31

301 48 7
                                    

Laurice.

Tila saglit na natulala ang mga kaibigan ko matapos kong linawin sa kanila kung ano talaga ang pinagsamahan namin ni Sebastian noon at kung bakit kami nagkahiwalay. Sebastian agreed to tell them about our past because according to him, my friends deserve to know lalo na't para na rin kaming magkakapatid kung magturingan. Sebastian just stayed beside me the whole time I explained everything to them to support me, sometimes he would even nod his head while I'm speaking.

"Damn, so the two of you were exes all this time?" It was Lucas who asked this time.

"Yes, we were exes." Tugon ko kay Lucas. "And Kyle knew about it too." Pag-amin ko pa dahilan para sabay-sabay silang mapalingon kay Kyle. Napahawak naman siya sa kaniyang dibdib at pinanlakihan niya ako ng mga mata.

"O-oh? Bakit parang kasalanan ko?!" Bigla niyang sambit nang dahil sa talim ng mga tingin na inukol sa kaniya ng mga kaibigan namin dahilan para matawa ako. Napaayos siya ng upo at napatikhim bago magsalita ulit

"Gusto ko lang naman respetuhin ang privacy ni Lori." Dagdag niya pa.

"Yes, it's not his fault guys. Sadyang hindi lang talaga ako kumportableng malaman niyo ang tungkol doon so I pretended like I didn't know Sebastian." Paglilinaw ko pa sa kanila. "I hope you understand."

Napabuntong hininga naman si Veronica samantalang nanatiling nakatingin lang sa'kin si Alli, and for an unknown reason, suspicion was evident in her eyes like she's trying to read me. Kanina ko pa napapansing parang may gusto siyang sabihin pero mukhang hindi niya pa alam kung paano.

"Of course we understand, Lori." Napatayo si Veronica at tumabi sa akin sa bakanteng pwesto sa kabilang side ko. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa magkabila kong balikat at hinawakan ang mga iyon ng mahigpit.

"I'm sorry the two of you went through that, hindi niyo deserve 'yon." She sounded so sincere like what they've just found out is no longer a big deal anymore. Tumingin din siya kay Sebastian habang habang tumatango at bakas ang awa sa kaniyang mga mata.

"It's a good thing the both of you are trying to work things out again." Sambit naman ni Lucas at tsaka inabot ang balikat ni Sebastian mula sa kinauupuan niya para tapikin iyon.

"Your relationship didn't deserve to end just because of those people." Dagdag pa niya. Napatango-tango naman si Sebastian sa kaniya at bahagya siyang nginitian sabay tapik sa kamay ni Lucas na nasa balikat niya.

I can't help but feel emotional at the sight. Natutuwa akong naintindihan nila agad ang dahilan kung bakit ko nagawang ilihim sa kanila ang nakaraan namin ni Sebastian. I thought they would get mad at me, I thought they would despise me for keeping things from them, I thought they would hate me for pretending that I didn't know him while they were so hyped pairing him up with me.

Ngayon, hindi ko tuloy mapigilang isipin na what if baka naintindihan din ako kaagad ng mga kaibigan naming dalawa ni Sebastian noon? What if nagpaliwanag muna ako sa kanila bago ko sila iwan nang hindi man lang nagpapaalam? Could've things went differently? Nag-uusap pa rin kaya kami ngayon kung iyon ang ginawa ko?

Tila bigla akong natauhan nang biglang pumalakpak si Alliana sa harapan namin habang umiiling-iling, like she just discovered a crucial information that she wasn't supposed to know.

"Let me guess," She paused for a while habang hindi inaalis ang naniningkit niyang mga mata sa'kin. "He's also the UBER that has been picking you up since Monday.

I choked when Alli emphasized the 'uber' word. She didn't have to do that! Nag-aalangang napatingin tuloy ako kay Sebastian at nang salubungin niya ang paningin ko ay napataas ang kaniyang mga kilay na parang may naalala siya noong gabing iyon dahilan upang mapangiti ako ng hilaw.

LOVE IS WAR(M).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon