Level 36 [Anger]

27.1K 454 83
                                    

Scarlet's POV

Hindi naman dati ganito si SachzNa, ewan ko ba. Halos hindi ko na nga siya kilala... Since nung hindi na kami nagkita dahil nga tumira na siya sa Italy, kasama ang asawa niya na si Caile (Pronounced as "Kyle")

"Ano na ba ang nangyayari sayo SachzNa?!" Malakas kong sigaw sa kanya.

Bakit hindi ka mapapasigaw eh hindi naman siya nakikinig? Umiinom lang siya ng wine niya, tapos lagay ulit, tapos inom ulit. Damn! She really irritates me whenever she acts like this!

Napaupo na lang ako sa couch. Nakakainis na siya. Hindi naman siya ganito dati ah. Sana pala nung nalaman ko yung tunay niyang plano, hindi na ako pumayag sa gusto niyang mangyari sa amin ni Key.

"Paano mo nalaman?" Aba! Biglang nagsalita. Napatayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan siya.

"You're husband told me everything. Bakit di mo man lang sinabi sa akin Sachz Na?! Alam mo ba yang pinapasok mo?"

Tumayo si Sachz Na at pumunta sa tapat ng bintana.

"Tss... Si Caile talaga... Anyway, I'm sorry Scarlet... May mga bagay na hindi naman kailangan sabihin kahit pa sa mga kaibigan"

"Sachz Na! Hindi yun ang point ko! The thing is, ipapapatay mo ang tatay at kapatid mo?! Seryoso ka ba?! Pamilya mo sila SachzNa! Mapapahamak ka lang" Lumapit ako kay Sachz Na pero umiwas ito sa akin at umupo ulit sa kanina niyang inuupuan.

"Wala ka kasing alam!"

"Then tell me! Simpleng solusyon lang, pinahihirapan mo pa."

"Key's dad, also my f*cking dad, is the one who killed my parents."

Halos nanginig yung laman ko sa narinig ko kay Sachz Na... Ang papa nila? No way! Teka... Alam ko, magpinsan sila ni Key? So it means...

"Imposible.. Magkapatid ang papa ni Key at ang papa mo, paano nangyari yun? Hindi naman yata siguro magagawa ng papa ni Key ang sinasabi mo. Sachz Na, baka kailangan mo lang ng bakasyon"

"Shut up Scarlet! Wala ka naman kasing alam eh" Napansin kong paiyak na si Sachz Na kaya nanahimik na ako.

"Hindi namin kadugo sila Key... Ampon lang ang impostor na tatay ni Key, that's why walang lukso ng dugo ang mamamagitan kung papatayin ko sila. Isa pa, ginawa na rin naman nila yung sa magulang ko, both of them die just like that! Para lang sa lintek na company na gustong solohin ng gahaman ko tatay-tatayan! And the reason why he adopt me, to gain all the things that should be mine!"

Napayuko si SachzNa pagkatapos niyang magsalita, umiiyak na siguro siya.

"Bawal yung ginawa nila ah! Paano nangyari yun? Inampon ka lang ng tatay ni Key dahil sa mamamana mo? Huh? Hindi yun pwede! So mapupunta sa kanila lahat ng iniwan ng parents mo?"

"Napunta na sa kanila Scarlet! At walang imposible kung marami kang koneksyon at marami kang pera."

"Akala ko ba anak lang sa labas ng lolo mo si Tito Dae-Ho (Tatay ni Key)?"

"Palabas lang lahat ng iyon... Si lola na mismo ang nagsabi sa akin, ampon lang si Dae-Ho. Yung hayop na yun! Pinalamon na nga ng lolo ko, pinatay pa ang tunay na anak para lang mapunta sa kanya lahat ng kayamanan ng Park... Hayop siya!"

Never ko pang nakitang nanginginig sa galit itong si Sachz Na, sa bagay kung sino naman ang nasa lugar niya, mas pipiliing patayin yung ganung klaseng tao. But, nangako ako kay Caile na tutulungan ko siya kay Sachz Na, hindi kokonsintihin, kahit naman kasi ako, nag-aalala na kay Sachz Na.

Online BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon