Chapter 06

14 4 4
                                    

Hindi ako nakadalo sa birthday celebration ni Alexa noong Linggo. Nagkasakit kasi ako noong gabi ng Sabadi pag-uwi namin ni Asi galing sa interview, dahil siguro sa lamig ng panahon tapos na-anggihan ako ng ulan.

Wednesday na, dalawang araw na ring hindi pumapasok si Alexa, simula noong Lunes. Hindi ko alam ang dahilan. Palagi rin naman nawawala sa isipan ko na tanungin siya kung bakit dahil busy kami sa preparation for seminar. Ang huling balita ko ay may nakakausap na siya. Mukhang masaya naman ang isang 'yon sa love life niya, happy na rin ako na malaman na hindi imposibleng umulan ng nyebe sa Pilipinas! Hindi naman ako sigurado kung umamin na siya kay Chester, basta balita ko ay may kausap siya from other block. Inisip ko nalang na baka sinadya niya rin na hindi pumasok para mas mahaba ang kaniyang mental health break.

Mabigat nga ang pakiramdam ko ngayon, kagagaling ko lang sa sakit pero mukhang panibagong sakit na naman ang nakuha ko. Nakita ko kasi sa Instagram story ni Kyden na may babae siyang kasama at kahit sino makakita no'n ay talagang iisipin na girlfriend na niya iyon. Samantalang nag-message pa siya sa akin last week, nangungumusta. Paano naman ako babalik kung inconsistent naman siya. Hindi niya kaya patunayan yung mga salitang binibitiwan niya.

Kaya ito ako, nasa isolated na lugar dito sa loob ng school para ilabas ang sama ng loob ko. Nakakasira talaga ng mood ang larawan na iyon.

"Wow, alone ang princess!" boses ng isang lalaki mula sa likod ko.

Si Asiel.

Agad ko pinunasan ang luha ko nang maramdaman na papalapit siya. Bakit gano'n sa tuwing umiiyak ako, siya ang laging nakakakita.

Biglang nagbago ang tono ng boses niya. Iyong kaninang nang-aasar ay napalitan ng pag-aalala, "Umiiyak ka ba?"

Hindi ko siya inimik, patuloy lang sa pagtulo ang luha ko. Matagal na katahimikan ang bumalot sa aming paligid, tanging hikbi ko lang ang maririnig. Nabasag lang ang katahimikan na ito nang magsalita siyang muli.

"Nandito ka na naman at umiiyak. Why are you crying?" pag-aalala niya, naupo siya sa tabi ko at agad niya akong inabutan ng tissue.

"May masakit kasi sa akin," sagot ko.

Binigyan niya naman ako ng tingin na tila hindi naniniwala sa rason ko. I chuckled.

"Iyan ka na naman, baka nag iimbento ka na naman ng idadahilan, ah!"

"Totoo nga, masakit ang puso ko," malungkot kong pahayag. "Naalala mo ba noong una mo akong nakita dito?"

Tumango siya bilang sagot.

"Kaparehong dahilan kung bakit ulit ako nandito ngayon."

Nagtaka na siya, "Hindi mo naman nabanggit kung ano ang totoong dahilan bakit ka umiiyak noon."

"Ayaw ko sabihin sa'yo, nahihiya ako." Pinunasan kong muli ang luha kong kumakawala.

"Baka kaya hindi gumagaan kasi hindi mo nilalapag?" hindi ko agad naintindihan ang sinabi niyang iyon, saka lang nag-sink in sa akin nang matahimik kaming dalawa.

Ang ibig niya palang sabihin ay baka kaya mabigat pa rin ang nararamdaman ko kasi hindi ko nas-share sa iba.

"P'wede mong ibigay sa akin ang ibang bagahe mo, Ri. Mas gagaan 'yan kapag hahayaan mong tulungan ka ng iba na magbuhat o 'di kaya kapag natutunan mo itong ilapag at magpahinga."

"Ang totoo niyan, maliit lang naman na bagay 'to. Nahihiya lang akong ikwento kasi nahihiya akong aminin rin sa sarili ko na hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.." Muli na naman pumatak ang luha ko. Yumuko nalang ako para hindi niya na makita pa.

Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now