Another Conclusion?

384 20 1
                                    

VI

"Sabi ko na nga ba at kilala kita. First time I saw you, sabi ko sa sarili ko na parang nakita ko na somewhere ang babaeng ito," ani Blue nang makaalis ang service crew matapos nitong kunin ang mga orders nila.

Magkaharap silang naka-upo sa ilalim ng umbrella table sa façade ng coffee shop.

"Iyon rin ang impression ko noong una kitang makita sa party. Kaya lang hindi ako sigurado. Blue kasi ang pangalang ginagamit mo samantalang noon sa St. Bridgette ay Tiger ang tawag sa iyo. Bakit hindi ka na bumalik sa school?"

Nagkibit-balikat ito. "It's a long story. Bottom line is, I had an accident that same day ng high school fair matapos ka naming dalhin sa clinic nang hinimatay ka. Teka, bakit ka nga pala hinimatay?"

Napakamot siya sa batok. "Sabihin na lang natin na I got exhausted."

"Sa fair? Kung sabagay, napakainit nga noong araw na iyon. Siguro, pagod na pagod ka."

Tinanguan na lang niya ito sabay ngiti. "Mabalik tayo sa kuwento mo."

"Iyon nga, nag-page si mommy at sinabi niyang dinala nila sa ospital iyong lolo ko. Inatake raw sa puso at pinapapunta agad ako. Close kami ng lolo kong iyon. He's strong and healthy during that time pero bigla na lang siyang trinaydor ng puso niya. Kaya lang sa pagmamadali ko, pagtawid ko doon sa harapan ng ospital hindi ko napansin iyong truck na kasalubong ko. I was hit. Got coma for a week. Nasira ang mukha ko. Sad part is, hindi ko na nakita ang lolo ko."

"I'm sorry to hear that."

Totoo nga pala ang tsismis noon tungkol sa pagkawala ni Blue. Ang buong St. Bridgette ay nagtatanong at naghabi ng kani-kanilang kuwento. Dahil sa sobrang pag-aalala niya kay Tiger ay walang patid sa loob ng anim na buwan na pinadalhan niya ito ng mga sulat sa address ng mga ito. Hindi lang siya sigurado kung nabasa ito ni Tiger.

"When I woke up, di ko na makilala ang sarili ko because of the damage in my face. Kaya hindi na ako nakabalik sa St. Bridgette. Nagdesisyon ang mga magulang ko na pakiusapan ang school na huwag ipaalam ang totoong nangyari sa akin. Siguro, maraming speculation about me."

"Tama ka, maraming balita ang naglabasan na kesyo nag-asawa ka na daw, nag-abroad at naka-kulong ka daw," aniya habang inaalala ang lahat ng balitang inabangan niya noon tungkol kay Tiger.

Kung masasabi lang niya kung gaano siya kalungkot sa pagkawala nito na halos ayaw nga niyang pumasok sa school. Kung hindi pa sa pangungumbinsi ni Serena ay di niya matatapos ang freshmen year niya. Hanggang sa nawalan na siya ng pag-asa na makita pa si Tiger kaya itinigil na niya ang pagsulat.

"Nakulong daw ako! Grabe namang ang mga balita."

"Campus figure ka kaya noon. Siyempre, di mo maiwasan na hanapin ka sa school at pag-usapan."

Nag-make-face ito. "Dinala ako ni mommy sa Amerika. Pinagamot niya ako doon. Matapos ang rehabilitation ko, nagpa-plastic surgery ako. Successful naman ang operasyon kasi naayos ang mukha ko kaya lang hindi kasing kopya sa dati kong mukha. Doon naubos ang lahat ng ipon ng mga magulang ko."

Tinitigan niya ito. "Wow! The wonders of medicine. Iyong mata at kilay mo di nalalayo sa dati. Kaya lang iyong ilong mo, pisngi at iyong lips medyo naiba. Nawala din iyong nunal mo dito sa lower lip."

"Kabisado mo pala ang face ko. Pati iyong nunal ko alam mo." He looked pleased and surprised as well.

Kung masasabi lang niya na gabi-gabi ay tinititigan niya ang picture nito ay siguradong lulubog siya sa kinauupuan. She decided to change the topic.

"So, sa Amerika ka na nag-aral?"

"Nag-home school ako para matapos ang high school. Doon na rin ako nag-kolehiyo. Nag-apply ako ng scholarship. Pagka-graduate ko, umuwi na ako ng Pilipinas."

"Nabanggit ni Patricia na sa planning department ka raw ng isang advertising firm dati nagtatrabaho bago ka nag-take-over sa business ng tita mo."

"Si Trish talaga ang daldal. But it's true. I was in one of the best advertising firm before. My mom asked me and Trish to manage my Tita's business dahil kailangan na nitong bumalik sa Amerika. Eksakto namang noong mga panahong iyon na saturated na ako sa advertising. Sa opisina namin, masyadong malakas ang politika. I got tired of it. Kaya sinubukan ko ang pagnenegosyo."

Matamang nakinig siya sa kuwento nito. Di niya maiwasang pakatitigan ang mukha nito. He looked more of her first love ngayong alam na niyang iisang tao lang pala si Tiger at si Blue.

"It's worth it naman. Nagamit ko rin iyong mga natutunan ko sa advertising para sa business ko. Kapag masaya ang client ko, mas masaya ako. Besides, hindi naman ako ang talagang in action sa business. I have good people na maaasahan ko. Si Patricia ang talagang hands-on. I had other business to attend to. I'm just there to manage and give advice to -" Naputol si Blue sa pagku-kwento dahil sa pagdating ng isang babae.

"Hi Blue. Kamusta ka na?" malambing na bati ng babaeng huminto sa tabi ng mesa nila.

Kung hindi siya nagkakamali, ito iyong babaeng nagta-type sa laptop nito kanina na napansin niya bago sila naupo. Naka-jeans at baby tee ito. Morena, matangkad at nakakahawig ni Iza Calzado.

Tumayo si Blue. "Sabi ko na nga ba at ikaw iyong nakita ko kanina. Kailan ka pa bumalik?"

"Last week lang. May project kami dito na kailangang tutukan." Napatingin ito sa kanya at ngumiti.

"By the way, Katy this is Pinky. She is my new client."

"Hello Pinky, you're getting married na pala. Best wishes," nakipagkamay ito sa kanya.

"Thank you," she smiled and admired her beauty.

"I won't interrupt anymore. Baka may pinag-uusapan kayo. Nice to see you again Blue." She looked at him deeply before she left.

Mukhang masaya si Blue nang muli itong naupo sa tapat niya. Nadala na ng waiter ang orders nila. Humigop ito ng kape.

"You seemed close," aniya. "Kamag-anak mo?"

"No. Ex-girlfriend," pinunasan nito ng tissue paper ang bibig.

Nagka-girlfriend siya! So, hindi nga siya bading.

__

#PNBG06

VOTE PLS..

COMMENTS PLS...

THANK U...

Pink & Blue = GrAY (Completed)Where stories live. Discover now