Hindi ko na siya pinansin sa halip ay sinimulan ko na agad kumain dahilan para mas lalo siyang matawa bago niya napag-isipang magpatuloy sa pagkain. My nonchalant boyfriend can be talkative sometimes!

Matapos ang ilang subo ay nahagip ng mug na nasa harapan ng plato ko ang aking attention. The bittersweet scent wafting from the steaming beverage aroused my appetite. Its creamy and rich texture immediately enveloped my mouth upon taking a sip of it.

"I decided to just mix the two since you didn't know what to choose."

Sebastian commented as I gently blew on the remaining drink that he prepared for me. The taste was so satisfying and I couldn't get enough of it, I wish I could drink this every morning.

"This is so good, love." I gave him my honest opinion about the drink. "You could be a barista!" A giggle escaped my lips.

Napangiti naman siya dahil sa narinig, nakahalukipkip na ngayon sa harapan ko. "Thanks, baby. I think I learned from the part time job I took back when we were in senior highschool."

Napatango-tango naman ako dahil doon ngunit agad akong napatigil nang may maalala ako dahil sa sinabi niya. Napaawang ang kaniyang bibig nang mapansin niya ang pagkunot ng noo ko habang nakatingin sa kaniya.

"Baste! Nandito ka na pala anak. Saan ka ba nanggaling?"

"Diyan lang sa tabi, mom."

"Ay sus. Baka naman nakipagdate ka lang sa girlfriend mo ha? Baka mamaya 'di ka na nagsasabi sa'kin!"

Wala naman siyang sinasabi sa mga kaibigan namin e...

But what if meron?

Agad naman akong napaiwas ng tingin nang bigla niyang salubungin ang mga mata ko. My God, sana hindi halatang hinihintay ko ang sagot niya!

"Yes I did. What's wrong with that? I'm 18."

Napakurap-kurap si Sebastian sa'kin nang matahimik ako ng ilang segundo. "W-what with that stare, baby? You're scaring me..."

Now that I think of it, why did he lie about having a girlfriend that time? Alam niya bang crush ko na siya noong panahong iyon kaya sinadya niyang sabihin iyon para masaktan ako? O may iba pang dahilan? I suddenly remember how fuming mad... and hurt I was that time tuloy! I was so young, I didn't know how to properly handle the pain of rejection kasi parang nareject ako kahit hindi naman ako nagconfess sa kaniya. It was my first ever rejection without confessing anything at all, it was one of the darkest moments I had as a teenager!

Napairap tuloy ako ng wala aa oras kay Sebastian na halatang gulong-gulo na ngayon dahil mukhang hindi niya mabasa ang iniisip ko. "I hate you, you meanie." Mataray kong sambit sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain nang hindi siya pinapansin.

Sebastian scoffed as if he couldn't believe that I'm showing him my attitude right now when I was literally just smiling and all lovey-dovey few minutes earlier! "Women and their mood swings." Umiiling-iling na sambit niya at tsaka tumayo sa kaniyang upuan para tabihan ako.

Agad naman akong umurong palayo sa kaniya matapos niyang umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko ngunit hinila niya lang ang upuan ko pabalik sa kaniyang tabi ng walang kahirap-hirap. Talaga naman, oh!

"What now?" Mataray na tanong ko sa kaniya habang nakakibit-balikat. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang mas lalo lamang lumawak ang ngiti sa mga labi niya nang hindi inaalis ang kaniyang paningin sa'kin, halatang tuwang-tuwa pa sa nakikita niya!

"Galit na galit si mochi, oh." Nagpipigil ng tawa niyang sambit.

Mochi? Ano 'yon? Naging girlfriend niya lang ako, now he has the audacity to call me names? What the hell?!

LOVE IS WAR(M).Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ