Level 24 [This Game]

36.1K 543 58
                                    

***Karugtong***

Jane's POV

Nakakainis naman, anong oras na HINDI PA DIN AKO MAKATULOG! -_- Para kasing ang daming speaker na nakapalibot sa akin at paulit-ulit yung sinasabi ni Liam sa akin T_T Bwusut naman oh! :/

Pero ano nga bang masama doon? Masyado akong bata? 4th year high school, eh yung iba nga 1st year pa lang T_T Kaso hindi din eh. Dahil nga 12:00 na, di talaga ako makatulog, pajulet julet kong naaalala yung sinabi ni Liam, at di ako makaget over, binuksan ko na lang yung PC at manunuod na lang ako ng ANIME T_T Pampawala BV, or baka Kdrama na lang, basta! Nakakaewan kasi eh.

~New Email.

Naman! Siguro Facebook nanaman itong email na ito :/ Ang tagal ko na din pala hindi chinechek yung email ko, mabuksan nga.

====== L O A D I N G ======

제인                                                                                                         Saturday

Hello! Nabasa ko yung mga emails mo sa akin, you're asking who I am, Jane, my dear, I'm really sorry, I guess, hindi pa right time para magpakilala ako sayo. Pero don't worry my dear, magpapakilala ako sayo in right time na. At alam ko maraming tanong ang nabubuo dyan sa utak mo, Jane, just keep playing Love Plus Online. Bye.


Biglang nanlaki yung mata ko nung nabasa ko yung "...just keep playing Love Plus Online"

.........

Inulit ko ulit yung pagbabasa, tae! This is damn! Don't tell me pumasok ako sa LPO?! That's imposible! Kalokohan! Ano ba namang klase ito? And... Si Key? Ano ba talaga siya?!

Hindi! Napaka imposible! Si Key? Sino ba talaga siya? Pero paano? Nakapasok ako sa mundo ng computer? Eh ano sila Aly? Si Liam? Yung magulang ko? Yung mga teachers at kaklase ko? Imposibleng nasa virtual world ako!

Damn! Ano ba talaga ang nangyayari ngayon?! And sino ba talaga itong nag-eemail sa akin... Kahit anong gawin kong pagcoconnect sa profile niya sa ym, wala eh, nawawalan ng net.

"....Just keep playing Love Plus Online"

Naging totoo si Key, si Henchelle, si nurse Paulyne, sinong next? Tapos isang weird korean name! Damn, ilang beses ko na rin sinusubukan icopy paste yung name na korean nung nag-eemail sa akin para lang malaman kung anong pangalan niya, ayaw din.

Lahat lang ba ay kasinungalingan? Ano ba talaga ang nangyayari? Do you really exist, Key?

***

Dahil nga napuyat ako, anong oras na rin akong nakapasok pero hindi ako nalate kasi dumaan ako sa likod ng school, sumabay ako sa mga pasaway na first year.

Buti na lang wala pa si sir panot, kaya magulo pa yung classroom, maingay din yung mga classmates ko nung pumasok ako.

"Girlfriend!" Malakas na tawag sa akin ni Key habang nakikipag-usap siya sa vice president ng SSG. Di ko siya pinansin, umupo na lang ako kaagad sa upuan ko. Napansin ata ni Aly na nakasimangot ako, kaya agad niya akong nilapitan.

"Oh, problema mo te?"

Kung nasa loob nga ako ng Love Plus Online, at naglalaro pa rin ako hanggang ngayon... Ibig sabihin, lahat sila ay hindi totoo! Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko...

"Huwag mo nga akong lalapitan!" Lahat sila napatahimik nung sumigaw ako, ako naman tumakbo papalabas ng classroom...

Bwiset! Laro lang pala ito, lahat ng ito, laro lang? Si Key? Lahat sila?! Lahat ba talaga sila character lang sa iisang game? Character lang ba din ako ng Love Plus Online?! Pati din ba ako? Ano ba talaga ang nangyayari?!

Online BoyfriendWhere stories live. Discover now