at bakit niya ito ginagawa?

Maya't maya ay sabay kaming napatingin sa ulap nang tumila ang ulan.

"Napagod na siguro umiyak ang ulap," sambit nito. Hindi ko siya nilingon pero bawat bigkas niya ng salita ay naririnig ko.

"Tumahan ka na," dagdag pa nito saka napansin ng dulo ng mga mata ko ang pagtingin niya sa akin.

Pinilit kong tumayo kahit sobrang nanghihina na rin ako. Sa pag-angat ko ay muntik pa akong matumba ng mawalan ako ng balanse kaya sa 'di inaasahang pagkakataon ay nahawakan niya ako sa braso.

Sa sandaling 'yon ay nagkatitigan kaming dalawa, doon ko pa lang napansin ang kulay ng mga mata nito--kulay abo. Bakas din sa mukha nito ang namamaga niyang mga mata marahil ay sa pag-iyak din na hindi niya pinapakita kahit kanino.

Kahit na medyo nakaramdam ako ng awa sa kanya ay hindi ako nagdalawang isip na itulak siya.

"Ano ba!? Lumayo ka na sa akin!" sigaw ko sa kanya sabay na napaatras ito.

"Please, sobrang miserable na ng buhay ko, nagmamakaawa ako huwag mo nang dagdagan. Kaya sana hindi ko na makita 'yang pagmumukha mo," mariing wika ko sa kanya.

Alam kong malabong mangyari 'yon kasi sa iisang Paaralan lang kami nag-aaral at ang masaklap pa roon ay magkaklase kami.

"Paano mangyayari 'yon? We're studying in the same school? And, we're classmates?" tanong nito.

"Hangga't maari umiwas ka na lang," sabi ko saka tinalikuran na siya para umalis.

Napahinto ako ng saglit, ngunit hindi ko na siya nilingon.

"Gawan mo ng paraan ang eskandalong ikaw ang dahilan," wika ko. Saka naglakad na papalayo. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa, ayoko nang marinig ang boses niya. Bumabalik lang sa aking alala ang mga masasakit na salita na binitawan niya.

Nang makarating ako sa bahay ay nakasalubong ko agad si Auntie na papalabas ng pinto.

Ang mga nakakamatay niyang titig ang bumungad sa akin at hindi na bago sa akin ang araw na ito. Wari'y makakatikim na naman ako ng panibago ngunit paulit-ulit na sakit.

Tainted Hues Where stories live. Discover now