Chapter 15

1.2K 33 5
                                    

ALAS OSTO na'ng gabi nong dumating ang kapatid niya. Pinapasok ko siya sa loob ng kwarto dahil dala-dala niya ang mga gamit ni Emerald. Itong isa naman walang ginawa kundi ang magreklamo  dahil nag-aalburuto na raw ang tiyan niya.

"Ang tagal mo kuya," Reklamo niya pero ang dalawang mata ay naka tutok sa pinapanood niya at halatang ayaw pa isturbo. Binilin kong wag na lang siyang tumayo dahil t-shirt ko lang ang tanging suot niya sa katawan. Hindi purket kapatid niya ay pwede na siyang dumikit-dikit kapag wala siyang suot na undergarment.

"Kuya Kael?" tawag niya sa kapatid.

"Dito lang po ako sa sofa, wala pa kasi akong suot na bra at panty!" Inporma niya kaya na pailing na lang ako dahil ganyan talaga siya.

"Lapag mo na lang sa harapan niya ang pagkain Kael," utos ko dahil nakabalot naman ang katawan niya ng comforter namin  kasi raw nilalamig siya.

"Mainit po ba siya masiyado, doc?"alalang tanong ni Kael sa akin bago siya lumapit kay Emerald. Nakita kong dinikit niya ang likod ng palad nito sa leeg ni Emerald dahil sa noo nito may nakadikit na cooling gel patch para bumaba ang lagnat niya.Buti na lang talaga available ang fever aid ko dito sa clinic.

"Umabot ng 39.2 Celsius ang body temperature niya after niyang maligo," sagot ko. Ang tigas kasi ng ulo, alam niyang may sinat na siya naligo pa talaga.

Kanina kasi habang pinupunasan ko at pinatutuyo ang buhok niya ramdam ko ng mainit na siya kaya gumamit ako ng thermometer para malaman ko kung gaano kataas ang lagnat niya. Hindi ko alam kung siniseryoso niya ang lagnat niya dahil baliwala lang sa kaniya. Basta ang sinabi niya hindi pa raw masakit ang ulo niya. So? Antayen niya pang sasakit ng husto ang ulo niya dahil ganyan siya!

"Tramadol/Paracetamol 37.5mg / 325mg tablets na lang po ang available sa pharmacy doc," paliwanag ng kuya niya at inabot sa akin ang gamot.

"Salamat, bro!" sabi ko. Nilapag ko sa table Lampshade ang gamot ni Emerald para aabotin ko na lang mamaya kapag iinomen niya dahil every 4 hours ang interval ng pag-inom niya ng gamot.

"Walang anuman doc,"sagot niya at yumuko pa.

"Alia?" tawag niya sa kapatid.

"Po kuya," sagot namam ni Emerald.

"Kumain kana at magpahinga," utos sa kaniya ng kuya niya.

"Sabay kami ni Babu," maikling sagot niya.

"Sige na bro. Ako na'ng bahala sa kaniya dahil hindi mo iyan makakausap ng maayos kapag tutok na tutok sa pinapanood niya," tungon ko.

"Sige doc. Alis na po ako," paalam niya. Humalik siya sa tuktok ng ulo ni Emerald at yumuko sa akin bago naglakad palabas ng kwarto. Sumunod ako sa kaniya para masirado ko ang pinto ng clinic ko at macheck ang securidad bago bumalik sa kwarto.

"Kumain ka muna Cheetah," sita ko sa kaniya at hinawakan ang ulo niya at pinilit na pinaharap sa akin.

"Babu, wait!" pagtatangi niya at inalis ang pagkakahawak ko sa ulo niya.

"Ang gwapo ni Maximo," sabi niya  at tinuro pa talaga ito. Na palunok siya noong naghubad ang bidang lalake at lumapit sa babae.

"So?"tanong ko. Tumingin siya sa akin at tumingin ulit sa pinapanood niya.

"Malaki siguro iyon ano niya, Babu?" tanong niya.

"Tsk! Ang dami mong iniisip, kumain ka na nga lang!" sabi ko sabay kuha ng kutsara't tinidor at nilagyan ito ng kanin pati ulam na adobo.

"Nga-nga?"utos ko bago ko sinubo sa kaniya. Nag katingian kami pero sabay rin kami nag-iwasan ng tingin.

Tsk! The feeling it's mutual.

FPS #2: Doctor's Compelled AffairWhere stories live. Discover now