Chapter 11

14 4 0
                                    

Alexa Halili's POV

People always call me 'sunshine', sabi kasi nila I constantly shine bright wherever I go. And maybe, that is the reason why they can't see how dark it is for me inside. My radiance illuminates those people around me.

Exactly January 1, I was diagnosed with Manic Depression. It started a year ago, 'yong akala ko normal na lungkot, iyong pagkawala ng interes sa mga bagay na gustong-gusto ko gawin noon, at iyong mga mood changes ay iba na pala. Hanggang sa tumagal na, hinayaan ko nalang sarili ko na masanay sa gano'n at dumating sa punto na sobrang bigat na kasi punong-puno na pala. I never thought na ganito na pala kalala ang kalagayan ko. In a span of 2 weeks, I got a lots of failed suicide attempts. Buong Christmas break, napaka emotional at unhealthy ng kalagayan ko. My behavior started shifting, I got anger issues and attitude intolerance. I became toxic to everyone that surrounds me and reached my point that I became unloveable. Pinapalayo ko na rin 'yong mga taong gustong tumulong sa akin. Naging in denial ako sa nararamdaman ko kasi natatakot akong harapin ang sarili kong multo. Sa sobrang dilim ng mundo ko, hindi ko na nakikita ang liwanag na gustong ibigay ng tao sa paligid ko.

I became a threat to my own safety.

I hated life.

I hated life because it constantly reminds me that I'm a failure and a disappointment.

Mayroon pagkakataon na sobrang lala ng mood ko, nasigawan ako ni papa dahil doon. I'm all alone, with no one in my family to look out for me. No one understands my situation inside my very home kasi hindi sila naniniwala na totoo ang ganitong sakit.

I don't attend counseling, I don't take my medicine. Para saan pa? Hindi rin naman sila naniniwala sa gano'ng sakit, 'di ba?

I hated my family. I hated my friends, I hated everyone. And if one ask me, I also hated myself if that makes them feel better.

Wala na nga talaga akong kakampi.

I put myself in a very dangerous situation because my mind constantly telling me na wala na magmamahal sa akin kung ganito ako.

One time, nakita ko sina Hina. Kasama niya ang iba niya pang mga kaibigan. Hindi ko alam kung bakit gano'n na feel ko but I envy them so much. I envy seeing them happy. I hated her because I felt like parang wala lang sa kaniya na ganito ako. I hate it kapag sinusubukan nila ako i-comfort, feeling ko kasi ginagawa lang nila 'yon dahil naaawa sila sa akin.

Naglalakad ako pabalik ng room when I felt wave of nausea kaya nagmamadali akong tumakbo papunta sa CR. I felt dizzy dahil siguro kulang ako sa tulog at kain.

"Okay ka lang, Alexa?" she approached me. I refused to get help from her nang hawakan niya ako sa likod.

After our class in Practicum in Psychology, I heard them planning to apply sa isang sikat na Mental Hospital sa Nuevo. Malayo 'yon sa amin. Naalala ko tuloy sabi ni Hina ay sabay kaming hahanap ng pag o-OJT-han namin.

"Maraming nakakatakot na baliw do'n!" patawa-tawang sambit ng isa naming kaklaseng lalaki.

Maraming nagalit sa biro niyang iyon, including Hina and Asiel, pero parang lumabas lang sa tainga niya yung pinagsasabi nila Hina. Nabaling ang tingin sa'kin ng kaklase naming iyon. Inirapan ko lang siya.

Bawat PiyesaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu