Chapter 10

18 3 0
                                    

"We need to tell them about that," saad ni Asiel pero umiling ako at nagmakaawa dahil sa takot.

I need to protect Alexa, I have these thoughts that I need to consult it first to her bago ipaalam sa iba but my conscience told me otherwise. This is also for her, para malaman kung may epekto ba ang nainom niyang alak sa naranasan niyang auditory hallucinations.

Kaharap namin ngayon ang aming Dean at sina ma'am Max. Asiel told them that I have something to confess.

Marahan akong lumapit sa kanila, magkahawak ang dalawang palad ko at tila natitiklop ang mga tuhod kong humarap.

"Uminom po kasi si Alexa, may dala siyang tumbler. Akala ko noong una binibiro niya lang ako na alak laman no'n, pero totoo po pala. Sorry po, pasensya na kayo talaga hindi ko sinabi agad.." I cried, "Natakot kasi ako na baka mapagalitan si Alexa dahil papasok siya ng nakainom. Sorry, sir. Sorry, ma'am." paulit-ulit kong sambit.

Niyakap ako ni ma'am Max, "Shh. Hindi mo kasalanan, 'wag ka mag sorry. Ano ka ba?" she comforted me with a smile.

"Mali ko po kasi hindi ko siniguro kaya hindi ko siya napigilan. Kung may ginawa lang po sana ako tungkol doon, malamang ay hindi na aabot pa sa ganito. Sana pinigilan ko pa rin siya kahit magalit siya."

"It's okay, it's not your fault," saad ni sir, ang Dean namin. Mas lalo akong nalungkot, nahiya, at natakot, "that's her choice, kahit pigilan mo siya. Kung gusto niya talaga, she would do it."

"Hindi natin hawak ang isip niya, Hina. 'Wag mo sisihin sarili mo. We're glad na kasama kaniya. You're so brave for telling us about this matter, okay?"

Sorry, Alexa. I didn't want to do this but I have to. I value our friendship that's why I'm doing what is good for you.

Bumalik kami sa Guidance office, doon nag-usap sila ma'am Max at ma'am Alys if there are chances na ang mild hallucination ni Alexa ay dahil sa alak. Sa ikalawang balik ni ma'am Maxine, umiling siya sa amin.

"Alcohol doesn't cause hallucinations, especially if she only have litte consumption. But chronic alcohol consumption can result different psychoses," paliwanag ni ma'am. "Tinanong at na-confirm ko na kay Dean at sa Univ Doctor," dagdag pa niya.

Inaalala ko 'yong mga napag-aralan namin sa Abnormal Psychology, hindi naman gano'n karami ang na-consume niyang alak para mag cause agad ng hallucination. Ang bigat ng puso ko, sana maging maayos na ang lahat.

Dumating na ang guardian ni Alexa, pinsan niya ang pumunta para sunduin siya. Hindi nga kami kinausap kung ano nangyari, nung makalabas na si Alexa ay p'wede na rin kami umuwi pero lumapit ako kay ma'am Max.

"Ma'am, ano pong lagay niya kanina?" I asked. I already calmed myself pero nate-tense pa rin ako everytime na magpapakita si ma'am tapos seryoso ang kaniyang mukha.

"Nakainom nga raw siya bago pumasok, her cousin confirmed it, 'yong guardian niya na pumunta kanina," paliwanag niya. Naguluhan ako. Hindi ko alam na nakainom na pala si Alexa bago pa kami magkita kanina. Ibig sabihin kaya gano'n siya ka-hype ay dahil sa epekto ng alak?

"What about her bruises po?"

"She told us na gawa iyon nang bumagsak ang gitara niya mula sa kisame. Nadaganan siya."

"And cuts?" sunod kong tanong.

Humawak si ma'am sa balikat ko, "Her cuts are still fresh. Malaki ang tyansa na nagtangka nga siya."


As soon as I heard those words, awtomatikong umagos ang luha ko. Bakit nangyayari 'to? Hindi ko alam na may mabigat na pala siyang pinagdadaanan.

Bawat PiyesaWhere stories live. Discover now