Chapter 13

8 4 0
                                    

Mag-uumpisa na kami ng OJT next week. Nag-message nga si Kyden noong Saturday nagtatanong kung saan ako mag-iinternship, kahapon ng umaga ko na siya na-replyan. Ewan ko kung anong mahika na naman ginamit no'n at nag-uumpisa na naman akong kausapin siya ulit.

Kadarating lang ni Asiel, medyo late siya ngayon pumasok pero wala pa naman prof kaya ayos lang.

"Kagigising mo lang?"

"Hindi, may dinaanan lang ako sa bayan kaya ako nahuli ng pasok," sagot niya bago naupo sa tabi ko.


"Saan ka mag i-internship, Si?"

Binaling niya ng tingin sa akin, bago binuksan ang chips na kinuha niya sa bag niya at inalok ako, "Gusto mo?" Umiling lang ako.

"Sa St. Jude," maikli niyang sagot sa tanong ko. Napahampas pa ako sa braso niya nang malaman na pareho kami ng facility na papasukan.

"Sabay tayo papasok lagi, ha?" saad ko.

Hindi kami magkakasama ni Alexa sa internship 'di tulad ng napag-usapan namin. Napunta siya sa school setting which is Guidance counseling, dito lang rin siya sa school pumapasok. Nagsimula na nga siya noong nakaraang linggo. Balita ko rin, nag t-therapy na siya at regular check up. Okay naman na siya this past few weeks.

"Hina, may naghahanap sa'yo sa labas," wika ni Alexa na pangisi-ngisi na bumalik sa kaniyang kinaupuan.

"Sino?" tumayo na ako pero hindi na niya sinagot tanong ko.

Sumilip ako sa pinto nang biglang may magtakip ng mata ko. Gulong-gulo naman akong humawak sa kamay na nakatakip sa mga mata ko, kamay ng lalaki. Imposibleng si Asiel kasi kanina lang naman ay katabi ko siya sa upuan ko.

"Damian?" unang hula ko pero hindi sumasagot, "Chester?" hula kong muli pero 'di pa rin siya umiimik.

"Pag ikaw 'to Asiel, susuntukin kita!" banta ko. Agad itong bumitiw sa pagtakip sa mga mata ko. Nilingon ko naman kung sino siya.

"Kyden?"

"Lahat na ng kaibigan ko nabanggit mo ah, ako pa talaga kinalumutan mo," biro niya. Aba at bakit mukhang nag-iba ang aura niya? Saka bakit? Kailan pa kami naging magkabiruan!?

Inirapan ko siya, "At sino pa bang dapat ko kalimutan?"

"Okay, chill. Mainit agad ulo mo."

"Ano ba kailangan mo?" iritable kong tanong.

"I just want to give you this," seryoso niyang sabi. May inabot siyang papel, binuksan ko 'yon. Isang sulat na naglalaman ng imbitasyon para mag sine.

"I don't have time for this, Ky." reject ko, "P'wede ba 'wag mo ko pag-tripan. Okay na ako."

"Gusto ko lang bumawi. Hindi ba sabi mo, if I want you in my life, I should put you there.. that's what I'm doing, Hina."


__

Lumipas ang mga araw na gano'n siya palagi sa akin sa tuwing nagkikita kami sa school, iniiwasan ko na nga siya makasalubong pero palagi niya akong hinahanap sa klase.

Tulad kahapon, nag-iisa siyang naghihintay sa labas ng room namin. Nauna kasi uwian nila, nagtataka nga ako't hindi sila magkakasama nila Damian kasi usually magkakasabay sila umuuwi.

Nalaman ko lang from Alexa na parang nagtalo sila Damian at Kyden, pero kinalaunan naman naging okay rin sila. Tulad ngayon, magkakasama na ulit silang magbabarkada.

Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now