So It's You

421 18 0
                                    

V

Si Serena agad ang tinawagan niya nang makauwi sa condominium unit sa Bay City. Kanina sa biyahe ay sobrang awkward ang atmosphere sa loob ng van nang pabalik na sila ng Maynila. Mula Tagaytay ay nagsabi si Blue na matutulog na lang daw. Si Neil naman ay nagpaka-busy sa Ipod kaya natulog na rin lang siya. Ang balak niyang pagtatanong kay Blue tungkol sa pagkatao nito ay di na niya nagawa.

Makaraan ang tatlong ring ay narinig niya ang tinig ni Serena sa kabilang linya. "I knew you would call."

"Talagang tatawag ako. Kailangan mong mag-explain sa akin. Bakit nahulog si Blue? Itinulak mo ba siya? "

"It serves him right. Pero di ko siya itinulak. Bakit ko naman gagawin iyon?" mariing tanggi nito. "Kasalanan niya kung bakit siya nalugmok sa lupa."

Narinig niya ang pagtawa nito. "Bakit nga? Paki-kuwento naman."

"Pinilit niya kasing pitasin iyong bayabas. Nagpapa-cute siguro doon sa kuya ng batang humihingi ng bayabas."

"Puwede mo bang ayusin ang kuwento mo. Hindi ko maintindihan."

"Ganito kasi iyon. Halos magkalapit lang kami ni Blue. Narinig ko na nagre-request iyong batang babae doon sa kuya niyang naroon lang din sa malapit sa min. Kaso, tumanggi iyong kuya dahil di daw niya abot iyong bunga. Medyo maliit kasi iyong height niya. Then, itong si Blue nakisabat sa usapan ng dalawa. Nalingat lang ako sandali at pagtingin ko siya na iyong nagpipilit na umabot ng bayabas."

"Kaya siya nahulog dahil di niya maabot iyong bayabas," konklusyon niya sana sa kuwento ni Serena.

"Tapos, lumapit ako sa kanya at sinabi kong mas maganda ako sa iyo. Pero kung naka-underwear ka habang nakatayo doon, korona na lang ang kulang at kuha na niya ang award na Miss Swimwear. Pagkatapos noon tumingin siya sa akin ng masama at nadulas na siya."

"E ikaw naman pala ang may kasalanan. Pri-novoke mo kasi siya. Higit sa lahat tama bang ipaalala mo ulit iyong nangyaring kahihiyan sa kanila dun sa bar? Serena, minsan di ko maintindihan kung mabait ka ba talaga o hindi."

"Mabait po ako. Sila ang nagsasamantala sa kabaitan ko."

"Mag-sorry ka sa kanya," utos niya.

"Why would I? As far as I know, wala akong kasalanan sa kanya. I wouldn't do that."

"Akala ko tapos na ang revenge mo sa mga kalahi ng ex mo. Bakit ginawa mo pa iyon kay Blue? Kawawa naman iyong tao. For your information, ang Blue na pinagti-tripan mo ay posibleng si Tiger Blue na crush ko noong high school."

"Impossible iyan Pinky. "

"Iyong contract namin pangalan ni Tiger ang nakasulat doon."

"Baka naman kapangalan lang."

"Ewan ko. Tatanungin ko sana siya kaya lang itinulak mo naman. Kaya nanahimik na lang siya sa van. Nahiya naman akong magtanong pa."

"Sabi ng di ko siya itinulak," pilit pa ring iginigiit ni Serena. "Huwag mo ng problemahin iyon. Hindi iyon si Tiger. I gotta go. Nandito na si Keanne. Bye friend."

"Okay, be good," she pressed the end call button. Pasalampak siyang naupo sa malambot na lavender sofa sa munting sala niya. Isinandal niya ang likod at tumitig sa kisame.

Sa totoo lang, di naman niya dapat problemahin ang pagkakahulog ni Blue. Hindi nga niya ito naringgan ng reklamo o daing man lang na nasaktan. Tinanong pa nga niya ito bago natulog sa van kung kailangan ba nilang dumaan sa hospital. Tumanggi naman.

Papaniwalaan ba niya ang kuwento ni Serena? Nagsasabi kaya ito ng totoo? Sakali namang hindi, bakit naman ito magsisinungaling sa kanya? Matagal na rin silang magkaibigan at kailanman ay hindi pa niya ito pinagdudahan.

Paano nga kaya kung si Blue ang ultimate crush niya a decade ago?

Ti-next siya ni Blue at sinabi nitong sa shop na ni Farah Wong sa SM Megamall sila magkita para sa appointment nila sa mga designers ng gown niya. Hindi raw kasi puwede si Patricia kaya siya na lang ang sasama sa kanya.

Nauna na ito roon sa shop nang datnan niya. Kita niya agad si Blue sa suot na neon green na polo. Naisip niya tuloy na sakali mang mag-blackout ay lulutang ang kulay ng suot nito sa dilim.

Matapos ang ilang tanong ni Farah Wong sa kanya sa kanilang meeting ay nakapag-design ito ng tatlong sketches na ubod ng gaganda. Hands down siya sa talento nito dahil napalabas nito ang gown na naiisip niya. Ang problema ay umabot sa two hundred thousand ang package na ino-offer nito. Sobrang lampas na iyon sa budget nila sa clothing ng bride, groom at entourage. Nakakahiya naman kay Neil kung doon na lahat mabuhos ang savings nito.

"May iba ka pa bang suggestion?" tanong niya kay Blue pagkalabas nila ng shop ni Farah Wong. "Sa ganda ng design niya, nakalimutan ko na may budget pala akong dapat sundin. In all honesty, sana ay mapagkasya natin ang one hundred thousand budget para sa clothing naming lahat."

"Ganon ba? Sige, i-stretch natin ang budget mo gamit ang sketch ni Farah. Sa tela na lang tayo mag-adjust."

"At least alam ko na ngayon kung ano ang gusto kong design," nakangiting sabi niya.

"Good."

Huminto siya sa paglalakad. "Siya nga pala, mag-a-apologize ako sa ginawa ni Serena last week sa Calaruega. Hihingi na rin ako ng sorry tungkol sa nangyari doon sa bar. Inaamin ko may kasalanan din ako pero hindi ko talaga alam ang balak ni Serena. You know my friend is having a problem with gays. Nadamay lang kayo ni Buddy para gantihan niya."

Tumawa ito ng malakas. Namula ang mukha nito at halos mainis na nga sa katatawa. Hinila niya ito sa isang tabi dahil nakakatawag ng atensyon ang tawa nito.

"Stop laughing. Pinagtitinginan ka na ng mga tao. Baka akalain nilang nababaliw ka na," saway niya.

Sa gitna ng pagtawa ay nawika nito. "Ngayon, baliw naman. Ayaw mo non baliw na bading." Tumawa na naman ito.

Hinintay niyang humupa ito sa pagtawa bago siya nagtanong. "Siya nga pala, by any chance ba ay pumasok ka sa St. Bridgette College? "

Kalmado na ito sa pagtawa. "Doon ako nag-high school. Pero di ako doon nag-graduate. May kakilala ka ba roon?"

Pinagpawisan si Pinky sa isinagot nito. Sigurado na siya na ito nga si Tiger. "Hi-hindi mo na ba ako natatandaan?"

Kumunot ang noo nito. "Naging girlfriend ba kita noon?"

"High school fair, jail booth, freshmen na hinimatay. Does it sounds familiar?"

Nanlaki ang mga mata nito. "Don't tell me!" Natutop nito ang bibig.

"Right. Ako nga iyon," sunod-sunod ang tango niya. "Anong nangyari sa iyo? Bakit ka nawala? Bakit nag-iba ang hitsura mo?"

"Palagay ko kailangan nating mag-kape para makapag-usap tayo ng matagal."

________

Vote pls...
Comment pls...

#PNBG05

Pink & Blue = GrAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon