Dearest Anna, From Papa Erdie 💌

141 7 5
                                    

August 15, 2009

Dearest Annaliese Thalia; my little sunshine,

Pag nasa kamay mo na ang sulat na eto, wala na ako sa tabi mo. And I assume that you're grown-up enough to understand what I wrote in this piece of paper.

There is so much I wanted to say to you before I leave. Habang sinusulat ko 'to kasabay ng pagpatak ng mga luha ko, binibilang ko ang mga natitira pang oras at araw sa mundong eto hanggang sa kinumpleto ko ang aking takbuhin na binigay ng Ama.

Please, Anna hija, don't cry or be sad when you see these words I wrote. The moment sinabi sa akin ng mga doktor tungkol sa kalagayan ko, that's when I prepared for this inevitable moment of human life, more than anything else. 

Please wag mong isisi kay Daddy Eduardo o sa mga tita mo for this. Dinesisyon ko na wag na talaga ako magpagamot dahil tanggap ko na yung magiging kapalaran ko. I've fulfilled my whole life in leading the Church I love that I'll cherish and forever will protect it. At babaunin ko etong tungkulin ko hanggang kamatayan.

Alam mo, the moment you came into our family, we'll always make sure that you'll be loved and taken care of amidst the cruel world we live in - in an Iglesia Ni Cristo way. Having you in our family was the best thing that God has given to us. You light up our lives with your smiles, playful giggles, your milestones - everything! Just like God who can lighten up the darkest places on Earth. Kaya palagi kita kinakanta ng; 'You Are My Sunshine', tuwing gabi, hija.

I'll always remember your first cry, first syllable, first word, first steps, and every firsts you've made. Ikaw ang naging instrumento na magiging mabuting magulang ang mga apo ko sa magiging anak nila - balang araw. At isa eto sa palagi kong ipinagpasalamat sa Diyos, hija.

Palagi ako humihiling sa Ama na pahabain pa sana ang buhay ko, so I could see you grow into the fine young lady you are now and to witness the Church's growth - now that it reaches its 100th year soon. It's funny, but sad, to think that you've won my heart - our hearts, exactly. Only to realize that I have little -well, too little time left in this world, and you belong to another family who's waiting for you to show their immense love pagkatapos ng mahabang panahon ng pangungulila nila sa'yo.

Oo. Tama ang nababasa mo, hija. You belong to someone else's arms. You were given to us in the meantime. Darating din ang araw na babalik ka na sa bisig ng tunay mong tahanan; ang totoo mong pamilya. Alam ko magagalit ka sa kanila at sa amin at tatanungin mo na; bakit? Bakit 'di man lang namin sinabi sa'yo ng matagal na?

Ang kaya ko lang na maisagot sa mga tanong na 'yan ay eto: your true family has the keys to the answers you're looking for. Kaya, ang pakiusap ko sa'yo; sana intindihin mo rin sila. Hindi talaga nila ginusto na gawin 'to. 

Balang araw, if you're old enough to understand the situation like them - and will suffer the same problems as theirs, you might realize that wala talaga silang choice dahil ganyan ang buhay nila dati pa. They just have to deal with it - and that includes protecting you from danger; even if it means keeping you hidden from people.

Magpakatatag ka, hija. Alam ko hindi eto madali para sa'yo na tanggapin 'to. Kaya, wag ka magsasawang humiling sa Ama na patapangin pa Niya ang puso mo, bigyan ka Niya ng malawak na pag-unawa, at mahabang pasensya. Dahil ang magiging buhay mo pag nakasama mo na sila, ay ibang-iba na sa dati mong gawi. Alam ko mahirap, nakakapanibago. Pero sigurado ako - sa awa ng Diyos, na malalagpasan mo na rin 'to.

Magpahinga kung napapagod ang katawan. At pag mabigat na, lagi mong tandaan na nariyan ang Ama na handa Siyang makikinig sa mga hinanakit mo na walang paghuhusga. Kaya, hija, anoman ang mangyari, wag ka magsawang manalangin sa Ama. At wag kang matakot na ilabas ang mga saloobin at pagluha mo sa Kaniya. 

Wherever you are as of now, tuloy lang sa buhay. Anoman ang na-achieve mo ngayon— malaki o maliit, proud na proud si Papa sa'yo. At isama mo sa mga pansariling panalangin mo na gabayan ka nawa ng Diyos sa gagawin mong paglalakbay patungo sa mga pangarap mo sa buhay.

Mahal na mahal kita hanggang sa huli kong hininga, Anna. You'll always and forever be Papa's darling little angel.


Sa Bayang Banal tayo'y muling magkikita.


Nagmamahal hanggang wakas,

Papa Erdie;  Eraño G. Manalo

Where My Heart Lies BetweenWhere stories live. Discover now