Level 34 [Time To Think]

27.9K 405 65
                                    

Jane's POV


Unti-unti kong minulat ang mga mata ko... 8:43 AM na pala. Bumangon ako, nag-unat unti sabay tayo na din. Hindi ako nakapasok ngayon, dahilan? Ayoko.

Ayoko lang, hindi din naman kasi ako nakatulog ng maayos kagabi, kakaisip tungkol sa mga bagay na sobrang komplikado. Level 18... Ang hirap naman neto oh! Wala akong kaide-idea kung hanggang saan lang ang LPO. Paano ko mapaghahandaan ang pagtapos ng larong ito?

Para tuloy ayoko ng labanan si Sachz Na. Mas mabuti pang matalo at umulit ng game, basta kapiling ko lang si Key... Pero kung gagawin ko yun, paano naman kami ni Liam? Paano naman ang buhay namin sa tunay na mundo? Ang mga oras na ginugugol namin sa mundong ito, diba dapat sa real world namin yun ginagamit?

Ano na nga ba ang nangyari sa katawang lupa namin? Buhay pa ba kami? Coma? Lintik na! Wala akong sagot niisa sa mga tanong na ito. Kung papipiliin ako ng mundo, eto ang pipiliin ko. Pero hindi yun pwede. Sabihin niyo nang nababaliw na ako pero try niyo kayang lumugar sa pwesto ko ngayon, mahirap. Ang hirap.

Alam kong hindi totoo si Key, alam kong ako lang ang gumawa sa kanya, pero iba kasi siya. At ang tanga ko lang dahil minahal ko siya kahit alam kong hindi siya totoo. Para lang akong nagmahal ng isang fictional character sa isang wattpad story. Ang hirap!

Doorbell*

Bago ko buksan ang pintuan ko, naghilamos muna ako para kahit papaano ay mabawasan ang pamamaga ng mga mata ko sa kakaiyak kagabi at ngayon.

Hindi ko na sinilip kung sino ang nagdoorbell, binuksan ko na lang kaagad ang pintuan at ang ineexpect ko na tao ay hindi siya... Expected ko si Key pero si Liam lang pala.

"Bakit hindi ka pumasok?!" Sigaw niya sa akin.

"Bakit hindi ka din pumasok?" Sagot ko sa kanya.

"Naah~ Papasukin mo na lang ako, baka mamaya makita pa ako ng tito o tita ko na hindi ako pumasok, patay ako sa nanay ko niyan" Sabay diretso sa loob ng bahay ko.

Ang kapal talaga ng mukha neto oh >.<

Pagpasok ni Liam, sumalubong kaagad sa kanya ang sobrang kalat kong apartment. Mukhang nadismaya siya sa nakita niyang dumpsite. Pinatong niya muna ang bag niya sa lamesa sabay... Tanggal ng polo niya at sampay nito sa sofa O.o

"Hoy! Anong ginagawa mo?!" Sita ko sa kanya. Eh shirtless na kaya siya! Tinanggal niya pati sando niya! O.o he's half naked!

"Ahh... Huwag ka ngang assumera. Naghubad lang ako, ang init kaya at saka pasalamat ka nga tutulungan kitang magligpit ng kalat mo." Habang iniisa-isa niya ng ayusin ang mga gamit ko.

Pansin ko lang, parang dati hindi nga kami halos nag-uusap nito ni Liam. Sabi nila Aly (In real world) Itong si Liam may lihim na pagtingin DAW sa akin. Hahaha, ayokong maniwala kasi imposible naman eh. Kahit pa every morning siyang nagGogood Morning sa akin pag pumapasok ako ng classroom, pakiramdam ko parang wala lang. A normal greeting lang sa isang classmate yun.

Ayoko kasing mag-assume na may gusto siya sa akin. Why? Ayokong umasa. Mahirap kasi yun, natatakot lang siguro akong ma-fall kay Liam... Ewan, siguro takot lang akong magmahal, hindi ready o sadyang hindi pa ako sigurado.

Oo nga no, bakit kaya di ako naglakas loob labasan ng KALAN itong si Liam? Well, kasi naman akala ko isang panaginip lang yung kay Key, na totoo na pala siya, na inenjoy ko kasi malay mo biglang mawala siya, pero di ko napansin, habang tumatagal nain-in love na pala talaga ako kay Key.

True love ba talaga itong nararamdaman ko? Ewan. Basta alam ko mahal ko siya, hindi ko maexplain pasensya na.

"Oh? Anong tini-tingin tingin mo diyan? Wala kang balak magpunas o magwalis man lang?"Nahuli ako ni Liam na nakatitig sa kanya.

Online BoyfriendWhere stories live. Discover now