Chapter 04

14 5 5
                                    

"December kasi ako, ikaw? November ka 'di ba?"

"Tanga, July 28 ako! Ang layo ng July sa November, ha! Hindi ko alam zodiac ko, hindi naman ako mahilig sa gan'yan."

"Weh!? Akala ko November. Hala, e'di Leo ka! No wonder medyo vibes tayo."

Iyon ang usapan na kanina ko pa naririnig sa klase namin. Natawa pa ako nang makita ang excitement sa mata ni Alexa, na mukhang kanina pa nababagot sa paghihintay ng pagdating ko.

"Ano pinag-uusapan nila?" tanong ko sa kaniya, malamang ay nakikinig naman ang isang 'to. Active 'to pagdating sa usapang zodiac signs e.

"Mercury retrograde! Beh, alam mo tama sila. Kasalanan ng mercury retrograde kung bakit ganito kagulo love life ko ngayon!"

Litong-lito naman ako sa gusto niyang sabihin. Ngayon ko lang kasi narinig ang salitang binanggit niya.

"Mercury ano? Retogade? Ano 'yon!?"

"Besh, mercury retrograde. Iyong planet mercury nag mo-move siya in opposite direction, basta I can't explain! Panoorin mo nalang 'to."

Nag-search siya sa YouTube about Mercury Retrograde. After a minute of a girl explaining everything she knows, wala naman akong naintindihan!

"Basically kapag mercury retrograde, lahat ng bagay ay parang may mali, you are messed up, fucked up, miscommunicated, lahat na! Gano'n," paliwanag ni Alexa.

"Ahh, anong signs daw ang mga affected?" tanong ko.

"Leo! Hindi naman nawawala ang sign ko sa tanginang retrograde na 'yan! Leo, Scorpio, Taurus, hindi ko na maalala yung iba!" singhal niya. Galit na galit na sinisisi ang Mercury Retrograde sa pangit na nangyayari sa kaniya.

"Psychology major na naniniwala sa astrology!" suway ng boses ng isang lalaki mula sa likuran namin, "Barnum effect 'yan."

Pumalakpak ako at ngumiti, "Galing mo, Asi!"

"Talaga," hambog niyang sagot.

"So, dine-debunk mo ba ang tungkol sa astrology?" tanong ko kay Asi.

"Luh! Pare-pareho naman tayo na Psychology ang pinag-aaralan," singit ni Alexa, na may matinding pabirong paniniwala tungkol sa astrology.

"Interesting ang astrology but not to the point na ine-evaluate mo na pagkatao ng isang tao o pagkatao mo base lang sa zodiac signs." Naupo si Asiel sa seat niya, katabi ko bago pinaikot sa kamay niya ang ballpen na kanina niya pang hawak.

"Tama pero ginagamit rin naman ang zodiac signs sa pag measure ng personality," katuwiran pa ni Alexa, "Pseudoscience nga lang. Hahaha."

"Ikaw na rin nagsabi, kini-consider 'yan as pseudoscientific. Kaya reminder lang, hindi personality ang zodiac signs," Asi added, he is laughing.

"As a Virgo, I agree!" tawa ko.

Mas lalo akong natawa kasi napunta naman kami sa usapan na "Evil eye" nang mapansin ni Alexa ang kaklase naming babae na may suot na gano'ng kwintas.

"Protection 'yan," sagot ni Gia, classmate namin.

If I'm gonna judge her, malayong-malayo ang style niya sa karamihan ng mga blockmate namin. Iyong fashion statement niya kasi grabe lalo na kapag wash day, magsusuot siya ng either too dark or bright colors ng damit. She's a bisexual and we have nothing against her sexuality pero sa fashion niya, madalas kong naririnig ang puna ng mga nakakasama ko.

"Bakit kaya naturingan tayong Kristyanong bansa e, ang hihilig ng pinoy maniwala sa karma, astrology, at iyan, evil eye?" sunod na angil ng kaklase namin, si Janrei. "Hindi ba't bawal sa bible 'yan?" dugtong pa nito.

Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now