Chapter 22: Ice Cream & Vinny

125 4 0
                                    

November 12, 2021

Annaliese's POV:

"Hi!" pabulong ko na sambit kina Charmaine nang nakaupo na ako sa tabi niya in pang-apat na row ng main hall dito sa Templo Central, "Anong oras na pala?" tanong ko sa kanya.

Sinenyas yung braso at nakatutok yung mga mata ni Charmaine sa suot niyang relo, "It's already... 3:30 pm na!" mahina netong sagot.

I sighed with relief. 3:45 kase yung rehearsal naming mga soprano dahil may mga bagong awit na gagamitin para sa darating na Year-End Pasalamat. At sa sarap ng tulog ko, di ko napansin yung oras, huhu.

"Ana, 'to pala yung mga nota na pinamigay sa akin ni Ka. Damasco kanina. Buti na lang dalawa para tig-iisa tayo," sabi neto at binigay nga niya sa akin yung naka-stapler na mga nota.

"Thank you!" I mouthed softly while reading the lyrics, as well as the notes na gagamitin.

Nakiki-chikahan lang kami about our lives recently kahit na may social distancing na naganap when I felt someone's tapping on my shoulder. Napalingon ako, and it's Mielle pala!

"Hey!" she greeted softly with a wave tas' kumakaway kami pabalik, "Musta na kayo?" tanong neto.

Nag-thumbs up ako habang nag-jazz hands naman si Charmaine in response.

"Did you have your notes na, Ana?" she asked habang umupo siya sa right side ko and I nodded in response.

Tinuloy lang yung pagchi-chikahan namin as the others have arrived, kahit halos mga kapwa naming mga sopranos and descants ang kasama for today. 5 minutes before the exact time ng rehearsal, biglang tumugtog yung organ galing sa choir loft bilang hudyat na magvo-voice drill na kami.

But before that, nag-breathing exercises muna kami for 30 seconds. At binuka na yung mga bibig namin for vocal exercises.

Wala pang 2 minutes at natapos na namin yung drill. Yung natitirang 3 minutes ay yung mga tagubilin/reminders as usual, such as be on time, ihanda ang ating mga sarili, and any other na madalas namin maririnig yun.

And nagsisimula na yung rehearsal namin with Ka. Linnia, ang pangalawang pangulo ng mga mang-aawit, citing the opening prayer, pinapapwesto na kami sa choir loft with me at the second row where kita na namin yung mga naglalakihan at mga nagniningning na chandeliers dito sa main hall, east at west wing ng Templo Central.

We started at the recessional hymn — o Awit sa Paglabas dahil dyan halos kami naguguluhan sa kung ano ba talaga ang tamang way ng aawitin namin, lalo na dun banda sa chorus where may sagutan pa from the tenors. Not to mention yung mga pa-extra na tugtugin, huhu. Pero ok lang dahil may guidance kami from our tagapagturo, which si Ka. Amara Macatangay.

(A/N: Sa true lang😭, pero para sa mga INC readers natin dyan na mang-aawit, alin yung pinaka -mahirap na ipractice? Yung totoo?)

Next is yung offering hymn — o Awit sa Paghahandog. Piece of cake naman pero may times na out of tune o mali yung pagbigkas namin.

Sumunod naman ay yung Awit bago Magteksto. Yan yung naririnig mo after nanalangin yung ministro, manggagawa, o naka-assign na Pangulong Diakono NANG inaawit yung mga apat na bilang. Just as expected, may mga lines kami na nagkamali huhu.

Pagkatapos neto ay yung unang awit. Piece of cake pero kailangan pa ng madaming practice, na-piyok ako dun sa bandang last line ng chorus, huhu.

Ang taas kasi ng tono na gagamitin! Kahit na may aid kami with the lyric video na pinakita from the LED screen behind us na may tugtog naman, ngek pa rin!

Where My Heart Lies BetweenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora