Epilogue

11 3 0
                                    

Three days ago, we received the most incredible news about my health, after a long battle with cancer, the doctor declared that I was in complete remission.


Masayang balita iyon para sa aming lahat, everything went back to normal. Until one day, bumalik na ang mga magulang ni Hinari galing Malaysia. She told me that she felt guilty and not ready to see her parents. Tumatak daw sa kaniya 'yong tampo ang hirap-hirap alisin, dahil doon ay nag-away sila ng kaniyang kapatid na si Yuno.


"Bakit ba ang hirap sa'yong magpatawad!? Pinuno mo masyado ng galit 'yang puso mo! Ano bang hindi mo maintindihan na nagtrabaho sila para sa kinabukasan nating dalawa? Akala ko ba idolo mo si Ate Sachi? Hindi naman siya ganiyan. Sana hindi nalang siya 'yong nawala."


Kahit hindi niya sabihin, alam kong sobra siyang nasaktan sa narinig na salita mula sa kaniyang nakababatang kapatid.


"Pero siguro nga bata pa siya, bata pa kami. Hindi niya pa nauunawaan kung gaano kahirap ang tumayo bilang ate niya at magpaka-nanay sa kaniya nang iwan kami ng magulang namin sa loob ng mahigit isang dekada, lalo na noong mawala si mamay. Siguro nga bata pa ako para iparamdam sa kaniya kung paano maging mabuting ate. Napuno nga ako ng galit, tampo, at lungkot. It ate me to the core at wala akong nagawa kun'di sumabog bigla. I didn't know real pain until my youngest brother wished me dead."


Pero kinabukasan no'n ay nagkaayos rin sila. Inamin niya na hindi naman pala mahirap magpatawad, hindi rin mahirap humingi ng tawad sa taong nasaktan mo.


Naalala ko ang sabi sa misa na nadaluhan namin kahapon, "Ang mga tahanan na nananatiling buo ay nananatiling buo, hindi dahil ito ay perpekto, kun'di dahil ang miyembro nito ay marunong magpatawad at humingi ng tawad kapag nakakagawa ng pagkakamali."


Iyon ang ikalawang beses na nakita ko siyang umiyak nang gano'n katindi. Noong una'y noong nasa hospital ako at nakaratay. Aaminin ko, ramdam kong iba ang pinapakitang pagmamahal sa akin ni Hina, pagmamahal na higit pa sa kaibigan, pero natakot ako noong panahon na iyon, takot akong bigayan ng tyansa ang kung ano man namamagitan sa aming dalawa kasi ramdam ko noon na bilang nalang ang araw na mayroon ako para makasama siya. Ayaw ko siyang masaktan at maiwan.


"Asiel, congratulations. Sobrang happy ako na magaling ka na, I thank God for your life," bulong niya habang naglalakad kami palabas ng simbahan.


"Thank you, Hina..."


Ngumiti siya, "Masaya rin akong napatawad mo na ang tatay mo."


"Matagal na."


"Bilib talaga ako sa'yo, napaka-strong mo." tinapik-tapik niya pa ang balikat ko habang sinasabi iyon.


Sana nasabi ko rin sa kaniya na isa siya sa kinapitan ko ng lakas.



___



They say, healing doesn't have specific timeline, it's a process. But part of me thinks that healing will never fully be achieved.

I have lost the two most beloved women in my life. I have lost the people who loved me the most. Why did it have to be them when it could be me?


"Asiel masaya ka ba?" tanong ni Hina habang nakatingin sa akin.


"Bakit mo natanong?"


Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now