Concerned Friend

310 15 2
                                    

X

Dalawang araw ng nagkukulong sa silid niya si Pinky. Wala si Serena sa bahay nito nang puntahan niya kaya nagpahatid na lang siya sa condo niya at doon nagmukmok. Di naman siya makauwi sa mama niya sa Laguna dahil nahihiya siyang ipaalam ang breakup nila ni Neil.

Nag-file siya ng leave of absence sa trabaho. Mabuti na lang at di pa nababawasan ang leaves niya na inilalaan sana niya sa honeymoon. Wala pa siyang pinagsabihan sa mga kaopisina na di na tuloy ang kanyang kasal.

Wala rin siyang natanggap na text galing kay Neil. Balewala na nga yata siya sa dating nobyo. Ni hindi man lang ito nag-effort na suyuin siya lalo pa at ito naman ang may kasalanan.

Maraming bagay ang naglalaro sa isip niya. Paano niya ngayon sasabihin sa mama niya di na tuloy ang kasal kahit pa against naman ito noon pa man kay Neil? Paano niya haharapin ang pagbangon sa nabigong pag-ibig? Nang magising siya kaninang umaga ay ramdam na ramdam niya ang sakit sa nabigong pag-ibig. Bakit nga ba kapag may heartache ay sa pagkagising sa umaga tumatarak ang sakit? Wala na naman siyang nagawa kundi ang mag-iiyak at balikan ang mga masasayang memories nila ni Neil.

Tapos na nga ba sila ni Neil?

Sa gitna ng pag-iisip habang nakahiga pa rin sa kama ay tumunog ang message tone ng cell phone niya. Sa pag-asang si Neil iyon, dinampot niya agad ang telepono sa bedside table. Pero galing kay Blue ang mensahe.

Confirm ko appointment dis PM w/ d photographers. C U @ 2 sa shop.

Oo nga pala! Ngayong hapon ang schedule para puntahan ang napiling wedding photographer. Kailangang malaman na ni Blue na di na tuloy ang kasal. Kaya pinilit niyang bumangon at nagdesisyong makipagkita. Nag-reply siyang darating sa shop.

Pumasok si Pinky sa opisina ni Blue. Abala itong nagko-computer nang datnan niya.

"Tama na ba ang twenty per cent payment sa serbisyo mo nitong nagdaang tatlong buwan?"

Humarap si Blue na naka-kunot ang noo. "Para saan ang bayad? Hindi pa naman kita sinisingil? Ready ka na ba? Naghihintay na iyong mga photographers," akmang tatayo ito.

Nagbuntong-hininga muna siya bago lumapit sa mesa ni Blue. "Paki-sabi sa kanila na di na ako makikipag-meet. Heto ang kabayaran sa pag-aasikaso mo. Hindi na tuloy ang kasal namin ni Neil." Ibinaba niya ang tseke at tumalikod na siya para makaalis na.

"Teka, Pinky. Ano ba iyong narinig ko?" Mabilis na nakalapit ito sa kanya nang abutan siyang pipihitin na ang seradura ng pinto.

Tiningnan niya si Blue. Naghihintay ito ng kanyang sagot.

"Break na kami...." Parang maiiyak na naman siya ngunit buong determinasyon niyang pinigilan iyon. "I haven't heard anything from him kaya ina-assume ko na talagang wala ng kasalang magaganap." Nangingilid pa rin ang mga luha niya.

Gulat man ang ekspresyon ni Blue pero naka-recover naman agad ito. "I mean.... ahm... paano kayo nag-break? Kailan pa siya bumalik? Tell me, please."

Inalalayan siya nito pabalik doon sa may mesa at pinaupo sa visitors chair.

Ikinuwento niya ang buong pangyayari sa gitna ng mga hikbing di na nagpapigil. Mataman naman itong nakinig sa salaysay niya. Matapos siyang makapag-kuwento ay tinawagan ni Blue ang mga photographers para i-cancel ang pakikipagkita. Habang may kausap si Blue ay tiningnan niya ang kanyang cell phone sa pag-asam na baka nag-text si Neil kanina. May isang mensahe ngang naroon sa screen. Kaya agad niyang binasa iyon para lang magulat sa nakasaad.

Go to this address to see what u'r BF is doing: Unit 116 El Mundo Towers, Mand.

The message comes from an unknown number.

Naisip niyang baka wrong send iyong mensahe kaya nag-text back siya.

Hu R U? I think u wrong send. She send back the message.

Mabilis na nag-reply ang texter. U'r Pinky, right? F U want to know the truth u better check it.

Who are you? Reply niya ulit. Puno ng pagtataka ang isip niya.

Tapos nang makipag-usap si Blue sa telepono kaya bumalik na ito. "Anong plano mo ngayon?"

She just stared blankly at him. Her mind is puzzled while waiting for the texter's response.

"I have an idea. Why don't we go somewhere and have a drink?"

Nag-beep ang cellphone niya para sa bagong mensaheng dumating. Binasa niya iyon. A concerned friend.

A concerned friend!

Sino naman kaya iyong concerned friend na iyon?

Totoo kaya ang tinext nito o balak lang nitong lalo pang paguluhin ang sitwasyon nila ni Neil?

Napatingin siya kay Blue na nakatayo sa harapan niya at naghihintay ng sagot sa paanyaya.

"Why? Namumutla ka Pinky. May sakit ka ba? Kumain ka na ba? Gusto mo dalhin kita sa ospital?"

Gulong-gulo ang isip niya. "Alam mo ba kung saan sa Mandaluyong ang El Mundo Towers?"

"Hindi. Pero madali namang hanapin iyon kung magtatanong tayo and we can always rely on google map and GPRS." Lumapit ito sa kanya at idinampi ang kamay sa kanyang noo. "Nanlalamig ka. What do you want me to do?"

"Samahan mo naman ako doon. May kailangan lang akong alamin."

He looked at her intently as if he wanted to ask why but he just keep it to himself. "Okay. Ako na ang magda-drive."

Ginamit ni Blue ang asul na Toyota Revo nito. Habang daan ay pinadalhan niya ng text ang concerned friend tungkol sa kung ano pa ang nalalaman nito. Naisip niya kung ano kaya ang motibo ng texter para bigyan siya ng nakakagulat na impormasyon tungkol kay Neil. Hindi kaya naninira lang ito? Ganunpaman, on the way na sila ni Blue. Anuman ang madiskubre niya sa mga susunod na oras ay kailangang maihanda niya ang sarili.

Makaraan ang isang oras na biyahe ay natagpuan din nila ang hinahanap na gusali. Humingi sila ng building pass sa guard bago sumakay ng elevator.

Nakasunod si Blue sa kanya. Nakikiramdam pero di nagtatanong kung ano ang pakay niya. Nagpapasalamat siya sa pag respeto nito sa pananahimik niya.

Nakatayo na sila sa harap ng unit 116. Ito na ang moment of truth.

Matagal-tagal din niyang tinitigan ang door bell bago iyon pinindot.

Ilang sandali pa nga ay bumukas ang pinto.

"Neil!" Tama ang impormasyong ibinigay ng texter.

Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko in-expect na darating ka agad." Naka-jogging pants at white shirt ito. "Kasama mo pala si Blue."

"Hi Neil," bumati ito.

"What's going on Neil?" nagtatakang tanong niya.

"Let's talk Pinky."

"I think I better go," ani Blue.

"No, please stay around. Baka kailanganin ni Pinky ng kasama matapos naming mag-usap. Come in Pinky. Paki-hintay naman siya sa lobby."

Blue doesn't seem to have a choice. "Okay. Text mo lang ako pag tapos na kayong mag-usap."

"Salamat Blue," aniya.

Naglakad na ulit ito papalayo. Pumasok siya sa loob ng condominium na abot-abot ang kabang nararamdaman. Pakiramdam niya ay may bombang sasabog na sa harapan niya.

VOTE | COMMENTS Pls..

#PNBG12

Pink & Blue = GrAY (Completed)Where stories live. Discover now