Chapter 03

15 5 2
                                    

Lunch break, nandito kami sa Wellness building kung saan located ang office ng Supreme Psychology Students Association o kilala bilang Supreme Psych. Tulad ng napag-usapan, we are all invited sa birthday celebration ni Theta, ang aming VP-internal.

Kami-kami lang rin naman mga officers at members ang narito, susunod nalang raw mamaya ang aming professor-supervisor dahil may klase pa ito.

Medyo marami siyang handa kaya naman nagsimula na nga ang kantahan para sa kaniya, at habang kinakantahan siya ng birthday song, napansin ko ang incoming president namin na nakatayo lang sa pinakalikod habang naka-cross arms, walang iba kun'di si Kyden.

Agad na nagtama ang tingin naming dalawa pero mabilis akong nakaiwas. Mamaya isipin pa niyang tnititigan ko siya!

"Happy birthday, Theta! We love you!" they greeted in chorus. Usually, these people are the closest to her.

"Thank you, guys! I really appreciate all of you. Salamat pinagbigyan niyo ko ng oras para makasama kayo," she said, almost in teary eyes.

Lumapit siya kay Kyden, tumayo sa harap nito at marahan ni-pat ang ulo nito. She smiled after doing that. Napaiwas ako muli ng tingin.

"Thank you, pres! Hindi ko akalain na mag-aabala ka pa para dito," she said in a low and calm voice.

Hindi naman na umimik si Kyden doon. Nagsimula na nga rin ang kainan, pero atat na atat na nga akong umalis agad sa lugar na 'to. Expected ko naman si Kyden na narito pero hindi ko ine-expect yung tulad ng nakita at narinig ko sa kanila ni Theta.

Napairap nalang ako sa kawalan. Nang lumabas ako ng room, nahabol ako ng tingin ni Theta. Akala niya siguro ay aalis na ako.

"Sa'n ka punta?"

"Cr lang," maikling sagot ko.

"Sabay ako," humawak siya sa balikat ko at ngumiti. Sandali siyang nagpaalam sa mga kasama namin.

Habang naglalakad e, natanong niya ako kung ano ang plano ko sa buhay after graduation. Fourth year na kami at ilang buwan nalang ay g-graduate na kami pero wala pa rin sa isip ko ang tungkol doon. Alam ko naman kung ano ang gusto ko.

"Wala pa akong naisip sa ngayon, basta ayaw ko lang maging alipin ng corporate habang buhay," sagot ko bago tumawa.

"Pareho pala tayo, wala pa rin akong naisip. Baka sa business na rin bagsak ko after nito."

"Bakit? P'wede bang itanong kung ano hanap buhay niyo ng family mo?" I asked.

"May business kami, tattoo and piercing shop. Mayroon na kaming dalawang branch, sa Laguna and dito lang sa atin. Hindi ko lang talaga nakikita sarili ko na nag wo-work industrial," sgot niya habang hinagod ng kaniyang daliri ang maganda at mahaba niyang buhok.

"At least mayroon naman kayong business ng family mo e. For sure, you love what you do."

"Oo, nakakatuwa nga kasi may mga customers talaga na random lang 'yong trip sa tatts. Parang bahala na daw artist gano'n. I make cute designs especially sa girl clients. So, nakakatuwa naman din," she added, I smiled the way na i-express niya 'yong nafe-feel niya. It's genuine and pure.

Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now