26

300 50 6
                                    

Laurice.

I hurriedly took a shower so I can go to the restaurant and speak with mommy. Naiinis na nakatitig ako sa band-aid na ipinadikit ko sa pader ng cr sa kwarto ko the whole time I showered. It was him who put that band-aid on the small wound that I got on my finger. Naiinis na tinapon ko iyon sa trash can sa banyo matapos kong maligo.

Dahil sa pagmamadali ay nagdrive nalang din ako papunta sa restaurant ni mommy kahit na pwede ko naman sana itong lakarin. I have to talk to her as soon as possible. I don't get the reason why she allowed that man to stay with us while he's in New York.

"Good morning. Where's mommy?" Tanong ko sa isang staff na nakasalubong ko pagpasok ko.

"Nasa rooftop po, ma'am Laurice."

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tsaka dumiretso na sa daan papunta ng rooftop. Pagkabukas ko ng pinto roon ay bumungad si mommy na humihigop ng sabaw mula sa mangkok na hawak niya. Mukhang napansin niyang may dumating kaya napalingon siya sa direksyon ko.

Agad na lumiwanag ang kaniyang mukha nang makita ako. "Anak, napabisita ka? Tara kain dito!" Masiglang sambit niya na parang natutuwa siyang makita ako rito sa restaurant. Iniurong pa ni mommy ang iilang pagkaing hindi niya pa napapakealaman sa bakanteng space ng mesa na nasa harapan niya.

Tahimik na naupo ako sa harap niya at napatitig lang sa mga pagkaing nakahain sa harapan ko. "Lori, is there something wrong?" Tanong ni mommy sa'kin nang mapansing tahimik ako.

Salubong ang kilay na napatingin ako kay mommy. "Of course, there is something wrong mommy. Why is Sebastian Alejandre in our house?" Diretso kong tanong sa kaniya.

Sandali namang napaawang ang bibig ni mommy na parang inaasahan na niyang itatanong ko sa kaniya iyon pero hindi niya inaasahang magagalit ako.

"Anak, hayaan mo na. I was the one who offered him to stay with us. He has nowhere to stay and the daily rent at his hotel is too expensive. Hindi rin naman siya pwedeng mag apartment dahil pangmatagalan ang kontrata roon. He'll only be here for a month." Hinayaan kong mag-explain si mommy pero malalim pa rin ang paghinga ko dahil sa inis.

"Are you aware that he's the CEO of Villafuerte Real Estates, mommy? He's filthy rich. He can afford the daily rent of the hotels here for sure." Paalala ko kay mommy just in case she forgot. Medyo tumataas na rin ang boses ko ngayon ngunit nanatiling kalmado ang aura ni mommy.

"I am aware sweetheart, but that's too impractical. We should help people whenever we can." She softly said.

Napabuntong-hininga nalang ako. What do I expect? She is too selfless. Alam kong hindi ko na mababago ang desisyon niya lalo na't naroon na ang lalaking iyon sa bahay namin. Pero may nakakalimutan yata si mommy.

Malalim ang paghingang napatingin ulit ako kay mommy na hindi man lang nagbago ang magaan na expression sa mukha niya mula kanina. Ayaw ko sanang sabihin ito pero wala akong choice.

"Mommy, have you forgotten? Anak siya ng kabit ni daddy!" Nagngingitngit na sambit ko. Even speaking those very words hurt me for an unknown reason. Naramdaman ko ang unti-unting paghapdi ng mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Muling naaalala ang sakit ng kahapon.

Napabuntong-hininga si mommy habang nakatingin sa'kin. Ilang segundo rin siyang naging tahimik na parang may epekto sa kaniya ang sinabi ko. Akala ko ay nagalit siya sa'kin dahil sa sinabi ko ngunit napaawang ang bibig ko nang tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan. She placed her chair beside me and sat there afterwards. Inilagay niya ang kaniyang palad sa likod ko habang nakatingin siya sa'kin na parang nahihirapan siya para sa'kin.

"Anak, you left your life back in the Philippines dahil sa'min ng daddy mo. Walang araw na hindi ko pinagsisisihan 'yon. You had a beautiful life back in the Philippines. You were the top of your class, you had friends who loved you, you were supposed to attend your dream school. Your life was almost perfect, Lori." Sunod-sunod na wika ni mommy. I noticed how tears formed around the corner of her eyes while she was looking at me.

LOVE IS WAR(M).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon