Chapter 16

9 4 0
                                    

Hindi na kami nakapag-usap ni Asiel kanina dahil sinundo ako ni Kyden. Mabilis rin nawala sa paningin ko si Asiel matapos ang introduction at house rules reminder sa facility. Samantalang natagalan pa ako sa pagbabayad ng fee pagtapos no'n.

"Kanina ka pa hindi mapakali sa phone mo," puna ni Kyden habang nakatitig sa akin at sa cellphone ko na kanina ko pa hawak, "ano bang ginagawa mo?"

"Ah, nag message lang kapatid ko," sagot ko ngunit hindi pa rin naalis ang tingin niya sa akin.
Ang kulit kasi ni Yuno e, tinatanong ako kung kailan daw ulit bibisita si Asiel sa bahay.

"Hatid kita pauwi?" Napakunot ang noo ko sa tanong na 'yon ni Kyden. Magkalapit lang naman ang bayan namin.

"Ikaw ang bahala," sagot ko. "P'wede naman 'wag na," dugtong ko pa bago tumayo at kinuha ang bag ko. Para namang hindi siya interesadong gawin ang bagay na 'yon na mayroong kusa.

"La, nagalit. Hahatid na kita s'yempre." Kinuha niya sa akin ang bag ko para siya ang magbitbit no'n. Sinubukan niya rin i-lighten yung mood pero nawalan na ako ng gana.

"Mag co-commute nalang ako, Ky." bawi ko sa bag ko bago siya tinalikuran.

"Jo, ano bang problema? Are you having a bad day?" usisa niya pa. Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siyang muli.

Huminga ako nang malalim at napaisip na baka nga masyado lang clouded ang isip ko at nagpatong-patong mga problema kaya nabubuntong ko ang inis ko sa kaniya. Ayaw ko naman maging unfair kay Kyden.

"Hindi. Tara na," pagbabago ng isip ko't binigay muli sa kaniya ang bag ko.

After ko malaman 'yong tungkol sa alitan nila ni Asiel parang may nagbago. Kaya lang, ang hirap sa akin, hindi ako agad makapaglagay ng boundaries. Kahit na alam kong may mali, kahit na pakiramdam ko may mali, tuloy lang ako. Leche naman oh! Bakit ba hirap na hirap akong mag-adjust palagi! May attachment issue na nga, may adjustment issue pa.

"Nagkausap na kayo ni Asi?" panimula niya nang makasakay kami sa motor.

"Hindi, paano kami mag-uusap?" tanong ko.

"Anong paano mag-uusap? What do you mean?"

"Wala, Ky. Tara na male-late na ako," sagot ko at kinuha ang helmet na isusuot ko.

"Anong wala? Hindi kita maintindihan, Jo. Palagi ka nalang umiiwas. Kapag may dapat tayo pag-usapan, hindi na natin napag-uusapan. What's wrong with you?" Medyo iritable niya nang tono.

Ngayon ko nalang ulit naramdaman na kabahan nang ganito sa presensya niya, tulad dati. Siguro nga, dito ako sanay. Sa ganitong Kyden, 'yong ugaling ayaw ko pero alam ko kung paano i-handle. Mayroon bang gano'n? P'wede ba 'yon?

"Pag-aawayan pa ba natin 'to?" kalmadong saad ko.

"It's not... W-we're not arguing, Hina. Look, I'm trying to be calm as much as I can pero everytime na may dapat tayong pag-usapan, you would just say 'sa susunod nalang, sa susunod nalang'. Fuck!" he cussed at the wind sabay hablot ng kaniyang helmet.

Parehong masama ang loob naming dalawa na sumakay sa motor niya. Ang bigat ng loob ko kaya para hindi na humantong sa malaking pagtatalo ay hinubad ko na ang helmet na suot ko dahil ayaw ko na talaga magpahatid sa kaniya pero pinigilan niya ako.

Sa huli, wala rin akong nagawa kun'di ang magpahatid sa kaniya.

"Call me later kapag pauwi ka na, susunduin kita," ani niya habang tinatanggal ko ang aking helmet na suot.

"Mag co-commute nalang ako."

"Jo?"

"Ky, okay nga lang. Kaya ko mag-isa,"

Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now