Of Poems & Embarassment

374 17 1
                                    

VIII

Sa Casa Insolares sa Intramuros ang venue ng poem reading at acoustic concert na imbitasyon ni Blue. Katulad nga ng napag-usapan magkikita na lang sila sa venue. Doon na dumiretso si Pinky pagkagaling sa opisina. Nag-text pa ito kahapon para kumpirmahin ang kanilang lakad.

Hindi na siya nagpalit ng damit na suot. Naka-pang-office getup pa rin siya. Dahil Friday naman ay allowed silang magsuot ng casual wear. Isang simpleng tank top, skinny jeans at sneakers ang suot niya na di naman nalalayo sa karamihang porma ng mga guest na nasa bar.

Spanish inspired ang Casa Insolares. Ang mga furnitures at accessories ay mga disenyo pa ng panahon ni Magellan. May maliit na stage sa harapan.

"May I help you, Ma'am?" tanong ng babaeng nagngangalang Andie ayon sa nameplate na naka-pin sa uniporme nito.

"I'm looking for the table reserved by Mr. Blue Concepcion."

Ngumiti si Andie. "Kayo po si Ms. Pinky De Vera?"

Tumango siya. "Kilala mo si Blue?"

"Siyempre po Ma'am. Siya po ang nagpapasuweldo sa amin. Dito po tayo. Ipinahanda na niya iyong table ninyo. Male-late lang daw po siya ng konti."

Sinundan niya si Andie sa mesang ipina-reserve. "Siya ang may-ari nito! Lokong iyon di man lang sinabi sa akin."

"Naku Ma'am huwag ninyong sasabihing alam na ninyo. Baka ayaw pa niyang ipasabi."

Sa harapan malapit sa stage sila huminto. Ipinaghila siya nito ng upuan at naupo naman siya.

"Eto po ang menu namin. Puwede po kayong mag-order muna ng drinks," pagka-abot ng menu ay may inilabas itong order slip.

"Coffee na lang muna," aniya kahit hindi pa tumitingin sa menu.

"Okay po Ms. Pinky. I'll bring your order," nakangiting umalis si Andie.

Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng bar. Sa tapat niya sa kanan ay tanaw ang kitchen. Sa harapan ng kitchen ay naroon ang wine bar counter. Sa may kaliwa naman niya ay may pinto papunta sa hardin. May mga paintings na nakasabit sa wooden lattice screen sa pader. Bawat mesa ay may embroidered na centerpiece at flower arrangement na nakalagay sa isang mini flower vase.

Natawag ang atensyon niya nang may isang grupong dumating na binubuo ng sampung katao ang pumwesto sa may likuran. Mukhang mga estudyante pa ang mga ito base sa mga bitbit na aklat at school materials.

Karamihan ay mga yuppies ang parokyano. Nagsimula nang tumugtog ng gitara at kumanta ang acoustic group na siyang magko-concert sa gabing iyon. Magaganda ang selections ng song kaya naaliw siya at di niya naisip na hinihintay si Blue.

Nakaka-dalawang tasang kape na pala siya at napangalahati na rin ang ham sandwich na in-order nang dumating si Blue. Naupo na ito sa katapat niya.

"Hello!" aniya. "Akala ko di ka na darating."

Pawisan pa si Blue. Naka-black polo shirt ito this time. Medyo natuwa siya dahil hindi pink, orange o violet ang suot. Looking manly and deliciously handsome this time.

"Pasensiya ka na Pinky. Nagka-aberya iyong isang client namin kaya natagalan ako." Nagpunas ito ng pawis gamit ang dalang panyo. "I'm really sorry. Sandali lang ha. I need to do something," paalam ni Blue at aktong papatayo na.

"Go ahead. I'll be fine here."

"Ba't iyan lang in-order mo? Nagpahanda na ako ng dinner kanina. Check ko lang." Umalis na ito bago pa man siya may nasabi.

Sinundan niya ng tingin si Blue hanggang sa makasalubong nito ang isang staff. Matapos mag-usap ng mga ito ay pumasok sa kitchen. Ibinalik na niya ang atensyon sa stage nang marinig na may nagsalita sa microphone.

Pink & Blue = GrAY (Completed)Where stories live. Discover now