Level 33 [Third Flirt Evil]

28.7K 412 47
                                    

Liam's POV

Nang magrecess na, nagmadali na kaagad akong pumunta sa Gym para magpractice naman ng basketball, wala talaga kaming practice ngayon. Trip ko lang talaga magbasketball mag-isa lalo na sa mga panahong naguguluhan ako, gaya ngayon. Hindi na ako bumalik sa classroom, in short, nagcutting na ako.

Isang panibagong at ordinaryong araw nanaman para sa akin. Gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa katawang lupa namin ni Jane... Kung nasa loob kami ng misteryosong larong ito, ano nang nangyari sa mga katawan namin sa lupa? Patay na kaya kami o kaya coma lang gaya sa palabas na SAO (Sword Art Online) ?

 Ewan ko ba.

Nang mapagod na ako, nagpasya na akong huminto, total pagabi naman na. Paglabas ko ng Gym, nagulat ako ng may bumangga sa akin. Napaupo ito, umiiyak, inabot ko syempre ang kamay ko para matulungan siya, nang tumingin ito sa akin.

Magang magang mga mata ni Jane ang sumalubong sa akin... Hindi ko siya nakilala dahil nga sa magulo nitong buhok. Nang tumayo siya, niyakap niya ako ng mahigpit...

 "Ayoko pang matapos ang laro... Liam... Ayoko pa"

Jane's POV

"Ate?!" Nagulat kaming lahat ng sumigaw si Key ng ate, nagsitahimik lahat ng mga lalaking halos maglaway na sa kapatid niya, mga babaeng nagbubulungan. At ako? Eto... Parang nanonood ng palabas sa TV, ang intense ng pangyayari, paanong nakapasok sa school ang kapatid niya? Akala ko ba 3 years ang tanda nito kay Key? Meaning, mga 18 or 19 y/o na siya! Pero ano yun? Paano siya nakapasok sa school na ito?

"Oh, mahal kong kapatid..." Lumapit itong si Sachz Na kay Key... Si Key naman, hindi maipinta yung mukha... Mukhang dismayado itong nakita ang ate niya, ang iisa niyang kapatid at ang first love niya.

"Miss me?" Tanong ng ate niya habang nakahawak ang magkabilang kamay nito sa pisngi ni Key. Nakita ko kung paano siya tignan ni Key... Malungkot na masaya ang titig nito sa kapatid niya... At walang pinagkaiba kung paano niya ako tignan...

"Sana di ka na lang nagpakita!" Sabay tanggal ng mga kamay ng kanyang ate. Nagwalk out si Key. Kami naman, nakatitig lang kay Sachz Na. Walang kumibo nung una, pero pinangunahan na din ito ng adviser namin na kaperahas namin ng sitwasyon na gulat na gulat din sa nangyari.

"Okay, siguro magbreak muna tayo sa ngayon and time na din naman na" Palusot ng teacher ko.

Lahat ng classmates ko nagsilabasan na ng classroom, inaya na din ako nila Aly na sumabay na sa kanila. Pero, napahinto ako ng bigla akong pinigilan ng kapatid ni Key...

"Saglit lang miss" Sabi nito sa akin. Sinenyasan ko sila Aly na iwan na ako, susunod na lang ako.

"Ano yun?" Mahina kong tanong, medyo nahihiya pa ako sa ate ni Key.

"Girlfriend ka ba ng kapatid ko?" Straight to the point nitong tanong.

"Oo... Bakit?"

"Wala lang, just asking..." Tumalikod ito sa akin at lumabas ng kwarto, nilingon ko ito, bago siya lumabas ng classroom... Lumingon ito sa akin at...

"Wala talagang taste ang kapatid ko" She grinned. Sabay taas ng kilay at talikod.

Teka, don't tell me... Siya ang third flirt evil?! No way! Nanginig ako bigla... Bakit sa lahat pa ng mga Flirt Evil na makakalaban... Bakit ang ate pa ni Key? Eto ba yung sinasabi nila na ang pinakamahirap kalabanin ay ang pang 3rd?

Bakit kailangan pang ate ni Key? At hindi lang yun, first love niya din ito.

Mukhang mapapasubo ako dito ah... Lintik na buhay ito! Kung siya nga ang pang3rd flirt evil, talagang mahirap siyang kalabanin!

Online BoyfriendWhere stories live. Discover now