Level 7 [He's ALIVE]

55.4K 1.1K 143
                                    

===Online Boyfriend===

Jane's POV

"Nyaaah~"

Napahawak ako sa ulo ko kasi ang sakit. parang may pumalo sa ulo ko, naaninag ko mula sa bintana ko na pasikat na yung araw... Teka bakit ang gulo ata nung kwarto ko? O.o

Agad akong tumayo mula sa sahig, at paano naman ako napunta sa sahig? -_- Weird... Paglibot ng mata ko sa buong kwarto, nagkalat yung mga gamit ko. Shit!

Nilooban ba ako? O.o Naman >:(

Hindi siguro nalock ni Aly, pero pagtingin ko sa pintuan, nakalock naman. Time check, 5:18 AM

Teka, ano bang nangyari? -__-

*FLASHBACK*

Nagbukas ako ng PC para maglaro ng LPO, then nagbrown out tapos kumidlat ng malakas~

-_- Imposible naman na tinamaan ako ng kidlat. Hayy Ewan, maglilinis na lang ako.

Dahil nga wala naman ding nawalang gamit, nilinis ko na lang yung makalat kong apartment. After kong maglinis, kumain na ako ng agahan at naligo at nag-ayos dahil may pasok pa ako...

Nakakatamad nang pumasok, sana bakasyon na lang ulit -____-

Pagkarating ko pa lang sa gate nung school namin, as usual, matatagpuan mo kaagad ang mga estudyanteng magkakaholding hands. Tumingin ako sa guard house, kaya pala, walang bantay kaya malaya nanaman ang mga kalan -__-

Pagpanik ko sa building namin, nagkukumpulan yung mga babae, pero di ko sila pinansin

"Ang gwapo nung transferee, yaay! Mahal ko na siya"

"Gaga, ako magiging girlfriend niya"

Mga babae talaga ngayon -_- Masyadong pahalata kapag kinikilig yan tuloy maraming babae ang ineeasy easy lang, kaya payo ko sa mga babae, MAGING PIHIKAN naman kayo -_- Di porket may gusto sa inyo yung lalaki, sasagutin niyo na kaagad, -__- Kilatis din, kasi mahirap ang ganyan, kahit pogi kasi sa bandang huli kapag hindi ka nakapili ng tamang taong mamahalin, ikaw ang kawawa.

Whoa ang dami ko naman atang alam tungkol sa ganun :) Anyway, wala na akong pake, kasi in love ako kay Key :) Tama nga sigurong di siya nag-eexist naku pag may taong tulad ni Key, EWAN KO NA LANG :))

Pagpasok ko nung classroom, as usual ANG GULO.

"Good Morning Jane :)"-liam

Haay, dinaig pa ni Liam yung mga teachers na paulit-ulit na naggregreet ah -_- Hindi ko na siya pinansin, sa dinami dami ba naman kasing ginawang araw ni Lord, ARAW ARAW NIYA DIN AKONG BINABATI NG GOOD MORNING. Mukha ba akong teacher? -_-

"Okay class, take your seat"

Kanina pa ako nakaupo, anyway, dahil di ko rin naman magets yung Physics na yan, mas mabuti pang makinig na lang ako ng music kaysa makinig sa teacher na di ko type pati subject niya di ko rin type.

~Headset~

Nagnap muna ako total wala naman pake yung Physics Teacher namin kung may natutulog sa klase niya eh...

Makakatulog na sana ako kaso si Aly, sinisipa yung upuan ko, tapos nagpopout siya, may tinuturo siya, pero di ko siya pinapansin, ano nanaman kaya yun?

Napansin ko yung iba kong classmates parang namangha lalo na yung mga babae, parang may KPOP sa harapan eh si sir lang naman yung nandoon. Di kaya pumogi na si sir panot? O.o

Tumingin na ako kung saan sila nakatingin at.....

"OH MY GOSH!" O________________O

"Jane, bakit ka napatayo? AT BAKIT KA NAKAHEADSET?"-sir panot

Grabe! Grabe! Guise! I NEED SOME HANGIN! I CAN'T BREATH KASI EHHHHH O.o

"Haay, pasaway na bata, so eto nga pala si Key Park, bago niyo siyang magiging classmate okay?"-sir panot

Te...ka... PAANO NANGYARI ITO? O.o Siya yun! Hindi ako nagkakamali! Si KKKKEKEEY PARK!

Fudge...

***

Sa sobrang landi ng mundo, may nagawa na palang laro na tinatawag na Love Plus Online, doon, Doon ko siya nakilala, ang so-called

boyfriend ko.

===Online Boyfriend===

VOTE AND COMMENT

Online BoyfriendWhere stories live. Discover now