Pinky & Blue = Love

571 25 7
                                    

Bilang maid of honor ni Serena. Pinasama siya nito para ma-meet ang wedding coordinator sa kasal nito. Kahit napilitan ay walang nagawa si Serena sa pamimilit ng kaibigan. Mahalaga sa kanya ang araw na iyon pero pinagbiyan niya ang kaibigan matapos siyang kulitin at singilin sa mga atraso niya. Kaya nga napapayag na rin siya.

Sa Café Bonita sa Greenbelt 5 ang meeting place. Dumiretso na kaagad siya doon pagkagaling sa opisina. Naroon na si Serena sa pina-reserve na table nang datnan niya.

Nag-text siya kanina sa boyfriend na si Blue na di makakarating sa unang date pa naman sana nila. Bagamat nanghihinayang dahil iyon sana ang unang pagkakataon na magde-date sila bilang magkasintahan ay ipinagkibit-balikat na lang niya at nangakong babawi na sa susunod na araw. Hindi naman nagalit si Blue. Sinabi na lang nito na susunduin siya matapos nilang magkita ni Serena.

Dalawang araw na ang nagdaan pero hanggang ngayon ay nasa langit pa rin ang pakiramdam ni Pinky. Punong-puno ng kulay ang araw niya ngayon. Ang gaan ng kanyang pakiramdam at palagi pang nakangiti. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig!

Ngayong gabi na rin niya sasabihin kay Serena ang bagong pangyayari sa buhay niya.

"Pinky, salamat at dumating ka," salubong ni Serena.

"You should be thankful. You have no idea kung ano ang iginive-up ko for this meeting with your wedding coordinator." Naupo siya sa katapat ni Serena.

"Bakit naman bitter ka?" Nakangiti pa rin si Serena. Di yata ito ngayon tinatablan ng mga tantrums niya. Grabe talaga ang nagawa ni Trace sa kaibigan niya. Ang mainipin at magagalitin niyang best friend ay napalitan ng maunawain at mapagpasensyang nilalang.

"Seriously, who are you? Saan mo dinala ang kaibigan ko? Dati-dati kapag nagsisimangot ako sa mga biglaang invitations mo ay nagagalit ka sa akin. Anong nangyari sa iyo teh?"

"Let's just say I'm in love. This is me when so madly in love. Kaya i-enjoy mo na lang while it last."

Uminom muna siya ng tubig doon sa glass na nasa mesa.

"Padating na raw iyong ka-meeting natin. Nag-text siya sa kin. D'yan ka muna sandali at tatawagan ko lang si Trace. Kanina pa mahina ang signal dito."

"Okay," aniya. Umalis na ito.

She grabbed the menu and browse it while waiting. Wala siyang mapili. Alanganing busog na hindi ang pakiramdam niya. Manghihingi na lang siya ng ibang menu. Baka may salad sila at iyon na lang muna ang kakainin niya. Naghahanap siya ng waiter para sana maka-order nang biglang nag-dim ang ilaw sa paligid. Nagtaka rin siya nang biglang naputol ang piano instrumental song na pumapailanlang sa buong restaurant. Sa halip ay napalitan ito ng panibagong piano instrumental na parang live version. Hinanap niya kung nasaan ang tumutugtog at literal na napanganga siya sa pagkabigla nang makilala ang nakaupo sa likod ng piano.

Nakita niya roon ang guwapong-guwapo niyang boyfriend. Bagong gupit ito at ang neat tingnan. Nagsisimula na itong tumipa ng mga keys sa piano. Ngiting-ngiti itong nakatingin sa kanya. Mas lalo pa siyang nagulat nang magsimula itong kumanta.

She may be the face I can't forget
The trace of pleasure or regret
May be my treasure or the price I have to pay

She may be the song the summer sings
May be the chill the autumn brings
May be a hundred different things
Within the measure of a day

Di niya mapigilan ang sobra-sobrang kilig. Wala yatang pagsidlan ang mga ngiti niya habang pinapanood si Blue na bigay na bigay sa pagkanta. Iyong mga guest na naroon sa restaurant ay nakangiti ring nanood sa tumutugtog sa harapan nila. Hindi niya napansin pagkapasok niya sa restaurant kanina na mayroon pala doong mini-stage dahil sa nga naba-bad trip siya sa biglaang pagtawag ni Serena at nagmamadali pa itong papuntahin siya.

Pink & Blue = GrAY (Completed)Where stories live. Discover now