Chapter 10

81 8 3
                                    



Aivan Pov's







Hindi kuna mabilang kong ilang araw na akong nakaratay sa kama.Tanging ang puting kisame at ilaw sa bubong na lamang ang madalas kong nakikita.Manhid narin ang buo kong katawan.Hindi na ako nakakaramdam ng sakit pa maliban sa mga karayom na halos gabi gabi nilang itinuturok sa akin.
Sa bawat oras na 'yon hindi na ako mapakali.Gusto ko nang umalis dito.Gusto ko nang makita ang mga anak ko.
Uminit ang gilid ng aking mga mata sa naisip.Hindi ko pa sila nakita simula noong naipanganak ko sila.Ano kaya ang itsura nila.May hawig kaya sila sa akin o sa kay Sir Bryce.

"Time for your medicine."hindi ako umimik nang pumasok na naman ang dalawang doctor at tinurukan na naman ako sa palapulsuhan.Hindi na ako kumilos.Nakatitig lamang ako sa kanilang mga mata habang ginagawa nila iyon.Every time they pull out the needle in my veins ay siya rin ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.I'm dying.I know it at nasasaktan akong hindi ko man lang nasilayan ang mga anak ko.

"Kailan ako gagaling?Gusto kunang ma-makita ang mga a-anak ko."garalgal kong sambit.Naagaw niyon ang atensyon nilang dalawa at tiningnan akong luhaan ang mga mata.Dahil may full mask silang suot mata lamang ang nakikita ko sa kanila.

"Matulog ka muna."sambit ng isa.Isa itong babae basi sa tono nang pananalita niya.

"Sa tingin niyo kailan ako gagaling kong gagaling paba ako?"tanong ko.Nagkatinginan silang dalawa bago ako binalingan.

"Hindi namin alam.Sa ngayon matulog ka muna..."sagot ng isa bago nag blurr ang paningin ko sa kanila.Kusang nagrelax ang aking katawan.Pati ang aking paghinga kusang bumigat nang makaramdam na ako ng antok.Tumulo ang aking mga luha nang walang dahilan.
Pagod na talaga ako.Pagod na pagod na.

"Sleep well Aivan."sambit ng isang doctor bago niya itinaas ang kumot sa aking katawan.Tuluyan kong naipikit ang mga mata nang marinig ko silang nagsalita.

"Ano ang gagawin natin?"tanong ng isa.Mahina lamang ang boses nila pero rinig ko ang bawat salitang lumalabas sa mga labi nila.
"We need to sedate him.Mas nilakihan nila ngayon ang volume ng gamot.Kapag ganoon kalaki ang matatanggap nang katawan niya siguradong kaagad siyang bibigay."patuloy nito.Mahina kong ikinuyom ang mga kamao dahil sa narinig.
"All we need is to reduce it.We can't just give up that Omega.He had nothing with us."

"But we had have pay to sedate him.We can't just ignore it.Paano kapag malaman nilang binawasan natin ang dosage ng gamot na ibibigay natin mamaya sa kanya."

"Okay lang.Since tayo ang maiiwan dito mamaya,hindi nila malalaman iyon.The owner was too busy to handle all of his sh*t right now.Mabuti nalang dahil nasa ginagawa niya ngayon ang buong atensyon niya.Ang ikakatakot ko lang kapag maisip nang anak niyang labanan siya.It would be his greatest rival."narinig kong mahinang natawa ang kasama niya.

"And it would.Sa tingin mo hindi lalaban ang anak niyang dati na niyang sinira ang buhay na pinangarap nito sa Omegang minahal niya dati?Kahit ako lalaban ako.Hindi na makatarungan iyon at saka deserve naman ng Ama niya na sunugin at bombahin niya ang hospital nito."Hospital?Binomba?Si Bryce.

"Mabuti nalang nabawi niya ang mga anak niya pero..."bigla silang nanahimik kasabay sa unti unting paglamon ng antok sa buo kong sistema.
"This Omega.Alam naman nating hindi nagbibiro ang Ama ni Bryce.Hindi niya ipapagawa sa atin na taasan ang gamot na binibigay natin sa kanya kong hindi pa sila nag usap.Hindi siya papayag ng walang kapalit para sa buhay ng Omegang ito."tahimik na lumandas ang aking mga luha.
Si Bryce.
Ano ang ginawa niya?

"Tama na 'yan,lalabas na tayo dito dahil babawasan pa natin ang gamot na ibibigay sa kanya..."hindi kuna narinig pa ang ibang sinabi nila nang tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

The Unwanted Omega (BxB)Where stories live. Discover now