Level 41 [Pay back]

23K 497 114
                                    

Jane's POV

"Yu..Yun ba talaga ang magiging buhay ko?" Sabi ko sa babaeng kaharap ko ngayon. Ang Jane ng hinaharap, oo, sarili ko ang kaharap ko ngayon. Sarili ko...

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko... Nakita ko mismo ang hinaharap, ang lahat... Lahat lahat ng sinasabi niya, malinaw na nakita ito ng dalawang mata ko. Hindi ko maipalawanag ang sakit na naramdaman ko... Ganun ba talaga kalungkot ang hinaharap ko? Ganun ba talaga ang magiging buhay ko kung hindi ako napasok sa mundong ito? Kung wala si Key? Kung di ko siya nakilala?


"Oo, yun ang naging kapalaran ko, at magiging kapalaran mo, Jane." Diretsahan niyang sabi sa akin.

Pinunasan ko muna ang mga mata ko, sabay tayo. Humarap ako sa kanya, ang babaeng nasa harapan ko, mahirap paniwalaan na ako ay siya, siya ay ako, iisa lang kami. Ako ang batang Jane, siya ang matandang Jane. Imposible pero posible.

"Kung ganun, para saan pa ang LPO? Kung ganun din naman pala ang mangyayari sa buhay ko pagkatapos ng larong ito?!"Sabi ko.

"Jane, binago ko na ang kapalaran mo." Lumapit siya sa akin, sabay hawak ng dalawang kamay ko, pinagdikit niya ito at muli siyang tumingin sa akin, halata sa mga mata niya na malapit na siyang umiyak.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita...

"Nasa sa iyo na lang ang desisyon kung babaguhin mo tuluyan ang kapalaran mo o hahayaan mo na lang mangyari ang dapat mangyari... Hanggang dito na lang" Tumalikod na siya sa akin, pero agad ko siyang pinigilan.

"Sa..Saglit lang!" Lumapit ako kaagad sa kanya, hinawakan ko yung magkabilang braso niya.

"Pa..Paano si Key? Hindi ba siya pwedeng maging totoo? Character lang ba talaga siya sa LPO?"

"Ang Love Plus Online, ay isang laro lang, isang virtual world na binubuo ng mga codes, laro ito sa hinaharap... At mananatili itong laro at virtual world, I'm sorry, imposibleng mangyari yang sinasabi mo"

"Anong imposible? Imposibleng maging totoo si Key?! Kung nagawa mo ngang magtime travel bakit hindi mo kayang buhayin si Key?! Sagutin mo ko! Para saan pa ang pagtuturo mo sa akin kung paano magmahal kung yung taong mismong minahal ko, hindi naman talaga totoo..."

"Ang pagbago lang ng kapalaran ang kaya ko, pero ang pagbuhay sa isang bagay na wala namang buhay, napakaimposible nun. Hindi ako Diyos para gawin yun, siya lamang ang nasa itaas ang may kayang magbigay ng buhay sa tao"

Lumuhod ako sa harapan niya, hindi ko na napigilan ang buhos ng luha ko, nanginginig na rin ang boses ko dala ng pag-iyak.

"Alam ko! Pero... Ba..bakit... Alam mo naman ata kung gaano ko kamahal si Key... Alam mo naman yun diba? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito... Ngayon lang, para san pa?! Para saan pa?! Sige na naman oh, buhayin mo si Key, gawin mo siyang totoo.. Nakikiusap ako sayo, gawin mo siyang totoo"

"Huwag kang lumuhod sa akin" Hinila niya ako patayo, pero pilit pa rin akong lumuluhod sa kanya.

"Sige na naman oh! Sige na! Pagbigyan mo na ako! Buhayin mo lang si Key... Buhayin mo lang siya... Sige na, kahit gaano pa kahirap yan, kahit sobrang sakit pa ng kapalit, handa akong pagbayaran yun, Jane ng hinaharap, buhayin mo si Key"

Hindi siya nagsalita, tinignan niya lang ako, tumingin ako sa kanya, sabay inulit ang pakikiusap na buhayin si Key. Hanggang sa hindi na ako makapagsalita dahil sa kakaiyak.

"Si..sige na naman oh?"

"Jane" Lumuhod din siya para magkapantay kami. Nakita kong umiiyak na rin siya, pinunasan niya yung mga mata ko at sabay turo ng dibdib ko.

Online BoyfriendWhere stories live. Discover now