Level 39 [I Am You]

24.2K 475 89
                                    

[WARNING: BE OPEN MINDED PARA MAGETS NIYO YUNG CHAPTER NA ITO, MAY PAGKA-COMPLICATED KUNG BASANG BARUBAL LANG ANG GAGAWIN NIYO. WELL,SA MGA IINTINDIHIN, MAIINTINDIHAN NIYO NAMAN ]

Jane's POV

"Si..Sino ka?!" Malakas kong sigaw sa matandang nasa harap ko ngayon... Hindi ko masasabing multo siya, pero ang creepy lang... Para siyang isang projection! Na nawawala na lumilinaw ulit. What the?! Mababaliw na ako sa nakikita ko ah!

"Jane, my dear, sa wakas nagkita na rin tayo, I'm really sorry" Sabi niya. The heck?! Kilala niya ko? 

Tumayo ako, nilapitan ko siya, sinubukang hawakan pero... Mukha ngang projection lang siya. Napaatras ako ng tumagos ang kamay ko sa kanya. Then inulit ko nanaman ang tanong ko... Ang tanong na magwawakas ng misteryo ng istoryang ito. Lumunok muna ako sabay hingang malalim at...

"Sino ka ba?" Diretsahan kong tanong sa matandang babaeng kaharap ko ngayon.

Napayuko muna ito sabay ngiti sa akin bago nito sinagot ang tanong ko.

"Ikaw ay ako, ako ay ikaw, Jane, iisa lang tayong dalawa"

Halos manghina ako sa narinig ko. Nanlaki yung ulo ko na ewan, kinilabutan ako sa narinig ko. Iisa kami? Don't tell me siya si...

"Ako ang game master ng Love Plus Online, Jane"

Napaupo ako sa sahig nung sinabi niya yun... Ang gulo! Ako.. Siya? Iisa?! Paano nangyari yun?! Ako ang may gawa nito? Ako ang gumawa ng LPO? Ako ang may gawa kay Key?! Putek! Ano ba talaga!

Lumapit siya sa akin. Umatras ako, naguguluhan ako. Bakit iisa kami? Matanda na siya, ako bata pa lang, alam kong mali ang pambabastos sa mga nakakatanda pero sa kalagayan ko ngayon, nakakaloko na!

"Layuan mo ko! Hindi kita maintindihan! Paano mo nasabing iisa lang tayo?! Imposible!" Sabi ko sa kanya.

Totoo naman eh, iisa kami? Eh lola na siya ako batang bata pa at isa pa! NAPAKAIMPOSIBLE ng mga pinagsasabi niya! Mababaliw na ako.


"Kaya nga nandito ako para ipaliwanag sayo Jane. Diba gusto mo malaman ang totoo? Alam kong mahirap maintindihan, kaya sisimulan ko lahat lahat sa umpisa."

"Ano pang ieexplain mo sa akin?! Kung talagang iisa lang tayo, bakit... Don't tell me"

"Ako ang future, ikaw ang past ko. Jane, Ginawa ko ito, para mabagao ang future, ginawa ko ito para sayo, para sa atin. Kung alam mo lang kung gaano kalungkot ang buhay ko, ayoko nang mangyari yun sayo, kaya nung nagkaroon ng chance mabago ang kapalaran natin, di na ako nagdalawang isip na kunin yun"

"Wait nga lang! Hindi kita maintindihan... Mahirap ang buhay mo? Sa tingin mo ano ang ginagawa mo sa akin? Pinahihirapan mo rin ako sa paggawa ng larong ito! Alam mo ba kung gaano kasakit ang nangyayari sa akin ngayon? Minahal ko ang character na ginawa mo!"

"Jane. Makinig ka muna sa akin' 

"Ewan ko sayo! Wala kang kwenta!"

Tumalikod ako sa kanya. Hindi ako naniniwala na iisa lang kami, imposible... Imposible naman talaga diba? At isa pa, ako ang gumawa ng LPO? Para saan? Para saktan ang sarili ko? Tae naman talaga oh!  Ano bang kalokohan ang naisip ko kung ako nga mismo ang gumawa ng Love Plus Online!

"Hindi mo kasi ako naiintindihan! Makinig ka sa akin Jane!" Hinarap ko ulit siya, pagharap ko dito bigla na lang.... 

....

Online BoyfriendKde žijí příběhy. Začni objevovat