Level 23 [I'm Different]

36.9K 556 37
                                    

***Karugtong***

Liam's POV

"TIME OUT!, Liam ano ba naman klaseng laro yan! Ayusin mo nga!" Malakas na reklamo sa akin ni coach. Liam, bakit ba lumilipad yung utak mo ngayon? -_-

"Sorry"

"Tama na nga yan, umuwi na kayo hapon na rin naman, ayusin mo na laro mo Liam, malapit na laro natin, captain ka pa naman din ng basketball."

"Okay Sir"

***

"Pare, ano bang problema mo? Wala ka ata sa kondisyon ah" Sabi ni Khalil sa akin, si Khalil yung barkada ko na varsity din.

"Wala, may iniisip lang kasi ako" Sagot ko sa kanya

"Huh? Ano naman yun? May problema ka ba par?"

Ano nga ba ang pinoproblema ko? Lately kasi... Ahh oo nga pala, :/ Yung totoo? Sawi ako ngayon. Sawing-sawi. Tanga ko kasi eh... Nagpaka-torpe pa ako kay...

Jane.

Pero ang laki na nang pinagbago niya, hindi ko na nga siya kilala. Si Jane, dati simple lang siya, naka-pony tail, walang arte, mahinhin, at iba ang prinsipyo niya. Pero, lahat ng yun nabago -_- NANG DUMATING YUNG KOREANONG HILAW NA YUN :/

Yung Jane na minahal ko naging iba, ah basta! Tapos malalaman ko na lang, boyfriend niya na si yung transfer student na yun? Syet ah.

Bwiset naman talaga oh! Ang tagal tagal ko nang gusto si Jane, sana pala dati ko pa lang siya niligawan, sana pala girlfriend ko na siya ngayon.

Nakakainis, laging nasa huli ang pagsisisi...

"Liam!" Napalingon kami bigla ni Khalil sa likod namin ng biglang may tumawag sa akin.

"Oh? Aly? Bakit?" Si Aly pala, yung classmate ko, yung bestfriend ni Jane.

"Pwedeng Favor? Please T_T"

Jane's POV

Lalalala~ Ang saya ko lang talaga ngayon... Yiie, best date ever :) This date? Ibang klase, kahit di kami naglakwatsa, kahit di kami gumimik ni Key ko, the best pa rin ito :) And now, nasa bus kami pauwi na, actually, ihahatid niya ako sa bahay ko  :""> Sweet niya talaga.

"Girlfriend, gusto ko makilala family mo, nasa bahay ba sila ngayon?" Nagulat ako sa tanong ni Key kaya napalayo ako sa kanya ng unti...

"Huh? Hindi mo pa pala alam -_-"

"Alam ang alin?" Takang takang pagtatanong niya... Syet, ang kyut niya talaga pag nagtataka siya :""> Thank God I found you :">

"Yung family ko, lahat sila nasa Japan na, naiwan ako kasi nagloko yung visa ko at tatapusin ko na lang yung highschool ko dito :)"

"Huh? Paano yun? Walang ka nang kamag-anak dito?"

"Mag-isa lang ako sa bahay pero minsan pinupuntahan ako ng lola at pinsan ko :D Teka, bakit yan ang topic natin? Teka, may tatanong ako sayo Key, paa--" Naputol yung sasabihin ko nung huminto na yung bus sa kanto namin.

"Girlfriend baba na tayo" Paanyaya niya sa akin. Pinauna niya muna ako and yieeee.... Holding hands :""> Kaso binitawan ko din yung kamay niya kasi NAKITA KAMI NUNG KAPITBAHAY NAMIN -_- Baka isumbong ako kay mama, binilin pa naman din ako doon. Anyway, pumanik na rin naman kaagad ako sa apartment ko, doon kami dumaan sa left stair, dalawa kasi akyatan ng apartment ko eh, isa sa kanan at kaliwa.

"Sige, magsisix na ata Key, thankyou ahh" Pagharap ko kay Key, bigla niya naman akong sinandal sa pintuan ko.... OMEGEHD....Then sinandal niya din yung dalawang kamay niya sa pinto, so I'm super bongga trap niya na :"">

Online BoyfriendWhere stories live. Discover now