Saving Letters

364 19 2
                                    

A month after

Pinky, Serena and Trace were on an out of town trip in Cebu. Hindi natuloy ang pag-alis ni Trace para muling mag-compete sa car racing. Nagkaroon daw kasi ng problema iyong race track kaya kailangan munang ayusin. Na-extend ang bakasyon nito. Dahil doon mas nakilala ni Pinky ang bagong boyfriend ng best friend niya. He's been nice, cool and good to her. A ladies man at may sense of humor pa. Mahilig pang mag-crack ng jokes sa Tagalog kahit pa nagkaka-buhol-buhol na ang dila sa pagku-kwento kaya lalo tuloy siyang natatawa.

Nasa labas siya ng isang diving store nang makita sina Mark at Cheska. Nagsosoli naman sina Trace at Serena ng mga ni-rent na mga diving equipments at hinihintay nga niya ang dalawa para makapag-lunch na.

"Kamusta ka na Pinky?" bati ni Cheska. "Last month lang nasa Batangas tayo. Akalain mong dito pa tayo magkikita sa Cebu. Sa dagat na naman." Natatawang sabi nito.

"Nagda-dive ka na rin ba?" tanong ni Mark.

"I'm fine." Nagagalak na sabi niya pagkakita sa dalawa. "No, hindi pa rin ako nagda-dive. I'm with my friends andun sila sa loob. Ang layo ng narating n'yo ngayon a. Hanggang kailan ba kayo dito?"

"We want to try new shores. Kadarating lang namin kanina with a group of divers din. Pagkapahinga sandali nagpunta na kami dito," sabi ni Cheska.

"Pabalik na rin kami ng Manila mamayang gabi," aniya.

"Siya nga pala kamusta na si Blue. Hindi pa ulit nagpapakita sa amin ang lalaking iyon after ng trip natin." Si Cheska.

Wala rin siyang balita kay Blue. She called him many times pero di nito sinasagot ang tawag niya. Minsang nagpunta siya sa bar at shop nito ay di rin niya nakita. May hinala siyang ayaw talaga siyang harapin nito. Until she gave up para maghintay ng pagkakataon kung kailan sila magkaka-ayos.

"Balita ko babalik na ulit ng Amerika si Blue para magpa-checkup. Alam mo ba iyong naging aksidente niya noon?"

"Oo, nasabi niya."

"Sabi ni Buddy matatagalan raw si Blue sa states," dagdag ni Cheska.

"Bakit naman daw?" Na-alarma siya.

"Ewan namin. Ayaw sabihin ng best friend niya. But we'll make sure to get in touch with him bago siya umalis," ani Mark.

"Kailan ba ang alis niya?" mabilis na tanong niya.

"Hindi namin alam ang exact date. Baka puntahan namin siya sa bar one of these days," sagot ni Cheska.

"Pa'no? Kita-kits na lang. Hinihintay na kami ng mga kasama namin," paalam ni Mark.

"Nice to see you," aniya.

Nakalayo na sina Mark at Cheska pero ang balitang sinabi ng mga ito ay tumatak sa isip niya.

Bakit kaya hindi na babalik si Blue?

May problema ba ito sa epekto ng aksidente kaya kailangang umalis ng bansa at muling magpagamot?

Kung totoo ngang magpapagamot ito ay malamang na matagalan pa bago itong makabalik ng bansa.

Bigla tuloy na-miss niya si Blue. Nitong mga nagdaang gabi ay palagi niya itong napapanaginipan. Sa panaginip niya ay malungkot na nakatingin ito sa kanya at saka aalis ng walang lingon-likod. Hindi kaya nagpapaalam na ito in her dreams?

Ramdam niya ang bigat ng damdamin niya. Naghahanda man siya ng mga gamit nila papuntang airport sa Mactan pero si Blue ang laman ng kanyang isipan. Distracted nga siya sa ginagawa. Kung ano ang makita niya ay isinilid na lang sa maleta at di na maayos na nailupi man lang. She's not like this. Neaty freaky kaya siya at gusto niyang palaging maayos ang gamit niya. Pero ngayon ay mailagay lang sa maleta ang goal niya at ayos na. Napabalikwas pa siya nang may kumatok sa pintuan.

Pink & Blue = GrAY (Completed)Where stories live. Discover now