Chapter 14: Chance

Start from the beginning
                                    

"I know you'll say that." Natatawa niyang sabi. Alam naman pala niya eh. "Pero it will not change the fact that I like you. Pwede naman siguro 'yon 'di ba? 'Yong gustuhin kita kahit hindi mo ako ginugusto."

Hindi ako bato para walang maramdaman sa sinabi niya. Naramdaman kong nag init ang mga pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin sakanya I can't help to be so tensed.

"It's up to you. It's not your thing, you're not used to it. Kailan ka pa ba naghabol sa isang babae? Eh 'di ba, ikaw palagi ang hinahabol nila." Sagot ko.

"Ngayon lang naman ako nag kaganito.. sayo." What he said makes me blush a little.

Whatever he's doing it's damn working. But no, I can't fall for him. "Friends, remember?" Paalala ko sakanya.

"Yes we are but you can't forced me not to like you. Hindi naman kita pipilitin. We can just be friends if you really want. If you don't like me that's fine but just allow me to like you and be by your side even just a friend."

Natigilan ako. I can't believe he can do that. Ang layo sa personality niya para magtitiis sa isang babae. He always gets what he want. I'm doubting he's feelings toward me but sometimes I can't help to believe him.

"Bahala ka, all I know is we're friends and that's it." Sambit ko. Ngumiti siya pero alam ko may lungkot sa mga ngiti na 'yon. I feel bad about it. Even if he's a jerk, he's completely good to me.

"Yes, friend." Tumawa siya habang hindi niya pa din inaalis ang tingin niya sakin. Nawala din agad 'yong ngiti sa mukha niya at naging seryoso siya. "Alam mo, ngayon lang ako na reject ng isang babae. Masakit pala specially the girl who rejected me is the girl I like the most."

I can feel his pain. Did he consider that as a rejection? Sabagay, I think wala kahit ni isang babae ang humindi sakanya sa kahit anong bagay.

"Caleb, I'm sorry--" pinutol niya agad ang sasabihin ko.

"Don't be sorry. It's not your fault you don't like me. Ikaw na siguro 'yong karma ko." Pinilit niyang ngumiti. "Hindi lang ako handa sa pagdating mo."

Medyo nagiging awkward na 'yong usapan namin. Siguro dahil hindi ako sanay na nakikita kong ganito si Caleb.

"There you are!" Sigaw ng isang babae. Paglingon ko sakanya, nanlaki ang mata ko. "Hi Angel!" Lumapit siya sa amin pero natigilan siya ng makita niya si Caleb. "Caleb?"

"Ailee?" Sagot ni Caleb. Pareho akong napatingin sakanila. "Kilala mo si Angel?" Sabay nila akong tinignan.

"I just met her awhile ago. Is she your girlfriend?"

Tinignan ulit ako ni Caleb. "No, she's just my friend." I can see the sadness in his eyes.

"Wow, may girl friend ka na pala, as in babae na kaibigan." Umupo siya sa ni Caleb. "Akala ko kasi lahat ng babae nagiging syota mo, well except kay ate." Sambit niya.

"So hindi kita kaibigan?" Sagot niya. Umakto pa siyang parang nasasaktan siya. "After all, you're not even considering me as your friend?"

"OA mo, oo na friend na kita." Pinagmasdan ko silang dalawa. Mukhang close naman sila. "Paano mo pala nakilala 'to si Caleb, Angel?" Tanong niya.

"Classmate ko siya." Sagot ko.

"Paano naman kayo nagkakilala kanina ni Angel?" Singit ni Caleb pagkatapos tumingin siya sakin. "Kaya ka ba late kanina dahil kay Ailee?"

"Uhm.." Tinignan ko si Ailee at hinihintay din niya ang isasagot ko. "Actually nakasabay ko sa bus si Ailee pagkatapos nakita ko siya na pinagtutulungan ng mga lalaking kasabay namin sa bus kaya tinulungan ko siya."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now