Ramses in Niraseya (Kabanata 40)

Comenzar desde el principio
                                    

            “Teka, tinanggap ko na ba ang paghingi mo ng tawad?” tila nangungutya ang ibon sa pakikipag-usap kay Ramses.

            “Ano pong ibig nyong sabihin?” nagulat na tanong ng dalaga.

            “Gusto ko munang makipaglaro sa’yo. Kung mabubuhay ka, isa ka talagang mapalad na nilalang. Kung mamamatay ka naman, napatagal mo pa ng konti ang iyong kamatayan.” Sabi ng pinakamalaking Reme habang tumatawa ng malakas.

            Nakaramdam ng pagkatakot si Ramses at hindi alam ang gagawin kaya’t minabuti nyang lumipad ng mabilis pabalik sa kinaroroonan ng kanyang mga kasama.

            Ngunit hindi ito nagustuhan ng Reme. Tumigil ito sa pagtawa at tumingin ng masama sa dalagang papatakas.

            “Sa lahat ng ayoko ay yung mga duwag!!” Mabilis na lumipad ang Reme papalapit kay Ramses.

            Mas binilisan ng dalaga ang paglipad ng makitang kasunod na nya ang malaking Reme.

            “Para mo ng awa, wala akong laban sa isang katulad mo.” Sabi nito sa ibong nakasunod sa kanya.

            “Maglaro tayo! Maglaro tayo ng habulan! Hahahahaha!” tila isang masamang halimaw ang Reme na humahabol kay Ramses.

            Pakiramdam ng dalaga’y isa syang pagkaing hinahabol ng gustong pumaslang sa kanya. Dahil sa sobrang bilis ng ibon ay naabutan nya si Ramses.

            “Mukhang mabagal ang iyong paglipad. Hayaan mong tulungan kitang makarating sa itaas ng mabilis.” Tumigil ang Reme sa likod ni Ramses at hinampas nya ng malakas ang dalaga gamit ang kanyang kaliwang pakpak.

            Tinamaan si Ramses. Sa sobrang lakas ng pagtama ay mabilis ang kanyang pag-angat papaitaas hanggang sa lumampas pa sa kinatatayuan nila Ryona.

            Hindi pa man tumitigila sa pag-angat ng katawan ng dalaga ay sinalubong ito ng malaking Reme at hinampas na naman ng kanyang kaliwang pakpak. Walang nagawa ang maliit na katawan ni Ramses. Bumulusok sya paibaba at humampas ang katawan sa lupa.

            “Ramses!” nanggigigil na sigaw ni Ryona. Papalapit na sya sa dalaga ng pinigilan sya ni Perus. “Pero bakit?”

            “Isa itong pagsubok – pagsubok na kailangan nating malampasan.” Malungkot na paliwanag ni Perus.

            “Pagsubok? Mamamatay si Ramses sa halimaw na yan. Tingnan mo nga kung ganu sya kalaki. Kalahati lang ang ating mga Reme kumpara sa kanya.” Humarap ito sa guro. “Pakiusap Ginoong Yaku, tulungan natin si Ramses. Ipagpaliban na muna natin ang pagpili nya ng Reme.” Pumatak ang luha sa mga mata ng dalaga.

            Tiningnan ni Ginoong Yaku ang kalagayan ni Ramses. “Mabuti pa nga. Magsatabi muna kayo at tutulungan ko ang inyong kaibigan.” Papalapit pa lamang ang guro sa dalaga ng bigla itong nagsalita.

            Pinilit ni Ramses na makatayo at humarap sa kanyang guro. “Hayaan nyo ako, Ginoong Yaku. Ako na po ang aayos ng gulo na ito.” Muli ay lumipad si Ramses papalapit sa Reme na nasa himpapawid.

            “Ginoong Yaku! Ano pang hinihintay nyo!” nag-aalalang sabi ni Ryona.

            “May kakaiba sa mga mata ni Ramses. Ipaubaya na muna natin sa kanya ang gusto nyang gawin. Magtiwala lang tayo, tulad ng pagtitiwala nya sa inyong dalawa.” Mahinahong paliwanag ng kanilang guro.

            Muling tumigil si Ramses sa harapan ng Reme. “Siguro naman sapat na ang ginawa mo sa’kin. Nakita mo naman buhay pa ako.” Nagbago ang boses ng dalaga at tila naging matapang na ito. Mula sa natatakot at nagmamakaawa na nilalang ay naging mapanindak ang tono ng kanyang pananalita.

            Tinawanan lang naman sya ng malakas ng Reme matapos marinig ang lahat ng kanyang sinabi.

            “Alipin na kita ngayon! Utang mo sa’kin ang iyong buhay! Kung matatalo mo ako, baka mabaligtad pa ang sitwasyon natin ngayon! Hahahahaha!!” hindi mapawi ang pagtawa ng Reme. “Nagsisimula pa lang ako.”

            Ibinuka ng Reme ang kanyang mga bibig at naglabas ng isang malakas na apoy. Nakutuban naman ito agad ni Ramses kaya’t nakaiwas sya.

            “Magaling ka at naiwasan mo ang pagsugod ko na iyon. Pero ang mga susunod kong gagawin ay hindi mo na maiiwasan.” Tila sabik na sabik ang Reme sa gagawin nyang pagpapahirap sa dalaga.

            Unti-unti namang nakakaramdam ng galit si Ramses sa ipinapakita ng Reme na kanyang kaharap. Hindi nya alam kung kaya nyang talunin ang Reme na ito dahil ito pa lang ang unang pagkakataon na makikipaglaban sya sa isang napakalaking nilalang pa na tulad ng Reme na ito. Ang pinuno ng buong lahi ng Reme na nanonood lamang sa kanilang dalawa.

            “Panoorin mo ang aking gagawin. Handa ka ba?” tumatawang sabi ng Reme. Muli nitong ibinuka ang bibig na tila magpapakawala ulit ng isang malaking bolang apoy.

            “Anong gagawin ko?” bulong ni Ramses sa sarili. Napatingin si Ramses sa mga kasama na nasa ibaba na nanonood sa kanya.

            Ilang sandali pa ay pinakawalan ng Reme ang isang malaking apoy ngunit naiwasan ito ni Ramses.

            “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” tanong ni Ramses ng bigla nyang naisip ang direksyon ng babaksakan ng bolang apoy na pinakawalan ng Reme.

            “Umalis na kayo ngayon dyan!!!!” sigaw ni Ramses kasabay ng isang malakas na pagsabog. “Hi – hindi!!!!” galit na galit si Ramses habang malakas lamang ang tawa ng Reme sa kanyang harapan.

A/N

 

Ano kayang nangyari kina Ryona? Matatalo ba ni Ramses ang pinuno ng mga Reme? Sino kaya ang magtatagumpay sa laban na ito? Abangan sa susunod na kabanata ng Ramses in Niraseya.

 

Gusto nyo ba ang story ni Ramses, ishare na ‘to sa iba para mabasa din nila at wag kalimutang bumoto ha. Maraming salamat. :)

 

*MelaBrio*

 

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora